Diary ng Panget
Ang Diary ng Panget (kilala rin bilang Diary ng Panget: The Movie) ay isang romantiko-komedyang pelikulang pangkabataan noong 2014 na batay sa pinakamabiling nobela na may katulad na pamagat, at nilikha't inilathala sa Wattpad ni Denny R., kilala sa sagisag-panulat nito na HaveYouSeenThisGirL.[2][1][6] Ang pelikula ay sa direksiyon ni Andoy Ranay at pinagbibidahan nina Nadine Lustre, James Reid, Yassi Pressman, at Andre Paras. Ito ay isinapelikula ng Viva Entertainment at ipinalabas sa mga sinehan sa buong Pilipinas noong 2 Abril 2014.[7][8][9]
Diary ng Panget | |
---|---|
Direktor | Andoy Ranay |
Prinodyus |
|
Sumulat | Denny R.[1] (nobela) |
Iskrip | Mel Mendoza-Del Rosario |
Ibinase sa | Diary ng Panget ni Denny R.[2] |
Itinatampok sina | |
Musika | Teresa Barrozo |
Sinematograpiya | Pao Orendain |
In-edit ni | Tara Illenberger |
Tagapamahagi | Viva Films |
Inilabas noong |
|
Haba | 110 minuto[3] |
Bansa | Pilipinas |
Wika |
|
Kita | ₱120,932,910[4][5] |
Kwento
baguhinSi Eya ay isang mabait na babae na dumaan sa ilang mga paghihirap sa buhay. Naulila sa edad na 14, inampon siya ng kanyang tiyahin ngunit pinalayas siya sa sandaling siya ay 18. Dahil sa hindi niya kayang mabuhay, nakakuha siya ng bagong trabaho bilang personal na kasambahay at napagtanto na kailangan niyang alagaan si Cross, isang egoistic na binata na tinawag niyang halimaw. Si Cross, na nawalan ng kanyang ina sa murang edad, ay naging sama ng loob sa lahat ng nakapaligid sa kanya. Ngunit anuman ang kanilang pagkakaiba, nagsisimula silang magkaroon ng damdamin para sa isa't isa. Hindi ito napagtanto ni Eya at nagsimulang magkaroon ng crush sa kanyang matalik na kaibigan na si Chad, ngunit kalaunan ay binitawan niya ito dahil gusto niya ang kanyang kaibigan na si Lory. Gayunpaman, si Lory ay may crush kay Cross mula noong sila ay nasa kindergarten at pakiramdam niya ay pinagtaksilan kapag si Eya ay nagsimulang gumugol ng mas maraming oras kay Cross. Inaalo ni Chad si Lory at ipinahayag ang kanyang pagmamahal, na nagpapaisip sa kanya tungkol sa paggalugad ng iba pang mga opsyon. Nakipag-ayos si Lory kay Eya at nagpasya silang pumunta sa school masquerade ball nang magkasama. Nakipagsayaw si Eya sa isang guwapong binata na sa tingin niya ay prince charming niya, ngunit hindi niya ito nakilala nang may maskara. Kinabukasan, tinulungan siya ni Eya at ng kanyang mga kaibigan sa paghahanap ng kanyang prinsipe sa pamamagitan ng pagsukat sa taas, boses, at laki ng paa ng lahat ng lalaki sa paaralan ngunit nabigo nang husto.
Sa pagtatapos ng araw, si Eya ay nakatanggap ng isang tawag mula sa isang lalaki na nagsasabi sa kanya na makipagkita sa kanya dahil mayroon itong dapat pag-usapan sa kanya. Kapag nakilala niya ang lalaking ito, sinasabing siya ang kanyang prince charming. Pinutol sila ni Cross na sinasabing nagsisinungaling ang lalaki, at ipinaliwanag ng lalaki na siya ay pinadala ng isang tao upang pukawin ang tunay na prince charming. Nang harapin ni Eya si Cross tungkol dito ay naging malinis siya sa pagiging prinsipe niya, ipinagtapat din niya na gusto niya ito, at ipinaliwanag din na hindi niya makilala ang boses nito dahil nilalamig siya noong araw ng Ball. Tinanggap ni Eya ang katotohanang gusto rin siya nito, at pumayag na maging kasintahan niya.
