Ebanghelyo ng mga Hebreo

Ang Ebanghelyo ng mga Hebreo (Griyego: τὸ καθ' Ἑβραίους εὐαγγέλιον), o Ebanghelyo ayon sa mga Hebreo ang sinkretikong ebanghelyong Hudyong Kristiyano na sinipi ng mga ama ng simbahan na sina Clemente ng Alehandriya, Origen, Didimo ang Bulag at Jeronimo. Ito ay malamang na isinulat sa Griyegong Koine noong mga unang dekada ng ika-2 siglo CE. Ang mga pragmento nito ay naglalaman ng mga tradisyon ng preeksistensiya ni Hesus, bautismo, inkarnasyon, malamang na pagtukso at mga kasabihan ni Hesus. [1] Ang mga natatanging katangian ng ebanghelyong ito ang Kristolohiya na naglalarawan sa paniniwalang ang banal na espirito ang inang makadiyos ni Hesus at isang unang pagpapakita ng nabuhay na Hesus kay Santiago ang Makatarungan na nagpapakita ng isang mataas na paggalang kay Santiago bilang pinuno ng Iglesiang Kristiyano sa Herusalem. [2] Ito ay pinaniniwalaang ginamit ng mga Hudyong Kristiyano na nagsasalita ng Griyego sa Alehandriya, Ehipto noong ika-2 siglo CE. [3] Ang ebanghelyong ito ay ginamit ng mga ama ng simbahan bilang karagdagan sa iba pang mga kanonikal na ebanghelyo upang magbigay ng sangguniang materyal para sa kanilang mga komentaryo batay sa mga kasulatan. [4] Ito ay isinama ni Eusebio ng Caesarea sa kanyang talaan ng mga pinagtatalunang mga kasulatang Kristiyano na kilala bilang Antilegomena bago ang paglikha at pagsasara ng Kanon ng Bagong Tipan[5] na nagsasaad na ito ay ginamit ng "mga Hebreo" sa loob ng simbahan. Ito ay hindi na ginamit nang ang kanon ng Bagong Tipan ay nilikha noong wakas ng ika-4 siglo CE.[6]

Ito ang tanging ebanghelyong Hudyong Kristiyano na tinukoy ng mga ama ng simbahan sa pangalan na naniniwalang may isa lamang ebanghelyong Hebreo na marahil ay sa iba ibang mga bersiyon. [7] Ito ay iba mula sa ibang mga ebanghelyong Hudyong Kristiyano na Ebanghelyo ng mga Nazareno at Ebanghelyo ng mga Ebionita.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Cameron 1992, pp. 105–6.
  2. Koch 1990, p. 364.
  3. Lapham 2003, pp. 159, 163.
  4. Klijn 1992, pp. 4–8.
  5. Liddell and Scott A Greek–English Lexicon
  6. Metzger 1997, pp. 169–70, 203–5.
  7. Gregory 2008, pp. 56–9.