Enerhiya sa Aserbayan
Inilalarawan ng enerhiya sa Aserbayan ang produksyon, pagkonsumo, at pagluwas ng enerhiya at kuryente sa Aserbayan.
Kasaysayan
baguhinItinayo ang plantang hidroelektriko ng Araz na may kabuuang kapasidad na 22 MW noong 1970, ang plantang hidroelektriko ng Tartar na may kabuuang kapasidad ng 50 MW noong 1976 at plantang hidroelektriko ng Shamkir na may kabuuang kapasidad na 380 MW noong 1982.[1]
Noong panahong iyon, sistematikong binuo ang mga elektrikong kalagatan, kasama ang pagtatayo ng mga planta dekuryente, at nilikha ang sistema ng napapanatiling enerhiya ng bansa. Sa mga taong iyon, naipatakbo ang "Ali Bayramli" plantang initan na may 330 kV – "Aghdam – Ganja – Aghstafa", "Ali Bayramli – Yashma – Derbent", Ika-5 Mingachevir, 500kV Ika-1 at Ika-2 Absheron, "Mukhranis – Vali" at ibang linya ng kuryente, "Yashma", "Ganja", "Agstafa" na may 330/110/10 kV, Imishli na may 330/110/10 kV, Absheron na may 500/330/220 kV, "Hovsan", "Nizami", "Mushfig", "Sangachal", "Masalli", "Agsu" at "Babek" na may 220/110/10 elektrikong kubhimpilan.[2]
Ipinagkaloob ang utang na may halagang $53 milyon sa Azerbaijan ng Europeong Bangko ng Mulinyari at Kaunlaran para sa pagtatayo ng plantang hidroelektriko ng Yenikend (HPD ng Yenikend) noong Disyembre 1995, at itinayo ang HPD ng Yenikend na may kabuuang kapasidad ng 150 MW.[3]
Isinakatuparan ang mulinyari ng plantang hidroelektriko ng Mingachevir, kubhimpilang 330 kV Aghjabadi at 110 kV Barda, at 330kV Plantang Initan ng Azerbaijan - 330 kV linya ng paghahatid ng "Agjabadi-Imishli" sa gastos ng Europeong Bangko ng Mulinyari at Kaunlaran at ang Islamikong Bangko sa Pag-uunlad.[kailangan ng sanggunian]
Kinomisyon noong 2002 ang dalawang yunit ng turbinang gasolina na may tig-53.5 MW na kapasidad sa plantang initan ng Baku sa gastos ng Alemanong bangko - Bayerische Landesbank Girozentrale, at isang plantang singaw na gas na 400MW ng "Shimal" sa gastos ng Haponesang Bangko ng Pandaigdigang Kooperasyon.[4]
Noong Pebrero 14, 2005, inaprubahan ng pinuno ng estado ang Programa ng Estado sa "Pagpapaunlad ng Hugnayan ng Sunugin at Enerhiya (2005-2015) sa Republika ng Azerbaijan".[5]
Lahatang binayaran ang pangangailangang elektrisidad ng ekonomiya ng bansa ng 12 plantang initan tulad ng IPD ng Azerbaijan, IPD ng Shirvan, IPD ng Shimal, IPD ng Baku, IPD ng Nakhchivan, planta dekuryente ng Astara, Khachmaz, Sheki, Nakhchivan, Baku, Quba, Sangachal, at 6 na tubigang planta dekuryente tulad ng, Mingechevir, Shamkir, Yenikend, Varvara, Araz, Vaykhir TPD. 5900 megawatts ang kabuuang kapasidad ng mga ito. Mananagot ang IPD ng 90 porsyento ng produksyon ng kuryente sa Azerbaijan, at plantang hidroelektriko para sa 10 porsiyento.[2]
