Duwendeng bituin
Ang terminong bituing duwende o duwendeng bituin (Ingles:Dwarf star) ay tumutuokoy sa ibat-ibang uri ng naibang klase ng mga bituin. Ang termino ay orihinal na nakuha noong 1906 nang mapansin ng isang Danes na astromoner na si Ejnar Hertzsprung na ang mapulang bituin na may klasipikasyong K at M sa pamamaraang Harvard—ay maaaring mahati sa dalawang naiibang pangkat. Maaaring pareho silang mas maliwanag sa Araw, o kaya naman ay hindi. Para mapaghiwalay ang mga pangkat na ito, tinawag niya itong bituing "giant" ("dambuhala") at "dwarf" ("duwende").[1] Ang sakop ng terminong "duwende" ay napalawak pa lalo sa mga sumusunod:
- Ang duwendeng bituin ay pangkalahatang tumutukoy sa kahit anong bituin na nasa pangunahing pagkasunod-sunod, isang bituin na may klase ng kakinangang V.
- Ang mga Pulang duwende ay mga bituing nasa pangunahing pagkasunod-sunod na may mababang bigat .
- Ang mga Dilaw na duwende ay mga bituing nasa pangunahing pagkasunod-sunod na may bigat na maaaring mapaghambing sa Araw.
- Ang isang asul na duwende ay isang hipotetikal na klase na may mas mababang bigat.
- Ang isang puting duwende ay isang bituin na binubuo ng is a star composed of materyang may nanghihinang elektron.
- Ang isang itim na duwende ay isang puting duwende na sapat na lumamig kaya hindi na ito naglalabas ng liwanag.
- Ang isang kayumangging duwende ay isang substellar na bagay na hindi mabigat para magpasiklab ng hidroheno papunta sa helyo.
Talababa
baguhin- ↑ Brown, Laurie M.; Pais, Abraham; Pippard, A. B., mga pat. (1995). Twentieth Century Physics. Bristol; New York: Institute of Physics, American Institute of Physics. p. 1696. ISBN 0-7503-0310-7. OCLC 33102501.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)