Melanogrammus aeglefinus

(Idinirekta mula sa Eglepino)

Ang Melanogrammus aeglefinus (Ingles: haddock; Espanyol: eglefino, anón) ay isang uri ng isdang[1] namumuhay sa hilagang Karagatang Atlantiko.[2] Sa dagat lamang ito nabubuhay. Mahalagang isda ang eglepino para sa industriya ng pangingisda. Madaling makilala ang isda dahil sa itim nitong guhit sa puting gilid nito; at mayroon ding maitim at bilog na batik sa likod ng hasang. Tumitimbang na may 1 hanggang 4 na mga libra ang mga nahuhuling eglepino.[2]

Melanogrammus aeglefinus
Melanogrammus aeglefinus
Eglepino sa Akwaryo ng Bagong Inglatera.
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Melanogrammus

Gill, 1862
Espesye:
M. aeglefinus
Pangalang binomial
Melanogrammus aeglefinus
(Linnaeus, 1758)

Katulad ng mga kamag-anakan nitong bakalaw o kalaryas, mayroong tatlong panlikod na mga palikpik ang eglepino, at kumakain ng mga moluska, mga krustasyano, at mga bulati. Kaiba ang eglepino mula sa Pollachius na may kabaligtad na kulay: puting guhit sa ibabaw ng itim na panlikod na kulay.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Haddock - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Haddock". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na H.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.