Diplomatikong Otel
Ang Pamanang Liwasan na Burol at Liwasang Kalikasan ng Lungsod ng Baguio o Baguio City Heritage Hill and Nature Park (dating at karaniwang kilala pa rin bilang Diplomat Hotel sa wikang Ingles at Diplomatikong Otel sa wikang Tagalog) ay isang inabandunang gusali sa ibabaw ng Burol Dominikano, Baguio, Pilipinas. Sinimulan ng lokal na pamahalaan ang mga pagsisikap sa rehabilitasyon, na sinimulan noong Abril noong taong 2022, sa pamamagitan ng 15 milyong pisong gawad ng Pilipinas mula sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining.[2] Ang buong lupain na kinatatayuan nito ay pinalitan ng pangalan bilang Dominican Heritage Hill at Nature Park (o Dominikanong Pamanang Liwasan na Burol at Liwasang Kalikasan). Isang mirador na tanawin ng lungsod ang makikita mula sa kinatatayuan nito, ang batong krusipiho sa panlabas na patyo ng ikalawang palapag ng otel.
Diplomatikong Otel | |
---|---|
Iba pang pangalan | Diplomat Hotel |
Pangkalahatang impormasyon | |
Katayuan | Natapos |
Bansa | Pilipinas |
Sinimulan | 1913[1] |
Natapos | Mayo 1915[1] |
May-ari | Mga Diplomatikong Otel, Ink.(1973-1987) Pamahalaang Lungsod ng Baguio (mula 2005) |
Disenyo at konstruksiyon | |
Arkitekto | Roque Ruaño |
Kasaysayan
baguhinBahay-bakasyunan ng mga Dominikano
baguhinNoong 1911, ang mga Amerikanong prayle ng Ordeng Dominikano (karaniwang kilala bilang "Order of Preachers") kasama ang ilang miyembrong Espanyol ay gumawa ng mga plano para sa pagtatayo ng isang bahay-bakasyunan para sa kanila at sa mga madre ng kanilang orden sa Lungsod ng Baguio. Isa sa mga miyembro ng orden na si Padre Roque Ruaño, OM, ang parehong arkitekto ng pangunahing gusali ng kasalukuyang kampus ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang nagdisenyo ng gusali. Isang 17-ektaryang burol ang nakuha mula sa mga Amerikano na naninirahan sa Baguio at ang konstruksiyon ay sinasabing nagsimula noong 1913 at pinangasiwaan mismo ni Ruano. Pagkatapos ay pinasinayaan ito noong Mayo ng taong 1915. Upang samantalahin ang mga eksempsyon sa buwis, ang kautusan ay nagtayo ng isang seminaryo na pinangalanang Colegio del Santissimo Rosario[3] noong Hunyo ng taong 1915 ngunit dahil sa napakaliit na pagpapatala, ang paaralan ay nagsara pagkaraan ng dalawang taon at ang gusali ay ibinalik sa orihinal na paggamit nito. Ang burol kung saan nakatayo ang gusali ay bininyagan bilang "Burol Dominikano".
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga taong tumakas mula sa mga Hapones ay naghanap ng kanlungan sa loob ng mga pader nito. Sinalakay ng mga puwersa ng Hapon ang ari-arian at ginawa itong kanilang punong-tanggapan, na ginawa itong huling tanggulan at garison ng Hukbong Imperyal ng Hapon. Ang kanilang lihim na pulis na kilala bilang Kempeitai, ay gumawa ng mga barbarikong gawain[4] sa lugar tulad ng pagpapahirap, panggagahasa, at pagpugot ng ulo sa mga pari, madre, gayundin sa mga dayo. Sa panahon ng pagpapalaya ng Pilipinas noong Abril ng taong 1945, binomba ng mga puwersa ng Amerikano ang lugar at bahagyang tumama sa kanang pakpak ng gusali habang ang mga puwersang Hapones ay nagpatiwakal. Sa pagitan ng 1945 at 1947, ang gusali ay sumailalim sa pagpapanumbalik.
