Eliseo
Si Eliseo (Ingles at Ebreo: Elisha)[1] ay isang propeta at manggagawa ng milagro na binabanggit sa Hudyo-Kristiyanong Bibliya at sa Koran ng mga Muslim. Bilang propeta sa Islam, siya karaniwang kilala sa kaniyang pangalang Arabe na Alyasa.
Talambuhay
baguhinSi Eliseo ay anak ni Shapat ng Abel-meholah; siya ay naging alalay at disipulo ni Elias (3 Hari 19: 16–19), at matapos si Elias na higupin ng ipu-ipo, siya ay hinirang bilang pinuno ng mga anak ng mga propeta, at naging bantog sa Israel. Nagtaglay siya, dahil sa kaniyang sariling hiling, ng "dobleng piraso" ng espiritu ni Elias (4 Hari 2:9); at sa loob ng animnapung taon, siya ang nagsilbing "propeta ng Israel" (4 Hari 5:8).
Pagpapalutang ng ulo ng palakol sa Ilog Hordan
baguhinNang dumating ang mga alagad ng mga propeta, sila'y dumating sa Ilog Hordan, sila'y nagsiputol ng kahoy.Nguni't samantalang ang isa'y pumuputol ng isang puno, ang ulo ng palakol ay nalaglag sa tubig: at siya'y sumigaw, at nagsabi, oh hindi, panginoon ko! sapagka't nahiram.Sinabi ni Eliseo, Saan nalaglag? itinuro niya kay Eliseo ang lugar kung saan ito nahulog. Si Eliseo ay pumutol ng isang patpat, at inihagis doon, at pinalutang ang ulo ng palakol.Sinabi ni Eliseo, damputin mo. Ang alagad ay lumapit at dinampot ito.(2 Hari 6:1-7)
Pagbulag ni Eliseo sa hukbo ng mga Arameo
baguhinPag-akyat ni Elias sa langit
baguhinPagkatapos umakyat ni Elias sa langit sa pamamagitan ng ipo-ipo. Kinuha ni Eliseo ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at siya'y bumalik, at tumayo sa tabi ng pangpang ng Jordan.
Paghati sa tubig ng Ilog Hordan at tumawid
baguhinKinuha ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at hinampas ang tubig, at sinabi, Saan nandoon ang Panginoon, ang Diyos ni Elias? at nang kaniyang mahampas naman ang tubig, ay nahawi dito at doon: at si Eliseo ay tumawid.
Pagsumpa at Pagpapalapa sa 42 bata ng 2 oso dahil tinawag ng mga bata si Eliseo na kalbo
baguhinUmahon sa Bethel si Eliseo at samantalang siya'y umaahon sa daan, may nagsilabas sa bayan na mga bata, at tinuya siya, at sinabi nila sa kaniya, Umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo; umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo.At siya'y lumingon sa likuran niya, at nangakita niya, at sinumpa niya sila sa pangalan ng Panginoon. At doo'y lumabas ang dalawang osong babae sa gubat, at lumapa ng apat na pu't dalawang bata sa kanila.(2 Hari 2:23-24)
Pagsisinungaling ni Eliseo kay Benhadad at pagpatay ni Hazael kay Ben-hadad
baguhinAyon sa 2 Hari 8, si Ben-hadad ay nagkasakit at sinugo ang kanyang alipin na si Hazael na kumonsulta kay Eliseo kung siya ay gagaling. Si Hazael ay nagkipagtagpo kay Eliseo na may dalang regalo ng bawa't mabuting bagay sa Damasco, na 40 pasang kamelyo at naparoon at tumayo sa harap Eliseo, at nagsabi, Sinugo ako sa iyo ng anak mong si Ben-adad na hari sa Sirya, na sinasabi, Gagaling ba ako sa sakit na ito? At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Ikaw ay yumaon at sabihin mo sa kanya, "Ikaw ay tiyak na gagaling gayon ma'y inihayag sa akin ng Panginoon na siya'y talagang mamatay?" (2 Hari 8:9-10) Sinabi ni Hazael, Bakit umiyak ang panginoon ko? At siya'y sumagot, Sapagka't talastas ko ang kasamaan na iyong gagawin sa mga anak ni Israel: ang kanilang mga katibayan ay iyong sisilaban ng apoy, at ang kanilang mga binata ay iyong papatayin ng espada, at mga pagpuputol-putulin ang kanilang mga munting bata, at iyong paluluwain ang bituka ng mga babaeng buntis.At sinabi ni Hazael, Nguni't ano ang iyong lingkod na isang aso lamang na kaniyang gagawin ang dakilang bagay na ito? At sumagot si Eliseo, Ipinakilala sa akin ng Panginoon, na ikaw ay magiging hari sa Sirya.Nilisan ni Hazael si Eliseo tumungo sa kanyang kaniyang panginoon na nagsabi sa kaniya, Ano ang sabi ni Eliseo sa iyo? At siya'y sumagot, Kaniyang sinabi sa akin na ikaw ay tiyak na gagaling.At nangyari, nang kinabukasan, na kaniyang kinuha ang munting kumot at binasa sa tubig, at itinakip sa kanyang mukha kaya siya'y namatay at si Hazael ay naghari na kahalili niya.(2 Hari 8:12-15)
Salungat dito, ayon sa 1 Hari 19:15, si Elias na matagal nang namatay ang nagpahid kay Hazael na maging hari ng Sirya.