Mga tauhan
baguhinMga pangunahing tauhan
baguhin- Nadine Lustre[10] bilang Rhea "Eya" Rodriguez
- James Reid bilang Cross Sandford
- Yassi Pressman bilang Lorraine Lesbian Keet
- Andre Paras bilang Chad
Mga katulong na tauhan
baguhin- Gabby Concepcion bilang Mr. Kama
- Mitch Valdez
- Candy Pangilinan
- Aj Muhlach bilang Ian
- Arkin Del Rosario bilang Seven
- Coraleen Waddell bilang Riri
- Janna Roque bilang Femme
- Carissa Quintas bilang Steph
Produksiyon
baguhinMusika
baguhinDahil sa tagumpay ng pelikula, inilabas ang katuwang nitong soundtrack noong 26 Marso 2014 ng Viva Records katuwang sa produksiyon ang Flipmusic Records.[11] Ang pisikal na kopya naman ng soundtrack ay mabibili sa mga pangunahing tindahan ng musika at sa pormang digital nito sa iTunes.[12]
Diary ng Panget (Original Movie Soundtrack) | |
---|---|
Soundtrack - Various artists | |
Inilabas | 26 Mar 2014 |
Isinaplaka | 2014 |
Uri | Pop |
Haba | 34:59 |
Tatak | Viva Records |
Blg. | Pamagat | Haba | |
---|---|---|---|
1. | "No Erase" | James Reid at Nadine Lustre | 3:39 |
2. | "Rocketeer" | Reid, Lustre | 4:09 |
3. | "Paligoy-ligoy" | Lustre | 3:18 |
4. | "Natataranta" | Reid | 3:09 |
5. | "Di Ko Alam" | Yassi Pressman at Andre Paras | 3:36 |
6. | "Dyosa" | Yumi Lascamana | 3:37 |
7. | "Kakaibabe" | Donnalyn Bartolome | 3:31 |
8. | "Labing Isang Numero" | Thyro Alfaro | 3:09 |
9. | "Halika Na (feat. Ann B. Mateo)" | Shehyee | 3:54 |
10. | "Dinggin" | Sugar High | 4:17 |
Kabuuan: | 34:59 |
Pagtanggap sa pelikula
baguhinMga puna ng kritiko
baguhinAyon kay Zig Marasigan ng Rappler, hindi gaanong naipakita ng Diary ng Panget ang mga makabagong-panahong suliraning hinaharap ng mga kabataan. "Nagtagumpay ito sa pagsasama-sama ng mga nakaaakit na mga tauhan sa pangunguna ng baguhang si Nadine Lustre. Naging mahusay si Direktor Andoy Ranay sa pagpapakita ng chemistry sa pagitan ng 4 na mga artista, subalit sa kasamaang-palad ay hindi nito napanatili ang istorya, maging ang mga tauhan, mula sa pagsikat nito."[13]
Nagbigay naman ng negatibong pagsusuri si Philbert Ortiz-Dy ng ClickTheCity.com sa pelikula, at sinabing "ang kasimplehan ng pelikula'y pinahina pa ng nakakalitong direksiyon. Tila nagpupumilit ang pelikula sa pagpapakita ng napakaraming eksena, kung saan nawawala ang datíng ng mga punchline sa kakaibang pagkakasunud-sunod ng mga tagpo." Binanggit niya na "binigo rin ng direksiyon ang mga gumanap na mga batang artista, kung saan gumaganap silang mabuti sa kanilang mga eksena... Inaksaya ang Diary ng Panget ng hindi malinaw nitong direksiyon. Ang kaluwagan ng pagsasalaysay ay maaari sanang maging mahalagang bagay nito kung ang direksiyon ay mas nakadepende upang gawin itong mas may datíng o mas maayos sa paghahabi ng istorya."[14]
Binigyan naman ng parehong positibo at negatibong pagsusuri ang pelikula ni Nikko Tuason ng Philippine Entertainment Portal (PEP), na nagsabing may mga rebelasyon at kapuri-puring pagganap dito sina Andre Paras at Yassi Pressman. Bagaman at ayon sa kanya, "masyadong mabilis ang mga tagpo at kung minsan ito ang dahilan upang makompromiso ang pagkakaisa ng istorya. Isang halimbawa ay nung inutusan ni Cross si Eya na samahan siya sa isang shoot nang hindi nababanggit na isa palang modelo si Cross. Sa isa pang tagpo, inutusan ni Cross si Eya na puntahan siya pagkatapos ng pulong niya sa student council nang hindi man lamang alam ng mga manonood na si Cross pala ang pangulo ng mga estudyante." Gayunpaman, sinabi ni Tuason na nakakabilib ang pagbibigay ni Ranay ng mga makukulay na mga eksena, at pinuri rin niya ang pagbibigay ng mataas na production values ng pelikula, gaya ng pagkakaroon ng isang rollercoaster sa isang school fair. Sa huli ayon kay Tuason, "ang pinakamagandang bahagi nito ay may taglay na magandang chemistry sa pagitan ng mga pangunahing tauhan ng pelikula. Hindi nagkamali sa pagpili ng mga tauhan dahil lahat sila ay nababagay sa kanilang mga papel na ginampanan."[15]
Sa takilya
