Zhezqazghan

(Idinirekta mula sa Dzhezkazgan)

Ang Zhezqazghan o Jezkazgan (Kasaho: Жезқазған, romanisado: Jezqazǵan, جەزقازعان), dating kilala bilang Dzhezkazgan (Ruso: Джезказган, hanggang 1992), ay isang lungsod sa Rehiyon ng Karaganda, Kazakhstan, sa isang imbakan ng tubig ng Ilog Kara-Kengir. Ang populasyon nito ay 86,227 noong 2009.[1] Kasama sa pook urbano nito ang kalapit na nagmiminang bayan ng Satpayev, para sa kabuuang populasyon na 148,700 katao.

Zhezqazghan

Жезқазған
Жезказган
Opisyal na sagisag ng Zhezqazghan
Sagisag
Zhezqazghan is located in Kazakhstan
Zhezqazghan
Zhezqazghan
Kinaroroonan sa Kazakhstan
Mga koordinado: 47°47′0″N 67°42′0″E / 47.78333°N 67.70000°E / 47.78333; 67.70000
Bansa Kazakhstan
RehiyonRehiyon ng Karaganda
Itinatag1938
Pamahalaan
 • Akim (alkalde)Batyrlan Akhmetov
Taas
300 m (1,000 tal)
Populasyon
 (2009)
 • Lungsod86,227
 • Urban
148,700
Sona ng orasUTC+6 (ALMT)
Kodigong postal
100600
Kodigo ng lugar+7 7102
Websaythttp://www.jezkazgan.kz

55% ng populasyon ng lungsod ay mga Kazakh, 30% ay mga Ruso, at mas-maliit ang bilang ng mga minoryang pangkat tulad ng mga Ukrainian, mga Aleman, mga Chechen at mga Koreano.

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang Zhezqazghan noong 1938 kaugnay ng paggamit ng mayamang mga deposito ng tanso. Itinatyo noong 1973 ang isang malaking hugnayan ng pagmimina at metalurhiya sa timog-kanluran upang itunaw ang tansong noon ay idinadala sa ibang mga lugar upang iproseso. Ang ibang mga inambatong metal na minimina at pampook na pinoproseso ay mangganeso at bakal.

Noong panahong Sobyet, ang Zhezqazghan ay isang sityo na isang Gulag na kampong paggawa, ang Kengir na binanggit sa aklat ni Aleksandr Solzhenitsyn na The Gulag Archipelago, at aklat ni Alexander Dolgun na "An American In The Gulag", at sa panahon ng sapilitang paglipat ng tirahan ng mga Koreano mul sa Malayong Silangang Rusya.

Heograpiya at klima

baguhin

Matatagpuan ang Zhezqazghan sa pinakapuso ng talampas ng Kazakh. Malapit din ito sa sentrong heograpiko ng bansa. Mayroon itong labis na pangkontinenteng klimang bahagyang-tigang (BSk); mataas ngunit hindi mabigat ang pag-ulan at hindi kailan man umabot ang buwanang pag-uulan sa 100 millimetro (4 pul). Ang katamtamang temperatura ay mula 24 °C (75 °F) sa Hulyo hanggang −16 °C (3 °F) sa Enero, habang ang mga kalabisan ay umaabot mula 43 °C (109 °F) noong Hunyo 1988 hanggang −41.1 °C (−42.0 °F) noong Pebrero 1951.

Datos ng klima para sa Zhezqazghan
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 5.0
(41)
9.0
(48.2)
27.4
(81.3)
34.2
(93.6)
37.2
(99)
43.0
(109.4)
42.2
(108)
42.4
(108.3)
39.9
(103.8)
30.5
(86.9)
22.0
(71.6)
9.8
(49.6)
43.0
(109.4)
Katamtamang taas °S (°P) −8.5
(16.7)
−7.1
(19.2)
0.6
(33.1)
15.7
(60.3)
23.4
(74.1)
29.9
(85.8)
31.3
(88.3)
29.8
(85.6)
23.2
(73.8)
13.7
(56.7)
2.2
(36)
−5.7
(21.7)
12.4
(54.3)
Arawang tamtaman °S (°P) −13.0
(8.6)
−12.3
(9.9)
−4.5
(23.9)
8.6
(47.5)
16.2
(61.2)
22.6
(72.7)
24.4
(75.9)
22.5
(72.5)
15.2
(59.4)
6.3
(43.3)
−2.8
(27)
−10.2
(13.6)
6.1
(43)
Katamtamang baba °S (°P) −17.6
(0.3)
−17.3
(0.9)
−9.0
(15.8)
2.2
(36)
8.7
(47.7)
14.5
(58.1)
16.8
(62.2)
14.4
(57.9)
7.1
(44.8)
−0.1
(31.8)
−7.1
(19.2)
−14.6
(5.7)
−0.2
(31.6)
Sukdulang baba °S (°P) −40.0
(−40)
−41.1
(−42)
−36.1
(−33)
−15.6
(3.9)
−6.6
(20.1)
−2.2
(28)
3.9
(39)
−2.6
(27.3)
−11.4
(11.5)
−19.0
(−2.2)
−37.2
(−35)
−40.0
(−40)
−41.1
(−42)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 19
(0.75)
16
(0.63)
16
(0.63)
17
(0.67)
19
(0.75)
17
(0.67)
18
(0.71)
11
(0.43)
5
(0.2)
16
(0.63)
17
(0.67)
16
(0.63)
187
(7.36)
Araw ng katamtamang pag-ulan 1 2 4 6 9 8 8 5 4 6 5 2 60
Araw ng katamtamang pag-niyebe 17 13 7 2 0.3 0 0 0 0.03 2 8 14 63
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 78 76 75 56 48 40 41 40 43 60 76 79 59
Sanggunian: погода и климат[2]

Demograpiya

baguhin
Historical population
TaonPop.±%
1999 90,001—    
2009 86,227−4.2%
Senso 2009: 86,227;[1]; Senso 1999: [3]

Industriya

baguhin

Kasalukuyang punong tanggapan ang lungsod ng kalipunang kompanya ng tanso na Kazakhmys, ang pangunahing may patrabaho sa lungsod. May mga sangay ang kompanya sa Tsina, Rusya at Nagkakaisang Kaharian at nakatala sa Pamilihang Sapi ng London. Mayroon isang istasyon ng kuryente, ang Planta ng Kuryente ng Kazakhmys na may kakayahang paglikha ng 207 MW at sa isang 220-metrong taas na pangunahing tsiminea.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Население Республики Казахстан" (sa wikang Ruso). Департамент социальной и демографической статистики. Nakuha noong 8 Disyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Weather and Climate – The Climate of Jezkazgan" (sa wikang Ruso). Weather and Climate (Погода и климат). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Nobyembre 2016. Nakuha noong 25 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 90,001.
Maling banggit (Di ginamit sa teksto ang <ref> tag na may pangalang "kz2009Census" na binigyang-kahulugan sa <references>.); $2
baguhin

47°47′N 67°42′E / 47.783°N 67.700°E / 47.783; 67.700