Ang Doraemon (ドラえもん) ay isang seryeng manga na nilikha ni Fujiko F. Fujio (ang pen name ni Hiroshi Fujimoto), na kinalaunan ay naging seryeng anime. Ang serye ay tungkol sa isang pusang robot na nagngangalang Doraemon, na naglakbay pabalik sa panahon mula sa ika-22 dantaon upang tulungan ang isang batang mag-aaral, si Nobita Nobi.

Doraemon (General Patronage) (Rated G)
ドラえもん
DyanraComedy Science fiction
Manga
KuwentoFujiko F. Fujio
NaglathalaShogakukan
Magasin(various Shogakukan's kids magazines)
TakboDisyembre 19691996
Bolyum45
Teleseryeng anime
DirektorMitsuo Kaminashi
EstudyoTMS Entertainment
Inere saNTV
Teleseryeng anime
DirektorTsutomu Shibayama
EstudyoShin-Ei Animation
LisensiyaAsatsu-DK
Inere saTV Asahi
Teleseryeng anime
DirektorKozo Kusuba
EstudyoStudio Pierrot
Inere saTV Asahi
Mga kaugnay na Gawa

* The Doraemons

 Portada ng Anime at Manga

Si Doraemon ay isinama bilang icon pangkultura ng Hapon at noong Abril 22, ay nahalal bilang sa sa mga 22 Bayani ng Asya ng magasin na Time Asia.[1]. Karamihan sa mga kabanata ng Doraemon ay komedya na may mga aral ng tamang asal, tulad ng katapatan, , katapangan, atbp. May iilang din mga kabanata na nagpapalabas ng mga isyung may kinalaman sa kalikasan, tulad ng mga hayop na walang tirahan, mga nangaganib na maubos na species, pagkaubos ng mga kakahuyan, at polusyon. Ang mga paksa tulad ng mga dinosaur, ang teorya ng patag and daigdig, at Kasaysayan ng Hapon ay nakapaloob din.

Ang serye ay unang lumabas noong Disyembre 1969, nang ito ay nailimbag ng sabay-sabay sa anim na magkakaibang magasin. Tuos nito, may 1,344 na kuwento ang nabuo sa orihinal na serye, na nilimbag ng Shogakukan sa ilalim uring manga na Tentōmushi (てんとう虫) na umaaabot sa 45 na bolyum. Ang mga bolyum (volume) ay naipon sa Pang-Sentral na Aklatan ng Takaoka sa Toyama, Hapon, kung saan isinilang si Fujio.

Nanalo ang Doraemong ng unang Shogakukan Manga Award para sa pambatang manga noong 1982 [2] at ng unang Osamu Tezuka Culture Award noong 1997.

Kasaysayan

baguhin

Noong Disyembre 1969, ang mangang Doraemon ay sabay sabay na inilabas sa anim na buwanang magasing pambata. Pinamagatan ang mga magasin ayon sa taon ng pag-aaral ng mga bata, na kinabibilangan ng Yoiko (mababait na bata), Yōchien (nurseri), at ang Shogaku Ichinensei (Unang baitang) hanggang Shogaku Yonnensei (ika-apat na baitang). Noong 1973, ang serye ay nagsimulang lumabas sa dalawa pang magasin, Shogaku Gonensei (ika-anim na baitang) at ang Shogaku Rokunensei (ika-anim na baitang). Ang mga kuwentong tampok sa bawat magasin ay iba-iba, na nangangahulugang ang may-akda ay orihinal na lumilikha ng mahigit anim na kuwento bawat buwan. Noong 1977, ang CoroCoro Comic ay inilunsad bilang magasin ng Doraemon. Ang mga orhinal na manga binatay sa mga pangsineng Doraemon ay inilabas din ng CoroCoro Comic. Ang mga kuwentong inilaan sa ilalim ng uring Tentōmushi ay ang mga kuwentong matatagpuan sa magasin na ito.

Simula ng mailabas ang Doraemon noong 1969, ang kuwento ay pinili at pinagsama-sama sa apatnapu't limang mga aklat na inilimbag noong 1974 hanggang 1996, na may sirkulasyon na mahigit sa 80 milyon noong 1992. Karagdagan pa dito, ang Doraemon ay lumabas sa iba't ibang mga seryeng manga ng Shōgakukan. Noong 2005, ang Shōgakukan ay naglimbag pa ng serye ng limang aklat na manga sa ilalim ng pamagat na Doraemon+ (Doraemon Plus), na hindi makikita sa 5 aklat ng Tentōmushi

 
Ang Unang Labas ni Doraemon, mula sa makinang pang-oras (time machine)

Si Doraemon ay ipinadala pabalik sa panahon ng kaapu-apuhan ni Nobita Nobi na si Sewashi upang ayusin ang mga ginagawa ni Nobita, upang ang kanyang mga salinlahi ay mabuhay sa isang maaayos na hinaharap. Sa orihinal na panahon, ang kahinaan ni Nobita, at kinalaunan sa kanyang karera sa buhay, ay nagdulot ng suliraning pangsalapi sa kanyang mag-anak.