Itinatag ang Ahensya ng Regulasyong Pang-enerhiya sa ilalim ng Ministro ng Enerhiya batay sa Kagawaran ng Enerhiya ng Estado at Pangangasiwa ng Gas ng Ministro ng Enerhiya ng Republika ng Aserbayan sa pamamagitan ng atas ng pangulo na may petsang Disyembre 22, 2017, at naaprubahan ang karta nito.[6]
Ayon sa Talatuntunan ng Pandaigdigang Trilema ng Enerhiya na binuo ng Pandaigdigang Konseho ng Enerhiya para sa 2017, kinuha ng Aserbayan ang ika-31 lugar (BBA) sa mga 125 bansa.[7]
Ayon sa ulat ng Talatuntunan ng Pagganap sa Pandaigdigang Arkitektura noong 2017, na pinagsama-sama ng Pandaigdigang Pagtitipon Pang-ekonomika, niranggo ang Azerbaijan bilang ika-36 sa 127 bansa na may markang 0.67.[8]
Ayon sa ulat noong 2016 mula sa organisasyong nabanggit sa itaas, niranggo ang Aserbayan bilang ika-32 sa 126 bansa na may 0.68 puntos. 0.68 rin ang marka sa ekonomikang paglago at pag-unlad, 0.57 ang puntos ng pagpapanatili ng kapaligiran, at 0.79 ang puntos sa access at seguridad ng enerhiya.[9]
Noong Abril 19, 2019, pumirma ng isang kontrata na nagkakahalaga ng $6 bilyon ang presidente ng SOCAR na si Rovnag Abdullayev at rehiyonal presidente ng BP para sa Aserbayan, Georgia, at Turkey, si Garry Johns. Pinagtibay ang huling desisyong pamumuhunan sa plataporma ng Azeri Central East (ACE), na pinlano na itatayo sa bloke ng Azeri-Chirag-Gunashli (ACG), sa seremonya ng paglagda. Naka-iskedyul na magsimula ang konstruksiyon sa 2019, at naka-iskedyul ang pagkumpleto sa kalagitnaan ng 2022.[10][11][12][13]
Langis
baguhin- Produksyon: - 931,990 bbl/d (148,175 m3/d) (2008)
- Pagkonsumo: - 160,000 bbl/d (25,000 m3/d) (2007)
Noong huling bahagi ng ika-20 siglo, responsable ang Aserbayan para sa kalahati ng produksyon ng langis sa mundo. Umaandar ang mga langisan sa Baku mula noong dekada 1840. Bago ang bantog na pagtuklas ng langis sa isang binarenang balon sa Pennsylvania ni Edwin Drake noong 1859, binarenahan ng Azerbaijan ang unang langisan nito sa Bibi-Heybat (paninirahan sa Baku) noong 1846. Mula noong unang bahagi ng ika-21 siglo, nagmula ang halos lahat ng produksyon sa baybayin ng Dagat Caspian. Isa lamang ang Aserbayan sa apat na dating Sobyetikang republika (kasama ang Rusya, Kasakistan, at Turkmenistan) na naging nagsasarili sa petrolyo. Gayunpaman, bumaba ang produksyon pagkatapos ng 1991 pagkalansag ng Unyong Sobyet hanggang sa nagbigay ang pamumuhunan ng dayuhan ng kapital para sa bagong pag-unlad, na nagbaligtad sa kalakaran noong 1998. Tumaas ang produksyon mula 194,000 bariles bawat araw (30,000 m3/d) sa 1998 hanggang naging 318,000 bariles bawat araw (50,6000 m3/d) ito sa 2004.
