Echinococcosis
Echinococcosis, na tinatawag ring hydatid disease, hydatidosis, o echinococcal disease, ay isang karamdamang dulot ng parasite na mga bulate ng Echinococcus type. Ang mga tao ay maaaring magkaroon ng dalawang pangunahing uri ng karamdaman, cystic echinococcosis at alveolar echinococcosis. May dalawang mas hindi masyadong karaniwan na uri, ang polycystic echinococcosis at unicystic echinococcosis. Ang karamdaman ay madalas na nagsisimula nang walang sintomas at ito ay tatagal ng isang taon. Angm ga sintomas at palatandaan na maaaring maganap ay depende sa kinaroroonan at laki ng mga cyst o bukol. Alveolar na karamdaman ay karaniwang nagsisimula sa atay ngunit maaaring kakalat sa ibang bahagi ng katawan tulad ng baga at utak. Kapag ang atay ang naapektuhan, ang maysakit ay maaaring makaranas ng pananakit sa tiyan, pamamayat, at paninilaw. Ang karamdaman sa baga ay maaaring magdulot ng pananakit sa dibdib, hirap sa paghinga at ubo.[1]
Echinococcosis | |
---|---|
Echinococcus life cycle (click to enlarge) | |
Espesyalidad | Infectious diseases, helminthologist |
Ang Sanhi
baguhinAng karamdaman ay naikakalat kapag ang pagkain o tubig na nagtataglay ng mga itlog ng parasite ay nakain o sa pamamagitan ng malapitang kontak sa isang may naimpeksiyon na hayop.[1] Ang mga itlog ay nailalabas sa dumi/tae ng mga hayop na kumakain ng karne na naimpeksiyon na ng parasite.[2] Kasama sa mga karaniwang naiimpeksiyon na hayop ang mga: aso, fox at lobo.[2] Para maipeksiyon ang mga hayop na ito, dapat nilang kainin ang mga laman -loob ng isang hayop na may mga bukol na tulad ng mga tupa o daga.[2] Ang uri ng karamdamang naihahahwa sa mga tao ay depende sa uri ng Echinococcus na sanhi ng impeksiyon. Ang pagtukoy sa karamdaman ay karaniwang sa pamamagitan ng ultrasound pero ang computer tomography (CT) o magnetic resonance imaging (MRI) ay maaari ring gamitin. Ang mga pagsusuri sa dugo para makita ang mga antibody laban sa parasite ay maaaring makatulong tulad ng biopsy.[1]
Pag-iwas at Paggamot
baguhinPrevention of cystic disease is by treating dogs that may carry the disease and vaccination of sheep. Treatment is often difficult. The cystic disease may be drained through the skin followed by medication.[1] Sometimes this type of disease is just watched.[3] Ang uri ng alveolar ay madalas nangangailangan ng operasyon kasunod ng mga paggamot.[1] Ang gamot na ipinanggagamot ay albendazole which may be needed for years.[1][3] The alveolar disease may result in death.[1]
Pag-aaral ng Epidemiya
baguhinAng karamdaman ay karaniwan nagaganap sa karamihan ng lugar sa mundo at kasalukuyan nakakaapekto sa humigit-kumulang isang milyong tao. Sa mga ilang lugar sa South America, Africa, at Asya, ang hanggang 10% ng partikular na populasyon ay apektado na.[1] Hanggang 2010, ito ay nagdulot na ng 1200 kamatayan na mas mababa kaysa sa 2000 noong 1990.[4] Ang gastos sa ekonomiya ng karamdaman ay tinatatayang humigit-kumulang na 3 bilyon USD sa isang taon. Maaari rin itong makaapekto sa mga ibang hayop tulad ng mga baboy, baka at kabayo.[1]
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 "Echinococcosis Fact sheet N°377". World Health Organization. Marso 2014. Nakuha noong 19 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 "Echinococcosis [Echinococcus granulosus] [Echinococcus multilocularis] [Echinococcus oligarthrus] [Echinococcus vogeli]". CDC. Nobyembre 29, 2013. Nakuha noong 20 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Echinococcosis Treatment Information". CDC. Nobyembre 29, 2013. Nakuha noong 20 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lozano, R (Dis 15, 2012). "Global and regional mortality from 235 causes of death for 20 age groups in 1990 and 2010: a systematic analysis for the Global Burden of Disease Study 2010". Lancet. 380 (9859): 2095–128. doi:10.1016/S0140-6736(12)61728-0. PMID 23245604.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)