Ang kuwento ay kadalasang nakatutok sa araw-araw na mga pagsubok sa buhay ng ika-apat na baitan na mag-aaral na si Nobita, ang bida sa kuwento. Sa isang pangkaraniwang kabanata, si Nobita ay umuuwing umiiyak dahil sa mga suliranin kinakaharap niya sa paaralan o sa mga kapitbahay nito. Pagkatapos maglabas ng hinanakit, maglalabas si Doraemon ng panghinaharap na kagamitan upang matulungan si Nobita na maayos ang kanyang problema, pagkatapos ay maghihiganti, o kaya naman ay ipagmamayabang sa kanyang mga kaibigan.

Kadalasang sumusobra sa ginagawa si Nobita, kahit na sa mabuting hangarin ni Doraemon na makatulong. ay lalong nadudulot si Nobita sa gulo. Minsan, ang mga kaibigan niya (kadalasang si Suneo at Jaian [Damulag sa dubbing nito sa Filipino]) ay inaagaw ang kagamitan at nagdudulot ng hindi tamang paggamit dito. Subalit, sa huling bahagi ng kuwento, mayroon laging nangyayari sa karakter na gumamit ng hindi maganda dito, at dito lumalabas ang aral pang-asal ng kuwento.

Karakter

baguhin
  • 1. Doraemon

Pamilya Nobi

baguhin

Pamilya Minamoto

baguhin

Pamilya Honekawa

baguhin

Pamilya Goda

baguhin

Iba pang mga Characters

baguhin

Si Doraemon ay kayang maglabas ng iba't ibang kagamitan na kilala bilang dōgu (道具, lit. gadget) mula sa kanyang bulsa. Ang ibang mga gamit ay batay sa mga totoong kagamitang hapon na may dagdag na tampok, subalit ang iba naman ay halos kathang pang-agham (ngunit ang iba naman ay kadalasang binatay sa mga paniniwalang pangrelihiyoso).

Libu-libong mga dōgu ang naitampok sa Doraemon. Ang iba ay sinasabing humigit kumulang nasa 4,500. Ito ang dahilan kung bakit tanyag ito kahit pa sa mga nakakatandang tagapagbasa/manunood.

Usap Usapang Wakas ng Serye

baguhin

May tatlong kasalukuyan at kadalasang sinasabing paniniwalang urban (urban legend) na nagsimulang kumalat noong huling banda ng 1980 naging katapusan ng serye ng Doraemon.

  • Ang unang at ang may mas higit na positibong katapusan ay isinapubliko ni Nobuo Sato mga ilan taon ang nakalipas. Ang baterya ni Doraemon ay naubos, at binigyan si Nobita ng pagpipilian sa pagitan ng kung papalitan niya ang baterya sa loob ng isang pinatigas na Doraemon, na maaaring mag dulot ng pagkabura ng kanyang memorya, o mag-antay ng isang mahusay na teknikong pangrobotiko na maaaring magpabuhay muli sa isang pusang robot balang araw. Sumumpa si Nobita araw ding yoon na siya ay mag-aaral ng mabti, at nakapagtapos ng may karangalan, at naging teknikong robotiko tulad ng kanyang naisip. Matagumpay niyang naibalik sa buhay si Doraemon sa hinaharap bilang profesor pangrobotiko, naging matagumpay bilang tagagawng pang-AI (Artificial Intelligence), at nabuhay ng masaya simula noon, na nagpagaan mga pahirap pinansiyal ng kanyang salinlahi, at nagdulot para kay Doraemon na bumalik na pabalik sa kalawakan. May ganitong katapusan na lumabas sa dojin manga.[3]
  • Ang ikalawa at ang may higit na negatibong katapusan ay nagmumungkahi na si Nobita Nobi ay mayroong autismo at ang lahat ng mga karakter (kasama si Doraemon) ay simpleng kanyang mga delusyon. Ang ideya na si Nobita ay may sakit at isang batang mamamatay at nag-iimahinasyon sa buong serye sa kanyang kama upang siya'y hindi na mahirapan sa kanyang sakit at kalungkutan ay walang dudang kinagalit ng maraming mga tagahanga nito. Maraming tagahangang Hapones ang nagsagawa ng mga kilos protesta sa labas ng punong tanggapan ng tagapaglimbag ng mga serye pagkatapos nilang malaman ang mungkahi. Ang Tagapaglimbag ay naglabas ng pahayag sa publiko na walang katotohanan ang isyu.
  • Ang ikatlong katapusan ay nagmumungkahi na si Nobita ay natumba at tumama ang kanyang ulo sa bato. Siya ay nagkaroon ng matinding coma, at lumaon ay naging malagulay ang kanyang sitwasyon. Para makakalap ng salapi para sa operasyon upang mailigtas si Nobita, ipinagbili ni Doraemon ang lahat ng kanyang mga kagamitan at kasangkapan mula sa kanyang bulsa. Subalit, ang operasyon ay pumalya. Naipagbili ni Doraemon lahat ng kanyang kasangkapan maliban sa isang bagay na huling magagamit niya para kay Nobita. Ginamit niya ito upang marating ni Nobita ang lugar na pinakanais niyang puntahan, kahit anong panahon man ang hilingin nito. Sa katapusan, ang pinakanais na lugar ni Nobita na puntahan ay ang langit.

