Ehersisyong nagpapatigas ng masel

Ang mga ehersisyong nagpapatigas ng masel, ehersisyong nagpapalusog ng kalamnan, o mga pagsasanay na nagtotono ng masel (Ingles: mga toning exercise) ay mga ehersisyong pangkatawan o ehersisyong pisikal na may layunin magpaunlad ng pangangatawan na may malawikang pagbibigay ng diin sa kamaselan o muskulatura. Walang nag-iisang ehersisyong nakapagtotono ng mga masel. Pinakamainam na paraan sa pagpapatigas ng mga masel ang paggamit ng mga ehersisyong aerobiko upang mabawasan ang taba sa katawan at ang pagsasagawa ng mga ehersisyong may resistensiya upang makabuo ng mga masel. Maaaring tukuyin bilang pagtotono ng mga masel ang kombinasyon ng ganitong mga ehersisyo. Sa ganitong diwa, nagpapahiwatig ang masel na nakatono sa pagiging balingkinitan ng katawan, may mababang kaantasan ng taba ng katawan, at kapansin-pansing depinisyon ng masel, o nakaguhit ng malinaw, o malinaw o malinawanag ang pagkakalarawan ng mga masel (nakalarawan ang mga masel) at pati na ang hugis ng masel. Maaaring tumukoy ang diwa ng pagbubuo ng masel sa inaasahang mga epekto ng ganitong mga ehersisyo. Kabilang sa pagbubuo ng mga masel ang pagbubuhat ng mga pabigat at pagsasagawa ng mga pag-iinat, paghihila, o pagbibinat ng puson.

Panunuri

baguhin

Maraming mga naghuhubog ng katawan[1] at mga dalubhasa na bumabatikos at nagsasabing wala talagang masasabing ehersisyong nagpapatigas o nagtotono. Na ang tinutukoy na pagtotono ay binubuo talaga ng dalawang mga epekto o resulta: paglaki ng sukat ng masel sa pamamagitan ng hipertropiya at pagkabawas ng bahagdan ng taba ng katawan.[2]. Kapag pinagsama, nakalilikha ito ng hitsura na tumitigas o tumatatag (nagiging solido) ang masel, na sa katunayan ay karaniwan namang hapit o masinsin ang masel ng tao, dahil sa tonus o tono ng masel.

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.