Ang Eid al-Fitr o Eid ul-Fitr (Arabe: عيد الفطر ‘Īdu l-Fiṭr‎),[4] kadalasang pinapaiksi bilang Eid ay isang kapistahang Muslim na palatandaan ng katapusan ng isang buwang-habang pag-aayuno mula bukang-liwayway hanggang paglubog ng araw ng Ramadan. Itong relihiyosong Eid ang tanging araw sa buwan ng Shawwal kung kailan hindi pinapayagang mag-ayuno ang mga Muslim. Pabagu-bago ang petsa ng pagsimula ng anumang buwan ng Hijri batay sa kung kailan nakikita ang bagong buwan ng mga lokal na relihiyosong awtoridad, kaya nag-iiba-iba ang araw ng pagdiriwang sa bawat lokalidad.

عيد الفطر
Eid al-Fitr (ʻĪd al-Fiṭr)
salusalo para sa Eid al-Fitr, Tajikistan
Opisyal na pangalanArabe: عيد الفطر‎, romanisado: ‘Īd al-Fiṭr
Ipinagdiriwang ngIslam
UriIslamiko
KahalagahanHudyat ng pagtatapos ng pag-aayuno sa Ramadan
Mga pagdiriwangPanalagin sa Eid, karidad, pagtitipon, salu-salo, pagbibigay ng mga regalo
Petsa1 Shawwal[1]
Kaugnay saRamadan, Eid al-Adha

Ang Eid al-Fitr ay may tiyak na salat (Islamikong panalangin) na binubuo ng dalawang rakat (bahagi) na karaniwang isinasagawa sa malawak na parang o malaking bulwagan. Magagampanan lamang ito sa kongregasyon (jamāʿat) at nagtatampok ng anim na karagdagang Takbir (pagtaas ng mga kamay sa tainga habang sinasabi ang "Allāhu ʾAkbar", na nangangahulugang "Pinakadakila ang Diyos") sa paaralang Hanafi ng Sunismo: tatlo sa simula ng unang rakat at tatlo bago ang rukūʿ sa ikalawang rakat.[5] Kadalasan, ang mga ibang paaralan ng Sunni ay may labindalawang Takbir, na sa katulad na paraan, ay hinahati sa mga pangkat ng pito at lima. Sa Shiismo, ang salat ay may anim na Takbir sa unang rakat sa katapusan ng qira'a, bago ang rukūʿ, at lima sa ikalawang Takbir.[6] Depende sa madalubhasang pananaw ng lokalidad, itong salat ay alinman sa farḍ فرض (sapilitan), mustaḥabb مستحب (matinding inirerekomenda) o mandūb مندوب (mas kanais-nais).

Kasaysayan

baguhin

Nagmula ang Eid al-Fitr kay Muhammad, ang Islamikong propeta. Ayon sa iilang mga tradisyon, sinimulan ang ganitong mga pagdiriwang sa Medina pagkatapos ng paglipat ni Muhammad mula sa Mecca. Nagsaysay si Anas, isang kilalang kasama ng Propeta na nang dumating ang Propeta sa Medina, natuklasan niya ang mga taong nagdiriwang ng dalawang tiyak na araw kung kailan naglilibang-libang sila. Dahil dito, sinabi ng Propeta na ang Makapangyarihan-sa-lahat ay nagtakda ng dalawang araw ng kasiyahan sa halip ng mga ito para sa inyo na mas mabuti pa: Eid al-Fitr at Eid al-Adha.[7]

Pangkalahatang ritwal

baguhin

Kaugalian na nagsisimula ang Eid al-Fitr sa paglubog ng araw sa gabi ng unang pagkakita ng gasuklay na buwan. Kung hindi naobserbahan ang buwan kara-karaka pagkatapos ng ika-29 na araw ng nakaraang buwang lunar (dahil natatabingan ng mga ulap o masyado pang maliwanag ang kanulurang kalangitan pagkalubog ng buwan), ipagdiriwang ang pista sa susunod na araw.[8] Isa hanggang tatlong araw na ipinagdiriwang ang Eid al-Fitr, depende sa bansa.[9] Pinagbabawalang mag-ayuno sa Araw ng Eid, at hinirang ang isang tiyak na panalangin para sa araw na ito.[10] Bilang sapilitang pagkakawanggawa, binibigyan ng pera ang mga mahihirap at nangangailangan (Arabe: Zakat-ul-fitr) bago magdasal.[11]