Mga milagro
baguhinPagpaparami ng langis ng isang babaeng balo
baguhinSumigaw kay Eliseo ang isang babae na isa sa mga asawa ng mga anak ng mga propeta, na nagsasabi, ang iyong lingkod na aking asawa ay patay na: at iyong talastas na ang iyong lingkod ay natakot sa Panginoon: at ang pinagkautangan ay naparito upang kuning alipinin niya ang aking dalawang anak.At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Anong gagawin ko sa iyo? saysayin mo sa akin; anong mayroon ka sa bahay? At sinabi niya, Ang iyong lingkod ay walang anomang bagay sa bahay liban sa isang palayok na langis.Nang magkagayo'y sinabi niya, ikaw ay yumaon, manghiram ka ng mga sisidlan sa labas sa lahat ng iyong mga kapitbahay, sa makatuwid baga'y ng mga walang lamang sisidlan; huwag kang manghiram ng kaunti. At ikaw ay papasok, at ikaw at ang iyong mga anak ay magsasara ng pintuan, at iyong ibubuhos ang langis sa lahat ng sisidlang yaon; at iyong itatabi ang mapuno.Sa gayo'y nilisan niya siya, at siya at ang kaniyang mga anak ay nagsara ng pintuan; kanilang dinala ang mga sisidlan sa kaniya, at kaniyang pinagbuhusan. At nangyari, nang mapuno ang mga sisidlan, na kaniyang sinabi sa kaniyang anak, Dalhan mo pa ako ng isang sisidlan. At sinabi niya sa kaniya: Wala nang sisidlan na natira. At ang langis ay tumigil.Nang magkagayo'y naparoon siya, at kaniyang isinalaysay sa lalake ng Diyos. At kaniyang sinabi, ikaw ay yumaon, ipagbili mo ang langis, at bayaran mo ang iyong utang, at mabuhay ka at ang iyong mga anak sa nalabi.(2 Hari 4:1-7)
Milagrosong kapanganakan at pagbuhay sa patay na batang lalake
baguhinSi Eliseo ay nagdaan sa Shunem, na kinaroroonan ng isang dakilang babae; at pinilit siya niya na kumain ng tinapay. At nagkagayon, na sa tuwing siya'y daraan doon ay lumiliko roon upang kumain ng tinapay.At sinabi niya sa kaniyang asawa, Narito ngayon, aking nahahalata na ito'y isang banal na lalake ng Dios na nagdadaan sa ating palagi.Isinasamo ko sa iyo na tayo'y gumawa ng isang maliit na silid sa pader; at ating ipaglagay siya roon ng isang higaan, at ng isang dulang, at ng isang upuan, at ng isang kandelero: at mangyayari, pagka siya'y dumarating sa atin, na siya'y papasok doon. At nangyari, isang araw, na siya'y dumating doon, at siya'y lumiko na pumasok sa silid, at nahiga roon.At sinabi niya kay Gehazi na kaniyang lingkod, Tawagin mo ang Sunamitang ito. At nang matawag niya, siya'y tumayo sa harap niya. At sinabi niya sa kaniya, Sabihin mo ngayon sa kaniya, Narito, ikaw ay naging maingat sa amin ng buong pagiingat na ito; ano nga ang magagawa sa iyo? ibig mo bang ipakiusap kita sa hari, o sa punong kawal ng hukbo? At siya'y sumagot, Ako'y tumatahan sa gitna ng aking sariling bayan.At kaniyang sinabi, Ano nga ang magagawa sa kaniya? At sumagot si Gehazi. Katotohanang siya'y walang anak, at ang kaniyang asawa ay matanda na. At kaniyang sinabi, Tawagin siya. At nang kaniyang tawagin siya, siya'y tumayo sa pintuan. At kaniyang sinabi, Sa panahong ito, pagpihit ng panahon, ikaw ang kakalong ng isang anak na lalake. At kaniyang sinabi, Hindi panginoon ko, ikaw na lalake ng Dios huwag kang magsinungaling sa iyong lingkod.At