baguhinBagama't umani ng negatibong puna muna sa mga nagsusuri ng pelikula, naging patok at mainit naman ang pagtanggap sa pelikula ng mga manonood. Ayon sa naglabas ng pelikula, kumita ito ng ₱12-15 milyon sa unang araw ng pagpapalabas nito.[16] Kumita ang pelikula ng ₱61,324,157 sa unang limang araw ng pagpapalabas nito ayon sa Box Office Mojo.[17] Sa huling linggo ng pagpapalabas nito, kumita ang pelikula ng tinatayang halagang ₱117 milyon,[18] at ₱120,932,910[4][5] (o tinatayang ₱120 milyon) bilang pinakahuling resulta ng pelikula sa takilya,[19], dahilan upang ito'y maging ikaanim sa talaan ng sampung may pinakamalaking kinitang pelikulang Pilipino noong 2014.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 2.0 2.1 Agting, Ira (29 Mar 2014). "'Diary ng Panget' writer Denny on teen success, casting the movie". Rappler.com. Pilipinas. Nakuha noong 14 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Diary ng Panget (2014) on Click the City". Click the City.com. Nakuha noong 14 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Diary ng Panget (2014)". Box Office Mojo. Nakuha noong 14 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "Highest Grossing Filipino Films for 2014 on dalebacar". dalebacar. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Agosto 2014. Nakuha noong 26 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Diary ng Panget". Wattpad. Nakuha noong 14 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ricky Lo (24 Peb 2014). "Diary ng Panget could earn millions at the tills, if." Philippine Star. Naganap noong 12:00 AM. Nakuha noong 14 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Diary ng Panget (2014) Official Trailer". YouTube. Viva Films. Nakuha noong 14 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Red, Isah V. (14 Ago 2014). "Pop novels new source for Tagalog movies". Manila Standard Today. Naganap noong 6:00 PM. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Agosto 2014. Nakuha noong 14 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rose Garcia (29 Mar 2014). "Nadine Lustre on upcoming movie Diary Ng Panget: "It's a make or break for me but...kaya naming itawid 'to."". PEP.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Agosto 2014. Nakuha noong 14 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ MST Entertainment (29 Mar 2014). "'Diary Ng Panget The Movie' for daydreaming teens". Philippine Star. Naganap noong 6:00 PM. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Agosto 2014. Nakuha noong 17 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Diary ng Panget (Original Movie Soundtrack)". iTunes. Viva Records at iTunes. Nakuha noong 17 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Marasigan, Zig (5 Abr 2014). "'Diary ng Panget' Review: Where youth is only skin deep". Rappler. Zig Marasigan and Rappler. Naganap noong 12:03 PM. Nakuha noong 17 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Philbert Ortiz-Dy (3 Abr 2014). "New Dog, Old Tricks". Click the City. Naganap noong 4:10 PM. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2014. Nakuha noong 17 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tuason, Nikko (3 Abr 2014). "REVIEW: Nadine Lustre and James Reid's onscreen chemistry blooms in Viva Films' Diary Ng Panget: The Movie". pep.ph. Pilipinas: Philippine Entertainment Portal Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Abril 2014. Nakuha noong 7 Mar 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ MST Entertainment (8 Abr 2014). "Diary ng Panget a box office hit". Manila Standard Today. Viva Films and Manila Standard. Naganap noong 6:00 PM. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Agosto 2014. Nakuha noong 16 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Viva Films' "Diary ng Panget: The Movie" Rakes 61M in Five Days". Lion Heart. Box Office Mojo. 9 Abr 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Agosto 2014. Nakuha noong 16 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Plaza, Gerry (Hunyo 9, 2014). "A heartening trend for Philippine cinema". Yahoo. Yahoo Philippines at Box Office Mojo. Naganap noong 3:17 PM (PHT). Nakuha noong 16 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sake, Rob (18 Hun 2014). "Maybe This Time Earns P117.3 Million After Two Weeks of Showing". Philippine News. Box Office Mojo. Nakuha noong 16 Ago 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)