Panalangin sa Eid at eidgah

baguhin

Nagagampanan ang panalangin sa Eid sa kongregasyon sa mga bukas na lugar tulad ng mga parang, sentro ng pamayanan, o moske.[9] Walang panawagan upang magdasal para sa panalanging Eid na ito, at binubuo lamang ito ng dalawang bahagi ng dasal na may pabagu-bagong halaga ng mga Takbir at iba pang elemento ng panalangin depende sa sinusundang pangkat ng Islam. Ang panalangin sa Eid ay sinusundan ng sermon at pagkatapos isang pagsusumamo upang humingi ng tawad mula kay Allah, awa, kapayapaan at pagpapala para sa lahat ng mga nabubuhay sa buong mundo. Itinatagubilin din ng sermon sa mga Muslim ang pagsasagawa ng mga ritwal ng Eid tulad ng zakat.[12] Nagaganap ang sermon ng Eid pagkatapos ng panalangin sa Eid, di-katulad sa pagdarasal sa Biyernes na nauuna sa panalangin. Pinaniniwalaan ng ilang imam na opsyonal ang pakikinig sa sermon sa Eid.[13] Matapos manalangin, binibisita ng mga Muslim ang kani-kanilang mga kamag-anak, kaibigan, at kakilala o nagdaraos ng mga malalaking pangkomunidad na pagdiriwang sa mga bahay, sentro ng pamayanan, o upahang bulwagan.[9]

 
Maraming Muslim ang nagdadala ng mga alpombra sa Moske sa Eid al-Fitr.

Paraan sa Sunismo

baguhin

Gaya ng idinikta sa ritwal, pinupuri ng mga Sunni si Allah sa malakas na tinig habang papunta sa pagpanalanginan ng Eid: Allāhu Akbar, Allāhu Akbar, Allāhu Akbar. Lā ilāha illà l-Lāh wal-Lāhu akbar, Allahu akbar walil-Lāhi l-ḥamd. Humihinto ang pagbigkas pagdating sa lugar o kapag sinimulan ng Imam ang mga aktibidad.[14]

Nagsisimula ang dasal sa paggawa ng "Niyyat" para sa dasal tapos sinasabi ang Takbir ng Imam at kanyang mga tagasunod. Pagkatapos ay binibigkas ang "Takbeer-e-Tehreema" na sinusundan ng Allahu Akbar nang tatlong beses, habang itinataas ang mga kamay sa tainga at ibinababa sa bawat pagkakataon, maliban sa huli kung kailan nakatiklop ang mga kamay. Pagkatapos, binabasa ng Imam ang Surah-e-Fatiha at iba pang Surah. Matapos nito, isinasagawa ng kongregasyon ang Ruku at Sujud tulad ng mga ibang panalangin. Kinukumpleto nito ang unang rakat. Nagsisitayo ang kongregasyon at nagtutuklop ng kani-kanilang kamay para sa ikalawang rakat kung kailan binibigkas ng Imam ang Surah Fatiha at isa pang Surah. Pagkatapos nito, binubulalas ang tatlong Takbir bago ang Ruku, tuwina'y itinataas ang mga kamay sa tainga at ibinababa. Sa ikaapat na beses, sinasabi ng kongresyon ang Allah o Akbar at sinusundan ng Ruku. Kinukumpleto ang natitirang bahagi ng panalangin sa karaniwang paraan. Kinukumpleto nito ang panalangin sa Eid. Matapos ang panalangin mayroong khutbah.[15]