Ayon sa mga industriyang mamamahayag at mga sanggunian ng gobyerno, umabot ang mga napatunayan na reserbang langis noong 2004 mula 7 bilyon hanggang 13 bilyong bariles (2.1 x 109 m3). Nagplano ang Estadong Kumpanya ng Langis sa Aserbayan (SOCAR) para sa magkasamang pag-unlad ng mga langisang malayo sa pampang (na higit na hindi ginagamit ngayon) at pumasok sa ilang mga kasunduan upang bumuo ng tuberya ng langis. Halimbawa, magdadala ang isang proyektong kasama ang Kasunduan ng Tuberyang Kaspio ng langis mula sa Dagat Caspian patungo sa daungan ng Rusong Dagat Itim ng Novorossiysk. May kinalaman ang isa pang pakikitungo sa Turkey sa konstruksiyon ng isang 1,760 km tuberya, kung saan ikinabit ang simbolikong unang haba nito noong Setyembre 2002, upang maghatid ng langis-krudo mula sa Baku patungo sa Ceyhan, Turkey. Noong 1995, may 17 na mga langisang malayo sa pampang ang Azerbaijan sa produksyon. Sa kasalukuyan, responsable ang Guneshli, na mga 96 km mula sa baybayin ng Azeri, sa higit sa kalahati ng taunang produksyon. Sa pagtatapos ng 2002, nilagdaan ng 33 kumpanya mula sa 15 dayuhang bansa ang mga kasunduan upang palaguhin ang 21 pangunahing langisan sa Aserbayan. Mula noong 2003 patuloy na hinhadlangan ang pagpapaunlad sa reserbang iyon ng mga labanan tungkol sa mga karapatan ng langis sa baybayin sa Dagat Caspian.
Mula 1987 hanggang 1993, bumaba ang produksyon mula sa 13.8 milyong tonelada ng langis at 12.5 bilyong kubiko metro ng gas sa 10.3 milyong tonelada ng langis at 6.8 bilyong metro kubiko ng gas. Ang taunang antas ng pagbaba sa produksyon ay 7.1% para sa langis at 13.5% para sa gas. Bumaba ang galugaring pagbabarena nang 17 beses, o nang 170,000 metro, dahil 10,000 metro ito noong 1995 kumpara sa 1970.[2]
"Shah deniz-2"
baguhinAng "Shah Deniz-2" na estratehikong proyekto sa enerhiya ay proyektong panseguridad at pandibersipikasyon ng enerhiya.[14]
Pinirmahan ang kontrata ng Shah Deniz gas field noong 1996,[15] at itinayo ang unang tuberyang kumokonekta sa Dagat Caspian sa Georgianong bahagi ng babayin ng Dagat Itim noong 1999. Itinayo ang Baku-Tbilisi-Ceyhan, ang pangunahing tuberya sa pagluwas ng langis na nag-uugnay sa Dagat Caspian kasama ang Mediteraneo at internasyonal na mga merkado noong 2006[16], at ang Timugang Tuberya ng Gas noong 2007.[14][17][18][19]
Kaaninagan
baguhinNagpahayag ang ulat ng Britanikong Global Witness NGO noong 2013 na walang kaaninagan at pananagutan ang mga kumpanya na tumatakbo sa industriyang langis ng Aserbayan. Naitala na nawawala ang milyun-milyong dolyar ng kita sa mga kamay ng mga nakatagaong pribadong kumpanya na nakikipagtulungan sa SOCAR.[20][21]
Napagpasyahan ng ulat na "sistematiko" ang kalabuan ng mga panukalang kinamtan ng SOCAR at idinagdag, " Dapat pinag-aalahanan ang mga natuklasan ng buong internasyonal na komunidad. Sentral ang langis at ang mga hinangong produkto nito sa ekonomya ng Aserbayan, na bumubuo ng 95% ng mga luwas noong 2011. Mahalaga para sa Europa na panatilihin ng Aserbayan ang pagdadaloy ng langis at gas at nagpapanatili ng isang industriya na aninagan at pinapatakbo nang mahusay. Gayunpaman ipinapakita ng pagtatagubiling ito na nananatiling malabo ang karamihan sa mga negosyo ng langis sa Aserbayan, at itinuturing pa ring epidemikong antas ang katiwalian..."[21]
Natural gas
baguhinNaging mas mahalaga ang produksyon ng natural gas sa mga nakaraang taon, lalo na sa Baku, kung saan naubos na ang ilan sa mga langisan. Umabot sa 1.37 trilyong metro kubiko ang napatunayang reserba noong huling bahagi ng 2004. Umabot sa 17.66 bilyong kubiko metro naman ang produksyon ng natural gas noong 2011. Interesado ang Ukraine at Iran na magpatakbo ng isang tuberyang natural gas mula Aserbayan patungo sa Silangang Europa.