ang babae ay naglihi, at nanganak ng isang lalake nang panahong yaon, nang ang panahon ay makapihit gaya ng sinabi ni Eliseo sa kaniya.At nang lumaki ang bata ay nangyari, isang araw, nang siya'y umalis na patungo sa kaniyang ama, sa mga manggagapas. At kaniyang sinabi sa kaniyang ama, Ulo ko, ulo ko. At sinabi niya sa kaniyang bataan, Dalhin mo siya sa kaniyang ina. At nang kaniyang makuha siya at dalhin siya sa kaniyang ina, siya'y umupo sa kaniyang tuhod hanggang sa katanghaliang tapat, at nang magkagayo'y namatay. At siya'y pumanhik at inihiga siya sa higaan ng lalake ng Dios, at pinagsarhan niya ng pintuan siya, at lumabas. At kaniyang dinaingan ang kaniyang asawa, at nagsabi, Isinasamo ko sa iyo na iyong suguin sa akin ang isa sa iyong mga bataan, at ang isa sa mga asno, upang aking takbuhin ang lalake ng Dios, at bumalik uli.At kaniyang sinabi, Bakit paroroon ka sa kaniya ngayon? hindi bagong buwan o sabbath man. At kaniyang sinabi, Magiging mabuti.Nang magkagayo'y siniyahan niya ang isang asno, at nagsabi sa kaniyang bataan, Ikaw ay magpatakbo, at magpatuloy; huwag mong pahinain ang pagpapatakbo sa akin, malibang sabihin ko sa iyo. Sa gayo'y yumaon siya at naparoon sa lalake ng Dios sa bundok ng Carmelo. At nangyari, nang makita siya ng lalake ng Dios sa malayo, na kaniyang sinabi kay Giezi na kaniyang lingkod, Narito, nandoon ang Sunamita:Tumakbo ka, isinasamo ko sa iyo ngayon, na salubungin siya, at iyong sabihin sa kaniya, Mabuti ka ba? mabuti ba ang iyong asawa? mabuti ba ang bata? At siya'y sumagot, Mabuti.At nang siya'y dumating sa lalake ng Dios sa burol, siya'y humawak sa kaniyang mga paa. At lumapit si Giezi upang ihiwalay siya; nguni't sinabi ng lalake ng Dios: Bayaan siya; sapagka't siya'y namamanglaw; at inilihim ng Panginoon sa akin, at hindi isinaysay sa akin. Nang magkagayo'y sinabi niya, Ako ba'y humiling ng isang anak sa aking panginoon? di ba sinabi ko, Huwag mo akong dayain?Nang magkagayo'y sinabi niya kay Giezi, Bigkisan mo ang iyong mga balakang, at tangnan mo ang aking tungkod sa iyong kamay, at yumaon ka ng iyong lakad: kung ikaw ay makasasalubong ng sinomang tao, huwag mo siyang batiin; at kung ang sinoman ay bumati sa iyo, huwag mo siyang sagutin: at ipatong mo ang aking tungkod sa mukha ng bata.At sinabi ng ina ng bata, Buháy ang Panginoon, at buháy ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. At siya'y tumindig, at sumunod sa kaniya.At si Giezi ay nagpauna sa kanila, at ipinatong ang tungkod sa mukha ng bata; nguni't wala kahit tinig, o pakinig man. Kaya't siya'y bumalik na sinalubong siya, at nagsaysay sa kaniya, na nagsabi, Ang bata'y hindi magising.At nang si Eliseo ay dumating sa bahay, narito, ang bata'y patay, at nakahiga sa kaniyang higaan.Siya'y pumasok nga at sinarhan ang pintuan sa kanilang dalawa, at dumalangin sa Panginoon.At siya'y sumampa, at dumapa sa ibabaw ng bata, at idinikit ang kaniyang bibig sa bibig niya, at ang kaniyang mga mata sa mga mata niya, at ang kaniyang mga kamay sa mga kamay niya: at siya'y dumapa sa kaniya; at ang laman ng bata ay uminit. Nang magkagayo'y bumalik siya, at lumakad sa bahay na paroo't parito na minsan; at sumampa, at dumapa sa ibabaw niya: at ang bata'y nagbahing makapito, at idinilat ng bata ang kaniyang mga mata. At tinawag niya si Giezi, at sinabi, Tawagin mo ang Sunamitang ito. Sa gayo'y tinawag niya siya. At nang siya'y pumaroon sa kaniya, sinabi niya, Kalungin mo ang iyong anak. Nang magkagayo'y pumasok siya at nagpatirapa sa kaniyang mga paa, at yumukod sa lupa; at kinalong niya ang kaniyang anak, at umalis.(2 Hari 4:8-36)