 
Eid al-Fitr, sa Iran (1984)

Paraan sa Shiismo

baguhin

Nagsisimula ang panalangin sa Niyyat kasunod ng limang Takbir. Sa bawat Takbir ng unang rakat, binibigkas ang isang espesyal na Dua. Pagkatapos, binibigkas ng Imam ang Sūrat al-Fātiḥah at Surat Al-'A`lá at isinasagawa ng kongregasyon ang Ruku at Sujud tulad ng mga ibang panalangin. Sa ikalawang Rakat, inuulit ang mga nakaraang hakbang (limang Takbeer, Sūrat al-Fātiḥah at Surat Al-'A`lá, Ruku at Sujud). Matapos ang panalangin, nagsisimula ang Khutbah.[16]

Sa Kalendaryong Gregoryano

baguhin

Kahit na laging pare-pareho ang petsa ng Eid al-Fitr sa kalendaryong Islamiko, mas maaga ang pagpatak ng petsa sa kalendaryong Gregoryano ng humigit-kumulang na 11 araw sa bawat kasunod na taon, dahil nakasalig sa buwan ang kalendaryong Islamiko at nakasalig sa araw ang kalendaryong Gregoryano. Kaya kung pumatak ang Eid sa unang sampung araw ng isang taon sa kalendaryong Gregoryano, magkakaroon ng ikalawang Eid sa huling sampung araw ng taong iyon sa kalendaryong Gregoryano, katulad ng nangyari noong 2000 CE. Maaaring mag-iba-iba ang petsang Gregoryano sa bawat bansa batay sa bisibilidad ng bagong buwan sa lokalidad. Sinusunod ng iilang dayuhang komunidad ng mga Muslim ang mga petsang itinakda sa kanilang inang bayan, habang sinusunod ng mga iba ang lokal na petsa ng kanilang bansa ng paninirahan.

Ipinapakita ng sumusunod na talahanayan ang mga hinulaang petsa at inanunsyong petsa batay sa mga pagkakita ng bagong buwan para sa Saudi Arabia.[1][17]

Mga kamakailang petsa ng Eid al-Fitr sa Saudi Arabia
Taong Islamiko Hula ng Umm al-Qura Aunsyo ng Mataas na Sangguniang Hukuman
ng Saudi Arabia
1415 Ika-3 ng Marso 1995 Ika-3 ng Marso 1995
1416 Ika-20 ng Pebrero 1996 Ika-20 ng Pebrero 1996
1417 Ika-9 ng Pebrero 1997 Ika-9 ng Pebrero 1997
1418 Ika-30 ng Enero 1998 Ika-30 ng Enero 1998
1419 Ika-19 ng Enero 1999 Ika-19 ng Enero 1999
1420 Ika-8 ng Enero 2000 Ika-8 ng Enero 2000
1421 Ika-27 ng Disyembre 2000 Ika-27 ng Disyembre 2000
1422 Ika-16 ng Disyembre 2001 Ika-16 ng Disyembre 2001
1423 Ika-5 ng Disyembre 2002 Ika-5 ng Disyembre 2002
1424 Ika-25 ng Nobyembre 2003 Ika-25 ng Nobyembre 2003
1425 Ika-14 ng Nobyembre 2004 Ika-13 ng Nobyembre 2004
1426 Ika-3 ng Nobyembre 2005 Ika-3 ng Nobyembre 2005
1427 Ika-23 ng Oktubre 2006 Ika-23 ng Oktubre 2006
1428 Ika-13 ng Oktubre 2007 Ika-12 ng Oktubre 2007
1429 Ika-1 ng Oktubre 2008 Ika-30 ng Setyembre 2008
1430 Ika-20 ng Setyembre 2009 Ika-20 ng Setyembre 2009
1431 Ika-10 ng Setyembre 2010 Ika-10 ng Setyembre 2010
1432 Ika-30 ng Agosto 2011 Ika-30 ng Agosto 2011
1433 Ika-19 ng Agosto 2012 Ika-19 ng Agosto 2012
1434 Ika-8 ng Agosto 2013 Ika-8 ng Agosto 2013
1435 Ika-28 ng Hulyo 2014 Ika-28 ng Hulyo 2014
1436 Ika-17 ng Hulyo 2015 Ika-17 ng Hulyo 2015
1437 Ika-6 ng Hulyo 2016 Ika-6 ng Hulyo 2016
1438 Ika-25 ng Hunyo 2017 Ika-25 ng Hunyo 2017
1439 Ika-15 ng Hunyo 2018 Ika-15 ng Hunyo 2018[18]
1440 Ika-4 ng Hunyo 2019 Ika-4 ng Hunyo 2019[19]
1441 Ika-24 ng Mayo 2020 Ika-24 ng Mayo 2020 [20]
1442 Ika-13 ng Mayo 2021
1443 Ika-2 ng Mayo 2022
1444 Ika-21 ng Abril 2023
1445 Ika-10 ng Abril 2024
1446 Ika-30 ng Marso 2025
1447 Ika-20 ng Marso 2026
1448 Ika-9 ng Marso 2027
1449 Ika-26 ng Pebrero 2028
1450 Ika-14 ng Pebrero 2029

