Dinastiyang Safarida

Ang dinastiyang Safarida (Persa: صفاریان‎, romanisado: safaryan) ay isang dinastiyang Persiyanato na mula silanganing Iran na namayani sa mga bahagi ng Persa, Kalakhang Khorasan, at silangang Makran mula 861 hanggang 1003. Isa sa unang katutubong dinastiyang Persa na umusbong pagkatapos ng Islamikong pananakop, bahagi ang dinastiyang Safarida ng Intermesong Iraniyano. Si Ya'qub bin Laith as-Saffar ang tagapagtatag ng dinastiya, na ipinanganak noong 840 sa isang maliit na bayan na tinatawag na Karnin (Qarnin), na matatagpuan sa silangan ng Zaranj at kanluran ng Bost, na kung saan Apganistan na ngayon. Isang katutubong Sistan at isang lokal na ayyār, nagtrabaho si Ya'qub bilang isang magtatanso bago naging isang pinunong militar. Inagaw niya ang kontrol ng rehiyong Sistan at sinumulang sakupin ang Iran at Apganistan, gayon din ang mga bahagi ng Pakistan, Tajikistan at Uzbekistan.

Dinastiyang Safarida
صفاریان
861–1003
Ang dinastiyang Safarida sa pinakalawak na lawak nito sa ilalim ni Ya'qub ibn al-Layth al-Saffar
Ang dinastiyang Safarida sa pinakalawak na lawak nito sa ilalim ni Ya'qub ibn al-Layth al-Saffar
KabiseraZaranj
Karaniwang wikaPersa (administrasyon, inang wika)[1][2][3]
PamahalaanMonarkiyang namamana
Amir (Emir) 
• 861–879
Ya'qub bin Laith as-Saffar
• 963–1002
Khalaf I
PanahonMedyebal
• Naitatag
861
• Binuwag
1003
Pinalitan
Pumalit
Dinastiyang Tahirid
Kalipatong Abbasid Caliphate
Mga Zunbil
Dinastiyng Samanid
Mga Ghaznavid

Ginamit ng mga Safarida ang kanilang kabiserang Zaranj bilang isang base para sa isang agresibong pagpapalawak tungong silangan at tungong kanluran. Una nilang sinalakay ang mga lugar ng timog ng Hindu Kush, at pinatumba ang dinastiyang Tahirid, na dinudugtong ang Khorasan noong 873. Sa oras ng kamatayan ni Ya'qub, sinakop niya ang Lambak ng Kabul, Sindh, Tocharistan, Makran (Balochistan), Kerman, Fars, Khorasan, at halos naabot ang Baghdad subalit natalo ng mga Abasida.[4]

Hindi ganoong nagtagal ang dinastiyang Safarida pagkatapos nang namatay si Ya'qub. Ang kanyang kapatid at humalili sa kanya, si Amr bin Laith, ay natalo sa Labanan ng Balkh laban kay Ismail Samani noong 900. Napuwersa si Amr bin Laith na isuko ang karamihan ng kanyang mga teritoryo sa mga bagong namumuno. Nalimitahan lamang ang mga Safarida sa kanilang sentrong bayan ng Sistan, at sa paglipas na panahon, nabawasan ang kanilang gampanin sa basalyo ng mga Samanida at mga humalili sa kanila.

Pagkakatatag

baguhin

Nagsimula ang dinastiya kay Ya'qub ibn al-Layth al-Saffar (Ya'qub, anak ni Layth, ang Magtatanso), isang magtatanso na mula sa silanganing Iran,[a][12] na lumipat sa lungsod ng Zaranj. Umalis siya sa trabaho upang maging isang Ayyar at sa kalaunan, nagkaroon ng kapangyarihan upang umakto bilang isang malayang pinuno.[4] Mula sa kanyang kabiserang Zaranj, lumipat siya tungong silangan sa al-Rukhkhadj (Arachosia), Zamindawar at sa huli ang Kabul, na nilupig ang mga Zunbil at mga Hindu Shahi noong 865. Pagkatapos, sinalakay niya ang Bamyan, Balkh, Badghis, at Ghor. Sa ngalan ng Islam, sinakop niya ang mga teritoryong ito na karamihan na pinamumunuan mga kalipunang pinunong Budista. Kumuha siya ng napakaraming pandarambong at alipin mula sa kampanyang ito.[13][14]