Bilang isang otel
baguhinNakuha ng Mga Diplomatikong Otel, Ink. (Diplomatic Hotels, Inc.) ang pagmamay-ari ng lupain noong taong 1973 at lubusang binago ang interyor bilang isang 33-silid-tulugan na otel[5] ngunit pinananatili pa rin ang mga natatanging katangian na nauna nang itinatag ng mga prayleng Dominikano. Ang otel na ito ay pinamamahalaan ni Antonio Agapito "Tony" Agpaoa, isang Baguio-based na negosyante at kepweng na sikat sa siruhiyang psychic. Inatake sa puso si Agpaoa at nasuri na may pagdurugo sa kanyang utak noong Dekada '80. Namatay siya noong taong 1987 sa mga karamdaman. Mula sa kanyang kamatayan, ang otel ay tumigil sa operasyon at inabandona. [6] Kasunod ng pag-abandona nito, ninakawan at sinamsam ang lugar na ito. Ang gusali ay nagtamo rin ng malaking pinsala noong 1990 na lindol sa Luzon.
Kamakailang paggamit
baguhinKinuha ng Sangguniang Tagapag-ugnay sa Pagpapaunlad ng Pabahay at Kalungsuran, na dating kilala bilang Ministry of Human Settlements, ang pagmamay-ari ng otel na hindi nagtagal ay naging asset ng Pampanguluhang Lupon sa Pamamahala (PLP).
Ang lupain na ito ay ipinadala sa Pamahalaang Lungsod ng Baguio sa pamamagitan ng Paglipat ng Sertipiko ng Titulo Blg. T-85948 noong ika-5 ng Abril noong 2005 at pinalitan ito ng pangalan bilang Pamanang Liwasan na Burol at Liwasang Kalikasang Dominiko. Ang gawad ng enahenamyento (o paghahatid) na itinakda ng Pampanguluhang Lupon sa Pamamahala at mga resolusyon ng lungsod ay mag-oobliga sa lungsod ng Baguio sa rehabilitasyon at pagpapaunlad ng ari-arian.[7] Ito ay nasa ilalim na ngayon ng pagpapanatili ng City Environment and Parks Management Office (CEPMO).
Noong Mayo ng taong 2012, pinasinayaan ng lungsod ng Baguio ang dalawang bagong bulwagan ng punsiyon sa otel bilang bahagi ng pagpapaunlad ng propyedad bilang isang preserbadong pamanang sityo at para isulong ang turismo. [7] Ang mga bulwagan ay maaaring rentahan ng ₱200 kada oras o ₱2,000 kada araw para sa mga kasalan, pagsasanay, pagawaan, at iba pa.
Ang buong propyedad ay idineklara bilang isang makasaysayang lugar sa pamamagitan ng Resolusyon ng Lungsod Blg. 168, serye ng 2013. Nakuha nito ang katayuan ng Pambansang Makasaysayang Lugar mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas noong Setyembre ng taong 2014.[8]
Ginamit ng lungsod ang propyedad bilang isang sentro ng sining para sa paglulunsad ng Kapistahang Entacool kasunod ng pagkakagawa ng Baguio bilang Malikaing Lungsod (Creative City) ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) noong 2017. Ang Entacool ay fusion ng salitang mula sa wikang Cordilleran na "entaku" na ang ibig sabihin ay "tara na tayong lahat" at ang salitang "cool" sa Ingles para ipahiwatig ang malamig na klima ng Baguio. Nag-host ang dating otel ng maraming eksibit ng sining tulad ng mga pinintang larawan, instalasyon ng kawayan, lilok, at eksibit ng larawan sa panahon ng pagdiriwang. [9] [10] [11] Ito ay magsisilbi sa parehong punsiyon para sa taong 2019 at 2020 na edisyon ng Malikhaing Pista ng Lungsod ng Baguio na pinangalanan ngayon bilang Kapistahang Ibagiw. Ang Ibagiw ay nagmula sa salitang bagiw na isang lumot na karaniwang tumutubo sa paligid ng lungsod. [12] [13]
Noong taong 2019, inihayag ng pamahalaang lungsod na ang lugar ay magsisilbing kanlungan para sa mga artista at artesano ng lungsod bilang isang paraan upang mapanatili ang pagtatalaga ng Malikahing Lungsod. [14]
Ang lugar ay isang paboritong lugar para sa potograpiya, torneong airsoft, paggawa ng pelikula, pagsalubong ng kasal at potograpiya, cosplay photoshoot at marami pang iba.
