Mga Ebanghelyong Hudyong Kristiyano
Ang Mga ebanghelyong Hudyong Kristiyano ang mga ebanghelyo na may katangiang Hudyong Kristiyano na sinipi nina Clemente ng Alehandriya, Origen, Eusebio ng Caesarea, Epiphanius ng Salamis, Jeronimo, at malamang ay ni Didimo ang Bulag. [1] Ang karamihan ng mga skolar ng Bibliya ay naniniwalang may isang ebanghelyo sa Aramaiko/Hebreo at hindi bababa sa dalawang ebanghelyo sa Griyego. May ilang skolar na naniniwalang may dalawa lamang ebanghelyo na isinulat sa Aramaiko at Griyego.[2]
Wala sa mga ebanghelyong Hudyong Kristiyanong ito ang nakaligtas sa kasalukuyan ngunit may mga pagtatangkang isinagawa upang muling buuin ang mga ito mula sa mga sipi ng mga ama ng simbahan. Ang pamantayang edisyon ni Schneemelcher ay nagsasaayos ng mga tekstong ito sa sumusunod: [3]
- 1) Ang Ebanghelyo ng mga Nazareno("GN") – GN 1 hanggang GN 23 na pangunahing mula kay Jeronimo; GN 24 hanggang GN 36 mula sa mga sangguniang Mediebal.
- 2) Ang Ebanghelyo ng mga Ebionita ("GE") – 7 sipi mula kay Epiphanius.
- 3) Ang Ebanghelyo ng mga Hebreo ("GH") – 1 siping itinuro kay Cirilo ng Herusalem at GH 2-7 mga sipi mula kay Jeronimo.
Dahil sa mga kontradiksiyon sa salaysay ng bautismo ni Hesus at iba pang mga kadahilanan, itinuturing ng karamihan ng mga skolar ang Ebanghelyo ng mga Nazareno, Ebanghelyo ng mga Hebreo, at Ebanghelyo ng mga Ebionita bilang tatlong magkakahiwalay na mga ebanghelyo bagaman iniugnay ni Jeronimo ang mga Nazareno sa mga Ebionita sa kanilang paggamit ng Ebanghelyo ng mga Hebreo.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Elliot 2005, p. 3.
- ↑ Ehrman & Pleše 2011, p. 199.
- ↑ Vielhauer & Strecker 1991, p. 135-41.
- ↑ The Oxford Dictionary of the Christian Church, F.L. Cross and E.A. Livingston (editors), Oxford University Press, 1989 p. 439