Diskriminasyon sa gulang
Ang diskriminasyon sa gulang (sa wikang Ingles: ageism o agism) ay ang diskriminasyon sa mga tao o mga grupo ng tao nang nakabatay sa kanilang edad. Ang salitang ito ay umusbong noong 1969 at una itong ginamit ni Robert Neil Butler upang ilarawan ang diskriminasyon laban sa mga nakakatanda at ito ay ibinatay sa seksismo at rasismo. Binigyang kahulugan ni Butler ang ageism bilang kombinasyon ng tatlong magkakaugnay na mga bagay. Kasama sa mga bagay na ito ay ang masasamang pagkilos tungo sa matatanda, sa katandaan at sa proseso ng pagtanda; mapanghusgang gawi laban sa mga matatanda; at ang mga gawi at polisiyang nagpapalaganap ng mga stereotypes tungkol sa mga matatanda.
Habang ang salitang ito ay minsan na rin ginamit upang ilarawan ang diskriminasyon laban sa mga nagbibinata at sa mga bata, kasama na ang hindi pagpansin sa kanilang mga ideya dahil sila ay wala pa sa wastong gulang o ang pag-aakala na sila ay dapat kumilos ng batay sa kanilang edad, ang salitang ageism ay mas ginagamit sa paglalarawan ng pakikitungo sa mga matatanda. Bukod dito, nakikita rin na hindi lamang mula sa labas ng grupo ng mga matatanda nangyayari ang pagmamarka kundi nangyayari din ito sa loob ng mismong grupo nila.
Ang diskriminasyon sa gulang, sa pagsasalita at mga pag-aaral, ay madalas tumutukoy sa mga masasamang mapanghusgang gawi laban sa matatanda, mga tao na nasa kanilang gitnang mga taon, mga kabataan, at mga bata. Mayroon din ibang porma ng panghuhusga na batay sa edad. Ang adultism ay isang panghuhusga tungo sa matatanda at ito'y nakikita bilang hindi pantay na pagtingin laban sa mga kabataan at mga batang hindi pa kinikilala bilang matatanda. Ang jeunism ay ang diskriminasyon laban sa matatanda habang pinapaboran ang mga mas bata. Kabilang dito ang mga kandidatura ng mga politiko, mga trabaho, at kultura kung saan mas pinapahalagahan ang kalakasan at kagandahan ng kabataan kaysa sa mas higit na moral at katalinuhan ng katandaan. Ang adultcentricism ay ang pinagrabeng ecogentrism ng matatanda. Ang dultocracy ay ang kaisipan sa lipunan na nagbibigay-kahulugan sa ganap at di ganap na gulang na naglalagay sa matatanda sa mas dominanteng posisyon kaysa sa mga bata. Ang gerontocracy' ay isang porma ng oligarkiyang pamumuno kung saan ang isang grupo ay pinamumunuan ng mga tao higit na mas nakakatanda kaysa sa mayorya ng populasyon ng matatanda. Ang chronocentrism ay isang paniniwala na nagsasabi na may isang panahon sa buhay ng tao na higit na nangingibabaw sa lahat ng nakaraan at hinaharap na panahon.