Diplodocus
- Para sa hindi na umiiral na ampibyano, tingnan ang Diplocaulus.
Ang Diplodocus[1] (bigkas: /dɪˈplɒdəkəs/,[2][3] /daɪˈplɒdəkəs/,[3], /ˌdɪploʊˈdoʊkəs/[2] o [/day-plo-do-kus/] at [/di-plo-do-kus/]) ay isang sari ng diplodosidong sauropodang dinosauro na ang mga kusilba ay unang natuklasan noong 1877 ni Samuel Wendell Williston. Isang Bagong-Latinong salita ang panglahatan o henerikong pangalan nito, na nilikha ni Othniel Charles Marsh noong 1878, at hinalaw mula sa sinaunang wikang Griyego διπλόος (diploos) para sa "doble" o "nagkadalawa" at δοκός (dokos) "barakilan" (o beam sa Ingles),[2] bilang pagtukoy sa dalawang sinag ng anatomiya ng mga butong chevron o hugis ng nakatembuwang o nakabaligtad na "V" na nakalagay sa pang-ilalim na gilid ng buntot. Unang pinaniniwalaan ang mga butong ito bilang natatangi lamang sa Diplodocus; subalit natuklasan din ang mga ito sa iba pang mga kasapi ng pamilyang diplodocid at sa mga hindi diplosidang mga sauropoda katulad ng Mamenchisaurus.
Diplodocus Temporal na saklaw: Huling Jurassic
| |
---|---|
Kalansay ng Diplodocus carnegiei Museo ng Naturkunde, na pansamantalang nakalagak sa Berlin Hauptbahnhof habang muling isinasaayos ang museo noong 2007. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Klado: | Dinosauria |
Suborden: | †Sauropodomorpha |
Klado: | †Sauropoda |
Pamilya: | †Diplodocidae |
Subpamilya: | †Diplodocinae |
Sari: | †Diplodocus Marsh, 1878 |
Mga uri | |
Kasingkahulugan | |
|
Namuhay ito sa ngayong kanluran ng Hilagang Amerika noong wakas ng Panahong Jurassic. Isa ang Diplodocus sa mas pangkaraniwang mga kusilbang natagpuan sa Pang-itaas na Pumumuo o Pormasyong Morrison, isang magkakasunod na mabababaw na mga sedimentong pandagat at malatak o mabanlik (alubyal) na nalatag mga 150 hanggang 147 milyong mga taon na ang nakalipas, sa tinatawag ngayong mga yugtong Kimmeridgian at Tithonian o Titonyano. Itinala ng Pormasyong Morrison ang kapaligiran at panahon bilang napapangibabawan ng mga dambulang sauropodang dinosauro, katulad ng Camarasaurus, Barosaurus, Apatosaurus at Brachiosaurus.[4]
Kabilang ang Diplodocus sa pinakamadaling makilalang mga dinosauro, na may klasiko hugis ng dinosauro, mahabang leeg at buntot at apat na matatag na mga hita. Sa loob ng maraming mga taon, ito ang pinakamahabang dinosaurong nakikilala. Marahil ang laki ng sukat nito ang naging hadlang laban sa mga maninilang Allosaurus at Ceratosaurus: natagpuan ang kanilang mga labi mula sa katulad na istrata (stratum, sapin ng lupa at bato), na nagmumungkahing umiral silang kapiling ang Diplodocus.
Sanggunian
baguhin- ↑ Harvey, Anthony; Barry Cork; Maurice Allward; Teresa Ballús; Roser Oromi (1978). "Diplodocus". Qué Sabes del Universo 1 (orihinal na pamagat: New World of Knowledge: Our Earth and the Universe). Ediciones Nauta, S.A. (nilimbag sa Espanya) / William Collins Sons and Company Limited, ISBN 84-278-0441-5, ISBN 84-278-0453-9.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 65. - ↑ 2.0 2.1 2.2 Simpson, John; Edmund Weiner (mga patnugot) (1989). The Oxford English Dictionary (ika-ika-2 edisyon (na) edisyon). Oxford: Palimbagan ng Pamantasan ng Oxford. ISBN 0-19-861186-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ 3.0 3.1 Pickett, Joseph P. atbp. (mga patnugot) (2000). The American Heritage Dictionary of the English Language (ika-ika-4 edisyon (na) edisyon). Boston: Houghton Mifflin Company. ISBN 0-395-82517-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Christine C.E. & Peterson, F. (2004). "Reconstruction of the Upper Jurassic Morrison Formation extinct ecosystem—a synthesis". Sedimentary Geology 167, 309–355