Diperensiya ng pagkabalisa sa pakikisalamuha
Ang Diperensiya ng pagkabalisa sa pakikisalamuha (Ingles: Social anxiety disorder, SAD o SAnD) (DSM-IV 300.23), na kilala rin bilang social phobia, ay isang diperensiya sa pagkabalisa na inilalarawan ng labis na takot sa mga sitwasyong pakikisalamuha sa ibang tao [1] na nagsasanhi ng labis na pagkabalisa at nakapinsalang kakayahan na gumanap ng tungkulin sa kahit papaano ilang mga bahagi ng pang-araw araw na buhay. Ang diagnosis ng pagkabalisa sa pakikisalamuha ay maaring spesipikong diperensiya(kapag ang ilan lamang mga partikular na sitwasyon ang kinatatakutan) o pangkalahatan. Ang pangkalahatang diperensiya ng pagkabalisa sa pakikisalamuha ay karaniwang sumasangkot sa patuloy, masidhi, kronikong takot na husgahan ng ibang tao at mapahiya sa sariling mga kinikilos. Bagaman ang takot sa pakikisalamuha sa iba ay maaaring makilala ng indbidwal na meron nito bilang labis o hindi makatwiran, ang pakikipaglaban(overcoming) dito ay medyo mahirap para sa indibidwal na ito. Ang mga pisikal na sintomas ay kalimitang sinasamahan ng labis na pamumula, pagpapawis(hyperhidrosis), paninginig, mga palipitasyon, nausea at pagkabulol na sinamahan ng mabilis na pagsasalita. Ang simulang diagnosis ay maaaring makatulong upang mabawasan ang mga sintomas at ang karagdagang mga problema gaya ng klinikal na depresyon. Ang mga dumadanas nito ay maaaring gumamit ng alak o mga droga upang mabawasan ang mga takot at inhibisyon sa mga kaganapan ng pakikisalamuha.
Social Phobias | |
---|---|
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian | |
ICD-10 | F40.1, F93.2 |
ICD-9 | 300.23 |
MeSH | D010698 |
Ang mga ginawang pamantayang skala ng paguuri gaya ng Social Phobia Inventory ay maaaring gamatin sa pag-iiskreen ng diperensiya ng pagkabalisa sa pakikisalamuha at pagsukat ng kasidhian ng social phobia.[2][3] Ang isang indbiwal na may diperensiyang ito ay maaaring gamutin ng sikoterapiya, gamot(medication) o pareho nito. Ang pagsasaliksik ay nagpakitang ang kognitibong terapiya ng pag-aasal kahit ito man ay pang indibiwal o pang pangkat ay epektibo sa paggamot ng social phobia. Ang kognitibo at mga pag-aaral ng bahagi nito ay naghahangad na baguhin ang mga paterno ng pag-iisip at mga pisikal na reaksiyon sa mga sitwasyon na pumupukaw ng pagkabalisa sa pakikisalamuha sa iba. Ang atensiyon na ibinigay sa diperensiya ng pagkabalisa sa pakikisalamuha ay labis na tumaas sa Estados Unidos mula 1999 sa pag-aaproba at pagbebente ng mga droga sa paggamot ng sakit na ito. Ang gma nireresetang gamot para dito ay kinabibilangan ng ilang mga klase ng antidepressant: selective serotonin reuptake inhibitor(SSRIs) gaya ng Zoloft, Prozac, at Paxil; serotonin-norepinephrine reuptake inhibitors (SNRIs); at monoamine oxidase inhibitors (MAOIs). Ang iba pang mga karaniwang ginagamit na gamot upang gamutin ito ay kinabibilangan ng mga beta blocker at benzodiazepine gayundin ng mga bagong antidepressant gaya ng mirtazapine. Ang Kava-kava ay umakit rin ng atensiyon bilang isang posibleng gamot para dito [4] bagaman ang pagkabahala sa kaligtasan nito ay umiiral.[5][6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Webmd. Mental Health: Social Anxiety Disorder". Webmd.com. Nakuha noong 2010-04-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Connor K.M., Jonathan R.T., et al. Psychometric properties of the Social Phobia Inventory (SPIN): New self-rating scale. The British Journal of Psychiatry (2000) 176: 379-386
- ↑ Anthony MM., Coons MJ., et al. Psychometric properties of the social phobia inventory: further evaluation. Behav. Res. Ther. 2006 Aug;44(8):1177-85
- ↑ Pittler MH, Ernst E (2003). Pittler, Max H (pat.). "Kava extract for treating anxiety". Cochrane database of systematic reviews (Online) (1): CD003383. doi:10.1002/14651858.CD003383. PMID 12535473.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lim ST, Dragull K, Tang CS, Bittenbender HC, Efird JT, Nerurkar PV (2007). "Effects of kava alkaloid, pipermethystine, and kavalactones on oxidative stress and cytochrome P450 in F-344 rats". Toxicol. Sci. 97 (1): 214–21. doi:10.1093/toxsci/kfm035. PMID 17329236.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Sorrentino L, Capasso A, Schmidt M (2006). "Safety of ethanolic kava extract: Results of a study of chronic toxicity in rats". Phytomedicine. 13 (8): 542–9. doi:10.1016/j.phymed.2006.01.006. PMID 16904878.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)