E. Nesbit
Si Edith Nesbit (15 Agosto 1858 – 4 Mayo 1924), na naging Edith Bland nang magkaasawa, ay isang Inglesang awtora, nobelista[2], at makata. Nalimbag ang kanyang mga aklat-pambata sa ilalim ng pangalang E. Nesbit. Nagsulat siya at nakipagtulungan sa pagsusulat ng mahigit sa 60 mga aklat na pampanitikang pambata, na naging mga pelikula at mga palabas sa telebisyon ang ilan. Isa rin siyang aktibistang pampolitika at isa sa mga tagapagtatag ng Samahang Fabiano, ang ninuno ng modernong Partidong Pangmanggagawa sa Nagkakaisang Kaharian.
E. Nesbit | |
---|---|
Kapanganakan | 15 Agosto 1858 |
Kamatayan | 4 Mayo 1924
|
Mamamayan | United Kingdom of Great Britain and Ireland United Kingdom |
Trabaho | manunulat, children's writer, makatà |
Talambuhay
baguhinBilang manunulat
baguhinBilang manunulat ng mga kuwentong pambata, tinanggihan niya ang tanyag na gawi ng pagbibigay ng leksiyong moral; at lumikha siya ng kapanipaniwalang mga tauhan para sa mga kalagayan o sitwasyong batay o nakaakma sa tunay na buhay.[2]
Mga akda
baguhinKabilang sa kanyang mga inakdaan ang The Treasure Seekers, The Bastable Children, at ang The Would-be Goods.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Andrew Bell, Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles), Illustrator: Andrew Bell, Encyclopædia Britannica Inc., OCLC 71783328, Wikidata Q455
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "Edith Nesbit". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 438.
Mga kawing palabas
baguhin- The Writing of E. Nesbit ni Gore Vidal, tungkol sa mga sinulat ni E. Nesbit. (sa Ingles)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at United Kingdom ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.