Dinastiyang Zand
Ang dinastiyang Zand (Persa: دودمان زندیان, Dudmane Zandiyan) ay isang dinastiyang Irani,[1] na itinatag ni Karim Khan Zand (r. 1751–1779) na unang pinamunuan ang katimugan at gitnang Iran noong ika-18 dantaon. Mabilis na lumawak ito para mapabilang ang karamihan ng kontemporaryong Iran (maliban sa mga lalawigan ng Balochistan at Khorasan) gayon din ang ilang bahagi ng Iraq. Kinontrol ang mga lupain sa kasalukuyang Armenia, Azerbaijan, at Georgia ng mga kanato na bahagi ng lupaing Zand, subalit de facto na awtonomo ang rehiyon.[2] Hinawakan ang pulo ng Bahrain para sa mga Zand sa pamamagitan ng awtonomong jecatong Al-Mazkur ng Bushire.[3]
Dinastiyang Zand Mga Dominyong Binabantayan ng Iran ممالک محروسهٔ ایران | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1751–1794 | |||||||||||
Kabisera | Shiraz | ||||||||||
Wikang opisyal | Persa | ||||||||||
Relihiyon | Imamismo | ||||||||||
Pamahalaan | Monarkiya | ||||||||||
Vakilol Ro'aya (Tagapagtaguyod ng mga Tao) | |||||||||||
• 1751–1779 | Karim Khan Zand (una) | ||||||||||
• 1789–1794 | Lotf Ali Khan Zand (huli) | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
• Naitatag | 1751 | ||||||||||
• Pananakop ng Qajar | 1794 | ||||||||||
|
Ang paghahari ng pinakamahalagang pinuno nito, si Karim Khan, ay minarkahan ng kasaganaan at kapayapaan. Sa kabisera nito sa Shiraz, umunlad ang sining at arkitektura sa ilalim ng pamumuno ni Karim Khan, na may ilang tema sa arkitektura na muling binuhay mula sa katabing lugar ng Akemenida (550–330 BC) at ang panahon ng Sasanida (224–651 AD) ng Iran bago ang Islam. Ang mga libingan ng mga medyebal na makatang Persang sina Hafez at Saadi Shirazi ay kinumpini din ni Karim Khan. Ang katangi-tanging sining na nagawa sa utos ng mga namumunong Zand ay naging pundasyon ng kalaunang sining at kasanayang Qajar. Kasunod ng kamatayan ni Karim Khan, humina ang Iran na Zand dahil sa panloob na alitan sa mga kasapi ng dinastiyang Zand. Binitay sa kalaunan ni Agha Mohammad Khan Qajar (r. 1789–1797) noong 1794 ang huling pinuno nito, si Lotf Ali Khan Zand (r. 1789–1794).
Nakasulat sa The Oxford Dictionary of Islam, "Karim Khan Zand holds an enduring reputation as the most humane Iranian ruler of the Islamic era" (hinahawakan ni Karim Khan Zand ang isang matatag na reputasyon bilang pinakamakataong pinunong Irani ng panahong Islamiko).[4] Kapag sinusunod ang Rebolusyong Islamiko noong 1979, naging bawal banggitin ang nakaraang mga pinuno ng Iran, tinanggihan ng mga mamamayan ng Shiraz na palitan ang pangalan ng mga kalyeng Karim Khan Zand at Lotf Ali Khan Zand, ang pangunahing kalye ng Shiraz.[5]
Mga namuno/hari
baguhin- Karim Khan Zand, 1751–1779 کریم خان زند
- Mohammad Ali Khan Zand, 1779 محمدعلی خان زند
- Abol-Fath Khan Zand, 1779 ابوالفتح خان زند
- Sadeq Khan Zand, 1779–1782 صادق خان زند
- Ali-Morad Khan Zand, 1782–1785 علیمراد خان زند
- Jafar Khan, 1785–1789 جعفر خان زند
- Sayed Morad Khan, 1789 سيد مراد خان زند
- Lotf Ali Khan, 1789–1794 لطفعلی خان زند
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Welcome to Encyclopaedia Iranica" (sa wikang Ingles).
- ↑ Perry, John R. (2015-05-14). Karim Khan Zand: A History of Iran, 1747-1779 (sa wikang Ingles). University of Chicago Press. ISBN 978-0-226-66102-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Floor, Willem M. (2007). The Persian Gulf: The Rise of the Gulf Arabs : the Politics of Trade on the Persian Littoral, 1747-1792 (sa wikang Ingles). Mage Publishers. ISBN 978-1-933823-18-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Esposito, John L., pat. (2003). "Zand Dynasty". The Oxford Dictionary of Islam (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-512558-0.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Frye, Richard N. (2009). "Zand Dynasty". Sa Esposito, John L. (pat.). The Oxford Encyclopedia of the Islamic World (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-530513-5.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)