Barya ng Safarida sa Kabul, na may Arabe
Barya ng Gobernador ng Safarida ng Kabul pagkatapos ng pagkubkob ng lungsod, na nilabas noong mga 870 CE sa Kabul sa modelong Hindu Shahi. Pamantayan sa bigat ng dirham ng Abasida. Harap: Nakahigang toro na may alamat sa Nagari        (Śrī Khūdarayakah, "Ang mapalad na maliit na Raha"), tatak ng trisula sa umbok ng toro. Likod: mga mangangabayo na may   (ma) sa Nagari sa kaliwa, عدل (’adl, "Katarungan") sa Arabe sa kanan.[15]

Mga pananda

baguhin
  1. Maraming sanggunian na tinatawag dinastiya bilang Persa.[5][6][7][8][9][10][11]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Persian Prose Literature". World Eras (sa wikang Ingles). HighBeam Research. 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 2, 2013. Nakuha noong Setyembre 3, 2012. Princes, although they were often tutored in Arabic and religious subjects, frequently did not feel as comfortable with the Arabic language and preferred literature in Persian, which was either their mother tongue—as in the case of dynasties such as the Saffarids (861–1003), Samanids (873–1005), and Buyids (945–1055)...{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Robinson, Chase F. (2009). The new Cambridge history of Islam. Vol 1, Sixth to eleventh centuries (sa wikang Ingles) (ika-1. publ. (na) edisyon). Cambridge: Cambridge Univ. Press. p. 345. ISBN 978-0-521-83823-8. The Tahirids had made scant use of Persian, though the Saffarids used it considerably more. But under the Samanids Persian emerged as a full "edged language of literature and (to a lesser extent) administration. Court patronage was extended to Persian poets, including the great Rudaki (d. c. 940). Meanwhile, Arabic continued to be used abundantly, for administration and for scientific, theological and philosophical discourse.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Meisami 1999, p. 15.
  4. 4.0 4.1 Bosworth, Clifford Edmund. "Saffarids". Encyclopædia Iranica.
  5. "Saffarid dynasty". The Oxford Dictionary of the Middle Ages (sa wikang Ingles). Oxford University Press. 2010. doi:10.1093/acref/9780198662624.001.0001. ISBN 9780198662624. One of the first indigenous Persian dynasties to emerge after the Arab Islamic invasions.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Savory, Roger M. (1996). "The History of the Saffarids of Sistan and the Maliks of Nimruz (247/861 to 949/1542–3)". Journal of the American Oriental Society (sa wikang Ingles). doi:10.2307/605756. JSTOR 605756. First, the Saffarid amirs and maliks were rulers of Persian stock who for centuries championed the cause of the underdog against the might of the Abbasid caliphs.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. al Saffar, Ya'kub b. al-Layth; Bosworth, C. E. The Encyclopaedia of Islam (sa wikang Ingles). Bol. XI. p. 255. The provincial Persian Ya'kub, on the other hand, rejoiced in his plebeian origins, denounced the Abbasids as usurpers, and regarded both the caliphs and such governors from aristocratic Arab families as the Tahirids with contempt
  8. Meisami, Julie Scott; Starkey, Paul (mga pat.). Encyclopedia of Arabic Literature (sa wikang Ingles). Bol. 2. p. 674. Saffarids: A Persian dynasty.....
  9. Aldosari, Ali. Middle East, Western Asia, and Northern Africa (sa wikang Ingles). p. 472. There were many local Persian dynasties, including the Tahirids, the Saffarids....
  10. Cannon, Garland Hampton. The Arabic Contributions to the English Language: An Historical Dictionary (sa wikang Ingles). p. 288. Saffarid, the Coppersmith, the epithet of the founder of this Persian dynasty...
  11. Daftary, Farhad. Historical Dictionary of the Ismailis (sa wikang Ingles). p. 51. The Saffarids, the first Persian dynasty, to challenge the Abbasids...
  12. Baumer 2016, p. 24.
  13. Bosworth, C. E. (1968). "The Development of Persian Culture under the Early Ghaznavids". Iran (sa wikang Ingles). 6: 34. doi:10.2307/4299599. JSTOR 4299599.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Bosworth 1995, p. 795.
  15. Flood, Finbarr B. (20 Marso 2018). Objects of Translation: Material Culture and Medieval "Hindu-Muslim" Encounter (sa wikang Ingles). Princeton University Press. pp. 25–26. ISBN 978-0-691-18074-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)