Sinasabing ang mga kadahilang ng mga isyung ito ay pinag-diskusyunan at napatunayan na walang katapusan ang Doraemon.[4]

Mayroong tatlong opisyal na katapusan na ginawa para sa seryeng Doraemon. Ang Doraemon ay hindi tinuloy sa dalawang media dahil ang mga mambabasa nito ay tumataas na ang mga baitang at ang katapusan nito ay pinaniniwalaang kailangan. Ang dalawang ito ay hindi na na ireprinta.

  • Sa isyung ng magasin noong Marso 1971 na Shogaku 4-nensei [5]: Dahil sa katotohanang ang mga bisita mula sa hinaharap ay nagdudulot ng labis na kaguluhan, ang pamahalaan sa ika-22 dantaon ay nagpasa ng batas na nagbabawal sa paglalakbay sa oras, na nangangahulugan na si Doraemon ay dapat bumalik sa kanyang panahon. Iniwan niya si Nobita.
  • Sa Isyu ng magasing Shogaku 4-nensei noong Marso 1972: Si Doraemon, sa ilang kadahilanan, ay kailangang bumalik sa hinaharap subalit nagpanggap na mayroon siyang sirang mekanikal upang payagan siya ni Nobita na makaalis. Naniwala si Nobita at nangakong mag-aantay siya hanggang siya ay maayos. Napagtanto ni Doraemon na kaya na ni Nobita ang kanyang pag-alis kaya, sinabi na niya ang totoo kay Nobita, at tinanggap naman niya ito. Bumalik na sa hinaharap si Doraemon.

Ang huling katapusan ay sinasabing ang opisyal katapusan dahil sa kababaan ng rating nito sa telebisyon at ang labis na kaabalaahan sa ibang trabaho ni Fujiko Fujio. Subalit ang Doraemon ay hindi naalis sa isip nila at nagsimula ulit noong sumunod na buwan. Noong 1981, ang kabataang iyon ay isinagawang anime at tinawag na "Ang pagbabalik ni Doraemon", at noong 1998, ito ay inilabas bilang isang pelikulang anime.

  • Noong isyu noong 1973 ng magasing Shogaku 4-nensei, Umuwi uli si Nobita sa bahay mula sa pagkakatalo sa away nila ni Damulag. Nagpaliwanag naman si Doraemon na kailangan na niyang bumalik. Sinubukan ni Nobita na panatilihin si Doraemon, subalit pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang mga magulang, tinanggap na rin niya ang pag-alis ni Doraemon. Naglakad sila sa liwasan sa huling pagkakataon. Pagkatapos nilang maghiwalay, muling nakasagupa ni Nobita si Damulag. Pagkatapos nug mahabang duwelo sinubukang ni Nobitang talunin sa lahat ng paraan si Damulag upang makaalis si Doraemon ng walang pag-aalala, hinayaan na lang din ni Damulag si Nobita na manalo dahil sa hindi pagsuko nito. Nakita ni Doraemon si Nobita na walang malay, at dinala pabalik sa bahay nito. Si Doraemon ay nakaupo sa natutulog na Nobita, at pagkatapos ng ilang sandali ng pag-iisip, si Doraemon ay bumalik na sa hinaharap. (Ito ay matatagpuan din sa huling kabanata ng aklat 6 ng manga).

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2002-04-24. Nakuha noong 2002-04-24.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "小学館漫画賞:歴代受賞者" (sa wikang Hapones). Shogakukan. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-18. Nakuha noong 2007-08-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Dōjin manga of the Ending of the Doraemon series (Japanese with English translations).
  4. [1] Naka-arkibo 2008-02-28 sa Wayback Machine. (Wikang Hapon)
  5. [2]

Mga kawing panlabas

baguhin
 Wikipedia:Mga napiling artikulong anime
Napiling Artikulo