Pagpaparami ng 20 tinapay na nagpakain sa 100 tao
baguhinAt dumating ang isang lalake na mula sa Baal-salisa, at nagdala sa lalake ng Diyos ng dalawang pung tinapay na sebada na hinurno mula sa unang hinog na butil kasama ng ilang mga ulo ng isang bagong butil. At kaniyang sinabi, Ibigay mo sa bayan, upang kanilang makain.At sinabi ng kaniyang lingkod: Ano, ilalapag ko ba ito sa harap ng isang daang tao? Nguni't kaniyang sinabi, Ibigay sa bayan upang kanilang makain; sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Sila'y kakain, at marami pang matitira. Sa gayo'y inilapag niya sa harap nila, at sila'y nagsikain, at nagsipagtira niyaon, ayon sa salita ng Panginoon.(2 Hari 4:42-44)
Pagpapagaling sa ketong ni Naaman at paglipat ng ketong ni Naaman kay Gehazi
baguhinPinagaling ni Eliso ang komandanteng Siryo ni si Naaman sa ketong nito ngunit pinarasuhan ang sariling alipin ni Eliseo na si Gehazi na nagnakaw kay Naaman. Inilipat ni Eliseo ang ketong ni Naaman kay Gehazi na "may ketong na kasing puti ng niyebe".(2 Hari 5:27)
Muling pagkabuhay ng isang patay lalake dahil sa pagdikit sa mga buto ni Eliseo
baguhinNamatay si Eliseo, at kanilang inilibing siya. Ang mga mananalkay na Moabita ay nagsilusob sa Israel kada tagsibol. Habang nililibing ng mga Israelita ay isang lalake, bigla nilang nakita ang isang pulutong ng mga manunusob kaya itinapon nila ang patay na katawan ng lalake sa libingan ni Eliseo at nang ito ay dumikit sa mga buto ni Eliseo, ang lalake ay nabuhay at tumayo sa kanyang mga paa.(2 Hari 13:20-21)
Bagong Tipan
baguhinAyon kay Hesus,
Islamikong Pananaw
baguhinSi Eliseo (Arabe: Al-Yasha) ay isang Islamikong propeta na nababanggit sa Koran. Kinikilala siya ng mga Muslim bilang kahaliling propeta ni Elias (3 Hari 19:16), na kilala sa Islam bilang Ilyas. Tinatala ng Koran si Elisha bilang isang kasapi ng "samahan ng mabubuti,"[2] at saka bilang isang "taong pinahahalagahang higit pa sa lahat ng mga bayan."[3] Pinaniniwalaan ng mga eksperto ng Klasikong Islam na ang kaangkanan ni Elias sa pamamagitan ng kaniyang ama, na sa tradisyong Islamiko ay pinangalanang Ukhtub, ay mababakas sa mga supling ni Aaron.[4]
Ang puntod ni Eliseo ay pinaniniwalaan ng ilang mga Muslim na matatagpuan sa baryo ng Al-Awjam, ngunit ito ay hindi pa tuluyang napapatunayan.
Tignan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Sa Silanganing Ortodoksiya siya ay kilala bilang Saint Eliseus, at sa ilang mga Katoliko Romano bilang Eliseus; gayumpaman, ang wastong anyo ng pangalan niya sa Ingles ay laging "Elisha", nakaugalian na mula pa noong pagkalathala ng Bibliyang King James.
- ↑ Koran 38:48
- ↑ Koran 6:86
- ↑ Stories of The Prophets, Ibn Kathir, The Story of Elisha.