Efren Peñaflorida

(Idinirekta mula sa Efren Penaflorida)

Si Efren Geronimo Peñaflorida, Jr. (ipinanganak noong 5 Marso 1981) ay isang guro at panlipunang manggagawa sa Pilipinas. Siya ang nagtatag at tagapamuno ng Dynamic Teen Company, na naghahandog sa mga kabataang Pilipino ng alternatibo sa mga palaboy sa kalye sa pamamagitan ng edukasyon, sa paglalapit ng paaralan sa mga hindi kinakaugaliang lugar tulad ng sementeryo at mga tambakan ng basura.[1]

Efren Peñaflorida
Kapanganakan1981 (edad 42–43)
Kilala sa"Kariton Klasrum"

Noong Marso 2009, itinampok si Peñaflorida sa Bayani ng CNN bilang bahagi ng programa ng network sa pagpaparangal sa mga indibidwal na may kahanga-hangang kontribusyon sa pagtulong sa iba.[2] Noong 22 Nobyembre 2009, hinirang siyang Bayani ng Taon ng CNN para sa taong 2009.

Buhay kabataan

baguhin

Si Efren Geronimo Peñaflorida, Jr.ay ipinanganak noong 1981 bilang pangalawang anak nina Efren Peñaflorida Sr., isang traysikel drayber, at Lucila Geronimo, maybahay.[3] Nagsimula ang pamilya ng isang maliit na negosyong pansitan para makasapat sa kanilang pangangailangan.[3] Lumaki si Efren sa isang iskwater na malapit sa tambakan ng basura, naglalaro sa gitna ng mga basura at naliligo sa maruming tubig.[3] Malimit siyang inaapi ng kanyang mga kapitbahay.[3]

Nagtapos si Peñaflorida ng elementarya at sekondarya sa tulong ng iskolarsip at tulong pinansiyal, at nagkamit siya ng ilang mga parangal at gawad sa klase.[3] Taong 2000, nagtapos siya sa San Sebastian College - Recoletos na may degree sa Teknolohiyang Pangkompyuter na may mataas na karangalan.[3] Ipinagpatuloy niya ang kanyang ikalawang kurso sa Cavite State University, kung saan nagtapos siya bilang cum laude noong 2006 sa kursong Mataas na Edukasyon.[3].

Dynamic Teen Company

baguhin

Nang siya'y 16 na taong gulang, itinatag ni Peñaflorida ang grupo ng kabataan sa mataas na paaralan na may layuning ilayo ang atensiyon ng mga mag-aaral sa mga gang sa kalye, at tungo sa pagbubuo ng lipunan at pagunlad pansarili.[3] Kasama ang ibang kamag-aral pinangalanan nila ang grupo bilang "Dynamic Teen Company".

CNN Hero

baguhin

Si Peñaflorida ay iminungkahi para sa Bayani ng CNN ng Club 8586, ang grupo ng kabataan na sumagot sa pag-aaral niya ng elementarya at hayskul.[4] Matapos ang pagsasala sa mahigit 9,000 mga nominado mula sa humigit 100 na mga bansa, napili ng Blue Ribbon Panel ng CNN si Peñaflorida bilang isa sa 28 na mga bayani ng 2009. Noong Oktubre 1, itinanghal si Peñaflorida bilang isa sa mga sampung natitirang nominado. At noong Nobyembre 22, hinirang siyang Bayani ng Taon ng CNN para sa taong 2009. Kalakip ng parangal ang 100,000 dolyar na pera para ipagpatuloy ang kanyang gawain sa Dynamic Teen Company.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Pushcart classes help break gang chain". CNN. 2009-05-09. Nakuha noong 2009-11-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "CNN honors Peñaflorida as modern day hero". Inquirer.net. Philippine Daily Inquirer. 2009-03-09. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-17. Nakuha noong 2009-11-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 "Founder". Dynamic Teen Company. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-12-16. Nakuha noong 2009-11-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Pinoy named CNN 'Hero of the Year'". Philippine Star. 2009-11-23. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-04. Nakuha noong 2009-11-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin