Doodle
Ang doodle ay isang pagguhit kung saan ang taong gumuguhit ay malayo ang iniisip sa ginuguhit. Ang mga doodle ay mga simpleng guhit na maaaring magkaroon ng isang kumakatawang kahulugan o kung anong hugis lang. Ang mga karaniwang halimbawa ng pagdudoodle ay makikita sa mga kwaderno, kalimitan sa sulok ng papel, na ginuhit ng mga mag-aaral na tinatamad makinig sa klase. Ang iba pang halimbawa ng pagdudoodle ay magagawa gamit ang papel at panulat habang nakikipagusap ng matagalan sa telepono.
Ang mga sikat na halimbawa ng mga doodle ay "cartoon" na bersiyon ng guro at kasamahan sa paaralan, sikat na tauhan sa telebisyon o komiks, inimbentong tauhan na wala sa tunay na buhay, tanawin, mga hugis at ibang pagkakasunodsunod nito, at "animations" sa pamamagitan ng pagguhit na makakabuo ng kuwento sa bawat pahina ng libro o kwaderno.
Etimolohiya
baguhinAng salitang doodle ay unang lumabas noong unang bahagi ng ika-17 siglo para mangahulugan bilang ungas o simple.[1] Ito ay nanggaling sa Alemang salitang dudeln, para magpatugtog (orihinal na magpatugtog ng bagpipe o dudel).[kailangan ng sanggunian] Ang iba pang salitang Alemang pinanggalingan ng salitang ito ay Dudeltopf, Dudentopf, Dudenkopf, Dude at Dödel. Ang Amerikano-Ingles na salitang dude ay maaari ring pinanggalingan ng salitang doodle.
Ang kahulugang "fool, simpleton" ay sinadya sa kantang "Yankee Doodle", na ang orihinal na kumanta ay ang mga hukbong Briton noong American Revolutionary War. Ito rin ang pinanggalingan ng unang bahagi ng ika-18 siglong pandiwang to doodle, na nangangahulugang "dayain o magmukhang katawatawa". Ang modernong kahulugan naman ay lumabas noong 1930's na ganoon nga ang kahulugan o galing sa pandiwang "to dawdle" na magmula pa noong ika-17 siglo ay nangangahulugan nang pagsasayang ng oras o pagiging tamad.
Sa pelikulang Mr. Deeds Goes to Town, sinabi ni Mr. Deeds na ang "doodle" ay salitang ginawa para mangahulugan sa mga guhit na walang gasinong halaga upang makatulong sa taong makapag-isip. Base sa DVD audio commentary track, ang salitang iyon na ginamit sa ganong kahulugan ay ginawa ng screenwriter Robert Riskin. Ang Internet giant na Google ay nagbigay ng ibang dimensiyon sa salitang ito sa pamamagitan ng paglalagay ng "doodles" sa pangunahing pahina sa partikular na okasyon.
Epekto sa Memorya
baguhinBase sa pagaaral na nilathala sa scientific journal na Applied Cognitive Psychology, ang pagdudoodle ay tumutulong sa memorya ng tao sa pamamagitan ng paggamit ng hustong enerhiya para makaiwas sa pagkatulala at pangangarap, na nangangailangan ng madaming processing power ng utak, pati na rin ang pagkawala sa huwisyo. Kaya nagsisilbi itong taga-pamagitan sa sobrang pagiisip o kulang na pagiisip at tumutulong na magpokus sa sitwasyong nangyayari. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ni Professor Jackie Andrade ng School of Psychology sa University of Plymouth, na nag-ulat na ang doodlers sa kanyang eksperimento ay naka-alala ng 7.5 piraso ng impormasyon (sa 16 na kabuuan) sa average, 29% higit sa average na 5.8 na naalala ng control group na binubuo ng non-doodlers.[2]
Tingnan din
baguhinReferens
baguhin- ↑ "doodle", n, Oxford English Dictionary. Accessed 29 Abril 2009.
- ↑ Andrade, Jackie (2010). "What does doodling do?". Applied Cognitive Psychology. 24 (1): 100–106. doi:10.1002/acp.1561. Nakuha noong 10 Hunyo 2011.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
- Spiegel, Alix (12 Marso 2009). "Bored? Try Doodling To Keep The Brain On Task". NPR.org. Nakuha noong 10 Hunyo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Hanusiak, Xenia (6 Oktubre 2009). "The lost art of doodling". Smh.com.au. Nakuha noong 10 Hunyo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Jerome, Louie (20 Nobyembre 2007). "How Do You Doodle: Your Sketches May Be Giving Away Your Secrets". Socyberty.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Abril 2011. Nakuha noong 10 Hunyo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Leong, Kristie (9 Hulyo 2009). "Does Doodling Help with Memory?". Socyberty.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Hulyo 2011. Nakuha noong 10 Hunyo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - "Doodling As A Creative Process". Enchantedmind.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Disyembre 2021. Nakuha noong 10 Hunyo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)