Kinaltas na Kabanata ng Noli me Tangere

(Idinirekta mula sa Elias at Salome)

Ang Elias at Salome;[1][2] ay ang dating nawawalang kabanata ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Sa mga siping kinapapalooban nito, karaniwang ito ang ibinibilang na ika-dalawampu't limang kabanata ng aklat. Sa mga makabagong sipi, kalimitang nauuna ito sa Sa Tahanan ng Pilosopo at Katapusan ng Noli, o idinaragdag sa huli o sa apendiks ng aklat. Karaniwang pinapaniwalaang hindi ito nasama sa orihinal na paglilimbag dahil kinulang si Rizal ng pambayad sa pagpapalimbag, kaya't kinailangang bawasan ang mga kabanata ng nobela. Nang natagpuan ang orihinal na manuskrito, nakita ang kabanatang ito na may malaking ekis, kung kaya't binansagan itong "Kabanata X" ("Kabanatang ekis", hindi kabanata bilang 10 bagkus isang kabanatang tinaggal mula sa orihinal na manuskrito; sapagkat hindi nalalamang ganap kung paano ang dapat na pagkakahanay nito sa Noli), isa ring dahilan kung bakit idinaragdag din ito sa bahaging apendiks (kung mayroon) ng aklat. Sa salin ni María Soledad Lacson-Locsin, na may dagdag ni Raul L. Locsin, ito ang pangdalawampu't limang kabanata.[1][3]

Ang Noli Me Tangere ni Jose Rizal


Ito ang buod ng nawawalang kabanata sa Noli Me Tangere ni Jose Rizal:[1][2]

Nawawalang Kabanata: Elias at Salome

baguhin

Kung hindi nag-iba ng landasin ang mga guwardiya sibil, maaaring natagpuan nila ang taong kanilang hinahanap, sa isang dampang nakalagak sa mataas na pook sa may baybayin ng isang lawa. Naroon sa batalan ng kubo si Salome, ang dalagang nanahi. Dumating si Elias, ang piloto ng bangkang hanap ng mga Kastilang guwardiya sibil. Sa buong akala ni Salome, lilitaw si Elias mula sa lawa, subalit hindi ito ang nangyari dahil sa nakakilala kay Elias. Napag-usapan ng dalawang nagsusuyuan sina Crisostomo Ibarra at si Maria Clara na anak ni Kapitan Tiago. Nagkaroon ng pamamaalam. Lilisanin ni Elias ang pook, at ibig ding umalis ni Salome upang manirahang kapiling ng mga kamag-anak sa Mindoro. Kung hindi lamang sa kanilang mga kapalaran, maaaring matagal nang nagpakasal ang dalawang magkaibigan sa puso. Ibig sanang makapiling ni Salome si Elias, na samahan siya nito sa paglipat sa Mindoro, subalit walang kalayaan si Elias na gawin ito dahil sa mga kaganapan noong araw na iyon bago sila muling magkita. Hiniling ni Elias na pahalagahan ni Salome ang ari pa nitong kabataan at kagandahan upang makakita ng kapalit ni Elias para maging kaisang-dibdib. Hinikayat naman ni Salome, na sa kaniyang paglayo, na gamitin ni Elias ang tahanan ni Salome bilang kaniyang tirahan at tulugan, bilang pagaalala nila sa isa’t isa habang magkalayo. Isang gawaing maituturing ni Salome sapat na upang maituring na magkasama pa silang dalawa sa kabila ng kanilang magiging pagkakalayo sa isa’t isa. Sa halip, kumalas si Elias sa pagkakayap kay Salome. Mabilis siyang lumiwas at naglaho sa mga anino ng mga puno. Sinundan lamang ni Salome ng tanaw ang papalayong si Elias, nakikinig sa mga humihina nang mga yabag ng lalaking kaibigan.

Sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Elias and Salome, Noli Me Tangere ni José Rizal, isinalin ni María Soledad Lacson-Locsin, may mga dagdag ni Raul L. Locsin, Palimbagan ng Pamantasan ng Hawaii, 1997, ISBN 0824819179 at ISBN 9780824819170, 452 mga pahina, Books.Google.com
  2. 2.0 2.1 Elias at Salome (Chapter 25: Elias and Salome), Kalimitang wala ito sa karamihan ng mga sipi ng Noli Me Tangere. Isinalin ito mula sa Kastila patungong Ingles ni Ma. Soledad Lacson-Locsin. Nagmula ang pahina ng siping ito kay Carl Viegelmann, Geocities.com Padron:En icon
  3. Tala ng Mga Nilalaman (Contents) ng Noli Me Tangere ni José Rizal, isinalin ni María Soledad Lacson-Locsin, may mga dagdag ni Raul L. Locsin, Palimbagan ng Pamantasan ng Hawaii, 1997, ISBN 0824819179 at ISBN 9780824819170, 452 mga pahina, Books.Google.com Padron:En icon

Bibliyograpiya

baguhin

Tingnan din

baguhin