Ebanghelyo ng mga Nazareno
Ang Ebanghelyo ng mga Nazareno ang pangalang ibinigay ng mga skolar sa isang ebanghelyo na sinipi ni Jeronimo. Ang Ebanghelyo ng mga Nazareno ay nagbibigay diin sa pagiging Hudyo ni Hesus.[1][2]
Ito ay iba mula sa ibang mga ebanghelyong Hudyong Kristiyano na Ebanghelyo ng mga Ebionita at Ebanghelyo ng mga Hebreo.
Mga Nazareno
baguhinAng katagang Nazareno ay nilapat kay Hesus sa Ebanghelyo ni Mateo 2:23. Ang "sekta ng mga Nazareno" ay binanggit sa Mga Gawa ng mga Apostol 24:5. Ang pangalang Nazareno ay hindi muling lumitaw(maliban sa isang hindi malinaw na reperensiya sa Onomasticon ni Eusebio ng Caesarea) hanggang sa ang isang katulad na pangalan na mga Nazorean ay itinangi ni Epiphanius ng Salamis sa kanyang Panarion noong ika-4 siglo CE.[3] Ang katagang "Nazareno" ay ginamit upang tukuyin ang isang halos sektang Hudyong Nazareno na naniwalang si Hesus ang mesiyas. Nang ito ay nagsanga tungo sa daigdig na hentil, ang mga ito ay nakilalang mga Kristiyano.[4] Noong ika-4 siglo CE, ang mga Nazareno ay pangkalahatang tinatanggap na mga unang Kristiyanong sumusunod sa Kautusan ni Moises na pinamunuan ni Santiago ang Makatarungan na kapatid ni Hesus. Kanyang pinamunuan ang Iglesia mula sa Herusalem at ayon sa 1 Cor. 15:7) ay nagkaroon ng unang pagpapakita ng nabuhay na si Hesus sa kanya at pagkatapos lamang nito ay pati sa lahat ng mga apostol. [5]
Mga sanggunian
baguhinIsinalaysay ni Jeronimo na ang mga Nazareno ay naniniwalang ang ebanghelyong Hebreo na kanyang natanggap habang nasa Chalcis ay isinulat ni Mateo. Sa kanyang akdang Ukol sa mga Kilalang Lalake, ipinaliwanag ni Jeronimo na sumulat si Mateo ng isang ebanghelyo na unang inilimbag sa Judea sa skriptong Hebreo para sa kapakanan ng mga nasa pagtutuli(Hudyo) na sumampalataya. Samantala, sa kanyang Komentaryo ukol sa Ebanghelyo ni Mateo, tinukoy ni Jeronimo ang Ebanghelyo ng mga Nazereno at Ebanghelyo ng mga Hebreo. Si Epiphanius ay nagsaad na sa mga may akda ng Bagong Tipan ay tanging si Mateo ang nagpaliwanag at naghayag ng ebanghelyo sa Hebreong skripto (Panarion 30.13.1). Isinaad ni Origen na sa mga apat na ebanghelyo na si Mateo ay unang sumulat ng ebanghelyo para sa mga akay mula sa Hudaismo na inilimbag sa wikang Hebreo (Eusebius, Historia Ecclesiastica, 6.25).
Mga pananaw ng mga skolar
baguhinMay dalawang mga pananaw ukol sa ugnayan ng mga sipi mula sa "Ebanghelyo ng mga Nazareno".
Ang una ay nagbase ang Ebanghelyo ng mga Nazareno sa Ebanghelyo ni Mateo. Ayon kay Philipp Vielhauer, "Ang literaryong karakter nito ay nagpapakitang ang Ebanghelyo ng mga Nazareno ay sekundaryo kung ikukumpara sa kanonikal na Ebanghelyo ni Mateo. Mula sa pananaw ng anyong-kritisismo at kasaysayan ng tradisyon gayundin mula sa wikang iyon, ito ay hindi nagtatanghal ng proto-Mateo kundi isang pagunlad ng Griyegong Ebanghelyo ni Mateo."[6]
Ang ikalawa ay nagbase ang Griyegong kanonikal na Ebanghelyo ni Mateo sa orihinal na Hebreong Ebanghelyo ng mga Nazareno. [7] Ang posisyon ni Nicholson na ang Ebanghelyo ng mga Hebreo ng mga Nazareno ang tunay na Ebanghelyo ni Mateo ay pinagtatalunan pa rin ng mga skolar. Gayunpaman, ang karamihan ng mga skolar ng Bibliya ay naniniwalang ang Ebanghelyo ni Mateo ay hindi isinulat ni Mateo kundi ng isang hindi kilalang may akda.[8]
Ang ebidensiyang Talmudiko para sa mga maagang ebanghelyo Kristiyano gayundin ng reperensiya ni Papias ng Hebreong "logia"[9] at ng "Ebanghelyo ng mga Hebreo" ni Jeronimo sa Aramaiko ay nagtulak sa ilang mga skolar gaya nina C. C. Torrey (1951) na isaalang alang ang orihinal na Aramaiko o Hebreong ebanghelyo na nangangahulugang "Ebanghelyo ng mga Hebreo" na ginamit ng mga Nazareno. [10]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ *Ehrman, Bart (2003). The New Testament: A Historical Introduction to the Early Christian Writings. Oxford University Press, USA. ISBN 0-19-515462-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ *Ehrman, Bart (2003). The Lost Christianities: The Battles for Scripture and the Faiths We Never Knew. Oxford University Press, USA. ISBN 0-19-514183-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lawrence H. Schiffman, James C. VanderKam Encyclopedia of the Dead Sea Scrolls: N-Z Nazarenes - 2000 - 1132 "... occurs only once in the post-New Testament Greek literature between Acts and Epiphanius, in Eusebius's Onomasticon, though it remains doubtful whether the term here concerns Nazoreans (rather than Christians in general)."
- ↑ F.L. Cross & E.A. Livingston, The Oxford Dictionary of the Christian Church, Oxford University Press, 1989. p 957 & 722.
- ↑ The Oxford Dictionary of the Christian Church, F.L. Cross and E.A. Livingston (editors), Oxford University Press, 1989. p 957 & 722.
- ↑ in Wilhelm Schneemelcher, translated Robert McLachlan Wilson - New Testament Apocrypha: Gospels and related writings 1991 p159
- ↑ James R. Edwards, The Hebrew Gospel & the Development of the Synoptic Tradition, © 2009, Wm. B. Eerdmans Publishing Co.
- ↑ The Interpreters Bible, Vol. VII, Abington Press, New York, 1951, p.64-66
- ↑ Bart Ehrman, Jesus: Apocalyptic Prophet of the New Millennium, © 1999 Oxford University Press, p.43
- ↑ The Interpreters Bible, Vol. VII, Abington Press, New York, 1951, p.67