Felipe Agoncillo

(Idinirekta mula sa Don Felipe Agoncillo)

Si Felipe Agoncillo ay isang hukom at bayaning Pilipino, asawa ni Gng. Marcela Marino y Agoncillo isinilang sa Taal, Batangas noong 26 Mayo 1859 nina Don Ramon Agoncillo at Donya Gregoria Encarnacion. Sinasabing bata pa lamang ito ay may kakaiba ng talinong angkin. Nakapagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas at natamo nito ang matataas na parangal ng Unibersidad at kanyang lisensiya sa larangan ng batasang panghurado. Inakusahang Filibustero ng mga kapwa mamayan ng Taal, lumisan si Don Felipe Agoncillo, patungong Bansang Hapon at kung saan lumisan muli ito pantungong Hong-Kong, upang sumanib sa iba pang mga Pilipinong myembro ng kilusan. Lumiban pantungong Amerika si Don Felipe Agoncillo kasama si Don Sixto Lopez upang ipaglaban ang karapatan ng mamayang Pilipino, ngunit ang pangulong Amerikanong si William Mckinley ay hindi sila hinarap. Hindi pa rin doon natapos ang kanyang pagiging makabayan at hindi iyon ang humadlang sa kanya patungong Paris sa Pransiya, kung saan may ipinagdidiwang na kumperensiya sa pagitan ng Espanya at Amerika tungkol sa kapayapaan ng dalawang bansa. Sawing bumalik ito sa Hong Kong upang makasamang muli ang junta noong 15 Hulyo 1901.

Felipe Agoncillo
Larawan ni Felipe Agoncillo.
Kapanganakan
Felipe Agoncillo

26 Mayo 1859
Kamatayan29 Setyembre 1941
NasyonalidadPilipino
Ibang pangalanDon Felipe, Lolo Pipoy
EdukasyonBatsilerato ng mga Sining
Kilala saSa pagiging unang Pilipino diplomato.
AsawaMarcela Agoncillo
AnakLorenza, Gregoria, Eugenia, Marcela, Adela at Maria
MagulangRamon Agoncillo at Gregoria Encarnacion

Namatay si Don Felipe Agoncillo noong 29 Setyembre 1941, sa kalagitnaan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mga siniping pananalita

baguhin

Naniniwala si Felipe Agoncillo sa mga sumusunod na pananalitang may karunungan:[1]

  • Kailangan ang katapatan upang magkaunawaan.
  • Kailangan ng mga sawimpalad ang pagkalinga ng mga higit na mapalad.
  • Kayamanan, oras, at kahit na buhay ay maiaalay ng taong nagmamahal sa bayan.

Sanggunian

baguhin
  1. "Felipe E. Agoncillo". MSC Communications Technologies, Inc. Nakuha noong 2007-12-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)