Distritong pambatas ng Basilan
Ang solong Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Basilan ang kinatawan ng lalawigan ng Basilan sa mababang kapulungan ng Pilipinas.
Kasaysayan
baguhinAng kasalukuyang nasasakupan ng Basilan ay dating kinakatawan ng Departmento ng Mindanao at Sulu (1917–1935), dating lalawigan ng Zamboanga (1935–1953), Zamboanga del Sur (1953–1972) at Rehiyon IX (1978–1984).
Kahit hiniwalay ang Basilan mula sa Lungsod ng Zamboanga pagkatapos itong gawing lungsod noong Hunyo 16, 1948, ang noo'y Lungsod ng Basilan ay nanatiling bahagi ng kinakatawan ng Zamboanga (ayon sa Seksyon 42 ng Batas Pambansa Blg. 288) at Zamboanga del Sur (ayon sa Seksyon 7 ng Batas Pambansa Blg. 711).
Sa bisa ng Presidential Decree Blg. 356 na iprinoklama noong Disyembre 27, 1973, ginawang lalawigan ang Basilan. Ang kasalukuyang downtown na bahagi ng Lungsod ng Isabela ang nanatiling bahagi ng lungsod. Sa bisa ng Presidential Decree Blg. 840 na iprinoklama noong Disyembre 11, 1975, tuluyang binuwag ang lungsod; pinag-isa ang dating teritoryo ng lungsod at ang bayan ng Malamawi upang buuin ang munisipalidad ng Isabela.
Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, nabigyan ng solong distrito ang lalawigan noong 1987.
Solong Distrito
baguhin- Lungsod: Lungsod ng Isabela (naging lungsod 2001), Lamitan (naging lungsod 2007)
- Munisipalidad: Akbar, Al-Barka, Hadji Mohammad Ajul, Hadji Muhtamad, Lantawan, Maluso, Sumisip, Tabuan-Lasa, Tipo-Tipo, Tuburan, Ungkaya Pukan
- Populasyon (2015): 459,367
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1987–1992 |
|
1992–1995 |
|
1995–1998 |
|
1998–2001 |
|
2001–2004 | |
2004–2007 | |
2007–2010 |
|
2010–2013 |
|
2013–2016 | |
2016–2019 |
|
2019–2022 |
Notes
At-Large (defunct)
baguhinPanahon | Kinatawan |
---|---|
Regular Batasang Pambansa 1984–1986 |
Candu I. Muarip |
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- Philippine House of Representatives Congressional Library