Pagduduwal

(Idinirekta mula sa Nausea)

Ang pagduduwal (o nausea sa Ingles na mula sa Latin nausea, mula sa Griyegong ναυσίη, nausiē, "sakit ng paggalaw", "pakiramdam na may sakit") ang sensasyon (pakiramdam) ng pagiging hindi mapakali at kawalang kaginhawaan sa itaas na bahagi ng tiyan na may inboluntaryong(hindi kagustuhan) paghimok na sumuka sa isang indibidwal. Ito ay palagi ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon na nangnguna sa pagsusuka. Ang isang tao ay maaaring makaranas ng nausea ng hindi susuka. Ang ilan sa mga karaniwang dahilan ng nausea ay sakit sa paggalaw, gastroenteritis, pagkalason sa pagkain, mga epekto ng ilang medikasyon kabilang ang kemoterapiya ng kanser at sakit sa agahan sa simulang pagbubuntis. Ang mga medikasyon o gamot na iniinom upang pigilan ang nausea ay tiantawag na entiemetiko at kabilang dito ang dipenhydramine, metoclopramide at ondansetron. Ang nausea ay maaari ring sanhi ng stress at depresyon.