Bini

(Idinirekta mula sa Disente)

Ang bini, hinhin, yumi, mababang-loob, pakumbaba, hiya, o kimi (Ingles: modesty) ay pamantayang kasama sa mga aspeto ng kultura ng isang bansa o mga tao, na nasa isang ibinigay na kapanahunan, at isang sukatan ng paghahatol o paghuhusga sa isang indibiduwal ng isang lipunan. Maaaring maipadama ang pagkamahinhin, kahinhinan, pagiging mahinhin, kabinian, kabinihan, pagiging mabini, kayumian, pagiging mayumi, pagkamababang-loob, kababaang-loob, pagkamapagpakumbaba, kapakumbabaan, pagiging mapagkumbaba, pagkamahiyain, pagiging mahiyain, pagkakimi, pangingimi, kakimian, kaigihan, kainaman, katamtaman, katatagan, pagiging disente, kadisentehan, o pagiging hindi palalo sa interaksiyong panlipunan sa pamamagitan ng komunikasyon na may paraang nagpapamalas ng kaamuan (kababaan ng loob), kaumiran (pagkamahiyain), o pagkapayak (simple, kasimplehan).

Isang babaeng pagkatapos maligo ay nagtatakip ng kanyang mga pribadong bahagi ng katawan upang maipakita ang kanyang ugali ng kahinhinan o kayumian.

Kabilang sa pangkalahatang mga elemento ng kabinian ang mga sumusunod:

  • Pagpapaliit o pagpapababa ng kaantasan o kahalagahan ng mga nagawa (tingnan ang kapakumbabaan)
  • Ugali, asal, o anyo na nilalayong makapag-iwas ng kawalan ng kaangkupan o kabastusan
  • Pag-iwas sa hindi matapat na pangmamata ng sarili sa pamamagitan ng huwad o pakunwaring kabinian, na isang uri ng pagmamayabang.

Ang pangalawang pagpapahayag ng kabinian, na nakahiwalay mula sa komunikasyon at pakikiharap na pantao, ay mas nakatuon sa pang-unawang panloob ng kahigitan o kalamangan at maaaring ipadama sa sumusunod na mga kaparaanan:

Nangingibabaw sa plataporma ng lipunan ang kabinihang pangkatawan o pisikal. Kung minsan, sinusubukan ng mga moda at pansamantalang mga uso ang limitasyon o hangganan ng mga pamantayan ng kabinihan ng pamayanan. Ang mga tao ay maaaring malantad sa pamumuwersa ng mga kasamahang kauri, upang makibagay sa mga pamantayang pampamayanan o paghamak sa mga pamantayang ito. Ang mga pamantayang pampamayanan ng kabinihan ay maaaring hatid ng isang pakiramdam ng pangingibabaw, na kaiba sa ilang mga kahulugan ng kabinihan.

Kabaligtaran ng kabinihan ang pagkamasagwa, kasagwaan, kagaslawan, pagkamahalay, kahalayan, kabastusan, malaswa, mahalay, bastos, kalanyaan, o hindi mahinhin.

Tingnan din

baguhin