Sa kulturang popular
baguhinAng otel na ito ay itinuturing ng mga kababalaghang mananampalataya na pinagmumultuhan dahil sa kanyang malupit na kasaysayan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig[15] [16] at itinuturing ng mga mananampalatayang ito bilang isang "batubalani ng multo." [6] Ang multo na mga sundalong Hapones, mga madreng napugutan ng ulo, walang katawan na umiiyak na mga boses, halinghing at hiyawan pati na rin ang mga pagpapakita sa mga larawang kinunan sa loob ng ari-arian ay naiulat. Itinampok ito sa mga programang pantelebisyon tulad ng 2004 Halloween Special ng Magandang Gabi, Bayan, AHA!, at ang 2016 and 2023 Halloween Specials ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Diplomat Hotel development sought". SUNSTAR (sa wikang Ingles). 25 Setyembre 2017. Nakuha noong 13 Disyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Comanda, Rizaldy C. (1 Abril 2022). "Historic Diplomat Hotel gets P15-M grant for conservation". Manila Bulletin. Nakuha noong 14 Disyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Haunted and creepy places in the Philippines to visit this spooky szn". POP!. 5 Oktubre 2022. Nakuha noong 14 Disyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Monzon, Alden (30 Oktubre 2020). "Tales of WWII-era Japanese ghosts persist in Philippines". ABS CBN News. Nakuha noong 14 Disyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Reyes, Jovelyn (Disyembre 17, 2002). "Baguio To Build Prayer Mountain For Rp Peace". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 13 Disyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Cimatu, Frank (Nobyembre 19, 2006). "Baguio To Pattern Burnham Park After New York Central Park" (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 13 Disyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 Dar, Lito (Mayo 27, 2012). "City official inaugurate new function halls at Heritage Hill". Baguio Midland Courier. PIA. Nakuha noong 2 Abril 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dumlao, Artemio (Setyembre 8, 2014). "Dominican retreat house now a heritage site". The Philippine Star. Nakuha noong 2 Abril 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Moran, Kathy (Disyembre 1, 2018). "Baguio: A city of arts, culture and all things cool". Philstar. Nakuha noong 2 Abril 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ de Guzman, Nickky Faustine (Disyembre 5, 2018). "Focusing on the art of Baguio". BusinessWorld. Nakuha noong 2 Abril 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "City Launches Creative Festival". The City Government of Baguio Official Website.
- ↑ "Baguio Creative City Festival 2019 set Nov". The City Government of Baguio Official Website.
- ↑ Tibaldo, Art (Oktubre 19, 2020). "Tibaldo: The 2020 Ibagiw Creative Festival". Sunstar Baguio. Nakuha noong 2 Abril 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ See, Dexter (Disyembre 7, 2019). "Dominican Hill in Baguio to serve as haven for artists". Baguio Herald Express. Nakuha noong 2 Abril 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Palma, Renzelle Ann (23 Oktubre 2013). "Top 5 Baguio Haunted Spots". Choose Philippines. Find. Discover. Share. ABS-CBN Corporation. Nakuha noong 6 Hunyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vince (23 Oktubre 2014). "Five Haunted Places In Baguio City". LakbayBaguio. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2016. Nakuha noong 6 Hunyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na kawing
baguhin- May kaugnay na midya ang Diplomat Hotel (Baguio) sa Wikimedia Commons