Galerya

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "The Umm al-Qura Calendar of Saudi Arabia". Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hunyo 2011. Nakuha noong Marso 7, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Gregorian vs Hijri Calendar". islamicfinder.org. Nakuha noong 4 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gent, R.H. van. "The Umm al-Qura Calendar of Saudi Arabia – adjustment". Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 23, 2015. Nakuha noong Hulyo 22, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Elias, Jamal J. (1999). Islam. Routledge. p. 75. ISBN 0415211654.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Eid al-Fitr and the six supplementary fasts of Shawwal". Inter-islam.org. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 26, 2013. Nakuha noong Agosto 11, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Namaz (prayer) Eid Fitr Naka-arkibo 13 February 2018 sa Wayback Machine. yjc.ir Nakuha noong Hunyo 4, 2018
  7. Ahmad ibn Hanbal, Musnad, vol. 4, 141–142, (no. 13210).
  8. Adewunmi, Bim. "When is Eid 2014? It could be Monday or Tuesday, it might be Sunday". The Guardian. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 26, 2014. Nakuha noong Hulyo 25, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 "Eid al-Fitr 2019: Everything you need to know". Al Jazeera. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 3, 2019. Nakuha noong Hunyo 4, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Heiligman, Deborah. Celebrate Ramadan and Eid al-Fitr with Praying, Fasting, and Charity. National Geographic Children's Books. ISBN 978-0792259268.
  11. "Articles and FAQs about Islam, Muslims". Islamicfinder.org. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 28, 2013. Nakuha noong Agosto 11, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Gaffney, Patrick D. "Khutba." Encyclopedia of Islam and the Muslim World. p. 394.
  13. "Eid Gebete". Diegebetszeiten.de (sa wikang Aleman). Enero 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Mufti Taqi Usmani. "Shawwal: On Eid Night, Eid Day, and During the Month". Albalagh.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Agosto 2013. Nakuha noong 11 Agosto 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "نحوه خواندن نماز عید فطر در اهل سنت". mizanonline. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 25, 2018. Nakuha noong Disyembre 12, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Eid al-Fitr prayer in Shia Islam". fardanews. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 16, 2019. Nakuha noong Disyembre 12, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Gent, R.H. van. "The Umm al-Qura Calendar of Saudi Arabia – adjustment". Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 23, 2015. Nakuha noong Hulyo 22, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Saudi confirms start Eid al-Fitr Naka-arkibo 4 June 2019 sa Wayback Machine., Gulf Business
  19. Announced Eid al-Fitr in Saudi on Tuesday Naka-arkibo 4 June 2019 sa Wayback Machine., Gulf News
  20. "Iran calendar" (PDF). calendar.ut.ac. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2020-05-25. Nakuha noong 2020-05-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)