Dragostea din tei
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (walang petsa)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Ang Dragostea din tei ay isang kanta mula sa bandang grupo na O-Zone. Ito ang naging numero uno na kanta sa Europa ng labing-dalawang linggo. Numero uno din ang kantang ito sa Pransiya. Sumikat din ito sa iba pang bansa sa Europa tulad ng Italya. Sumikat ang kantang ito sa Estados Unidos dahil sa isang Amerikano na si Gary Brolsma na gumawa ng Numa Numa Dance at nakilala ang kantang ito bilang Numa Numa. Sa Moldova unang pinakawalan sa publiko ang kanta.
"Dragostea Din Tei" | |
---|---|
Awitin ni O-Zone | |
mula sa album na DiscO-Zone | |
A-side | "Bersyong orihinal" |
B-side | "Remix (muling pagtimpla)" |
Nilabas | 2004 |
Tipo | Eurodance, Techno |
Haba | 3:34 |
Tatak | Jive Records |
Manunulat ng awit | Dan Bălan |
Prodyuser | Dan Bălan |
Ang kasikatan nito ay umabot sa iba't ibang sulok ng mundo at nagkaroon ito ng iba't ibang bersyon sa iba't ibang wika.
O-Zone
baguhinKaalaman at Pagsusulat ng kanta
baguhinAng kanta ay sinulat ni Dan Balan na nag ibig sabihin ay Love from Linden Trees. Kinanta ito ng grupong O-Zone na binubuo ni Dan Balan, Arsenie Todiraş, at Radu Sârbu. Sa buong mundo, ito ang pinaka-sikat na kanta ng taong 2004 pero minsan lang patugtugin sa mga radyo sa maraming bansa kabilang ang Pilipinas. Naunang ipalabas ang panooring pantugtugin nito sa Pilipinas sa isang estasyon ng telebisyon na MTV Philippines.
Sa Europa lang nilabas ang mga kopya ng kanta at nagkaroon ng Certificate na ginto(Ingles: Gold), Diyamante (Ingles: Diamond) at Platinum.
Halos milyon-milyong kopya ang nabenta sa Europa lamang at mas marami kumpara sa kopya na nabenta sa ibang bansa kung saan pinakawalan sa publiko ang naturing kanta.
Titulo ng Kanta
baguhinDahil sa nakilala ito sa Estados Unidos na Ma-Ya-Hi at Numa Numa, nagkagulo ang mga tagahanga ng kanta at nagkupitensiya kung ano ang totoo at natatanging titulo nito.
Dahil sa may lyrico itong "Ma-Ya-Hi Ma-Ya-Ho Ma-Ya-Hu Ma-Ya-Haha" nakilala ito bilang Ma-Ya-Hi. Dahil kay Gary Brolsma at dahil sa koro nitong "Vreci a pleci dar numa numa iei, numa numa iei, numa numa numa iei, kih pult thau schi dragostea din tei..." nakilala ito bilang Numa Numa. Minsan lang matawag ng publiko ang totoong titulo nito na Dragostea Din Tei dahil mas sikat ito bilang NUMA NUMA.
Panooring pantugtugin
baguhinAng panooring pantugtugin nito ay silang tatlo na nasa pakpak ng eroplano. Hango ang panooring pantugtugin nila na may hinahabol na babae na minahal nila sa Linden Trees. May mga pagbabagong ginawa sa panooring pantugtugin na may mga eksenang putol. Nilagyan din ang panooring pantugtugin ng Animation upang maingatan ang mga batas ng Estados Unidos at ng Europa para si di maipaliwanag na rason. May eksena rin sa panooring pantugtugin na bumaksak ang eroplano (Dahil sa pakiramdam dulot ng 11 Setyembre 2001 kung saan may mga eroplano na binanga sa iba't ibang gusali sa Estados Unidos).
Haiducii
baguhinBersyon ni Haiducii
baguhin"Dragostea Din Tei" | |
---|---|
Awitin ni Haiducii | |
B-side | Remixes+"Spring" |
Nilabas | 4 Pebrero 2004 |
Tipo | Electronic |
Haba | 3:33 |
Tatak | Digidance, Muve |
Manunulat ng awit | Dan Bălan |
Si Haiducii ay isang mang-aawit na gumawa ng Cover Version ng kantang Dragostea Din Tei. Nakakuha ito ng Certificate na ginto (Ingles gold). Ito ay nagbenta ng kopya sa publiko kasabay ng orihinal na Dragostea Din Tei.
Sumikat din ito ngunit sa mga piling lalawigan sa Europa lamang na nakabenta ng milyun-milyong kopya. Sumikat lamang ito sa Estados Unidos nung nagkaroon ng "International Phenomenon" ang naturing kanta.
Inspirasyon ng muling pagtimpla nito ay ang orihinal na Dragostea Din Tei na pinakawalan tatlong linggo bago ang kantang ito.
Iba pang bersyon
baguhinDahil sa pag-sikat ng kanta sa mundo, nagkaroon ito ng iba't ibang bersyon sa iba't ibang wika. Ilan sa mga bersyon ay nakalista rito.
Mga bersyon
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ https://www.youtube.com/watch?v=V0mWEfMAN-Y
- ↑ https://www.youtube.com/watch?v=TdY5pqauRfE
- ↑ https://www.youtube.com/watch?v=LDeQqaXzr8o
- ↑ https://www.youtube.com/watch?v=tKZaeff3Tuo
- ↑ https://www.youtube.com/watch?v=jXhc5yC6trU
- ↑ https://www.youtube.com/watch?v=Zgxxx_yDveg
- ↑ https://www.youtube.com/watch?v=9OdH-BW9rIA
- ↑ https://www.youtube.com/watch?v=0P_ur4NLL4k
- ↑ https://www.youtube.com/watch?v=koVHN6eO4Xg