Noong Marso 10, 2016, nagsabi sa publiko si Natiq Aliyev, Asterbayaning ministro ng enerhiya, na may sapat na reserba ng gas ang Aserbayan upang punuin ang Timugang Koridor ng Gas o Southern Gas Corridor (SGC). Ang SGC ay isang proyektong enerhiya na may layuning ilipat ang 10 bilyong metro kubiko ng gas mula sa Aserbayan patungo sa Europa sa pamamagitan ng Heyorhiya at Turkey.[22]
Kuryente
baguhin- produksyon: 19.44 bilyong kWh (2011)
- pagkonsumo: 13.57 bilyong kWh (2011)
Noong 2011, tinantiya ang netong produksyon ng kuryente sa 19.44 bilyong kWh. Noong 2011, tinantiyang 3.57 bilyong kWh ang pagkonsumo ng kuryente. 6.392 million kW naman ang kabuuang kapasidad ng mga nakakabit sa simula ng 2011. Walong mga thermal plant ang naglalaan ng higit sa 80% ng kapasidad, at mula sa 5 plantang hidroelektriko ang natitira. Malapit ang mga pangunahing planta dekuryente na parehong initin sa Ali Bairamly (1,100 MW) at Mingachevir (2,100 MW).
Umaabot hanggang 7,172.6 MW ang potensyal ng pambansang sistema ng elektroenerhiya. Sa kasalukuyan, 5200 MW ang kapasidad ng sistema at humigit-kumulang sa 3750-3900 MW ang kinakailangang rurok ng lakas. Noong 2017, umabot ang produksyon ng kuryente sa 22 209.8 milyong kWh kabilang ang 20 445.4 milyong kWh sa plantang initan at 1 732.8 milyong kWh ng kuryente sa mga plantang hidroelektriko at nabawasan ng 2.0% kumpara sa katumbas na panahon ng 2016 (22 665.7 milyong kWh).
Sa kabuuan, ginamit ang 4778.8 milyong metro kubiko ng natural gas at 311.5 libong tonelada ng mazut para sa produksyon ng kuryente sa taong ito.
Kinabit ang 50 MVA transpormador na may 110/35 kV, dalawang 110 kV circuit breaker at 35 kV kagamitang elektrika sa subistasyong Hoca Hasan ng distrito ng Binagadi. 110 kV dobleng salikop na linyang transmisyon sa kalagitnaang ng mga 110 kV na subistasyong "Liman" at "White City", itinayo ang tatlong subistasyong transpormador na may 35 / 0,4 kV.
Noong 2017, umabot sa 38.7 milyong tonelada ang produksyon ng langis sa bansa. Galing sa Azeri-Chirag-Gunashli ang 28.9 milyong tonelada, 2.4 milyong tonelada sa Shah deniz (kondesada) at 7.4 milyong tonelada sa Estadong Kumpanya ng Langis sa Republika ng Aserbayan.
Noong 2017, bumahagi si Pangulong Ilham Aliyev sa pagbubukas ng mga sumusunod na subistasyon:
- Subistasyong "Sarıcali" na may 110/35/10 kV sa distrito ng Saatly[25]
- Subistasyong "Yenikend" na may 110/35/6 kV sa distrito ng Samukh[26]
- Subistasyong "New Ganja" na may 110/35/10 kV sa bayan ng Ganja
- Subistasyong "Neftchala" sa 110/35/6 kV sa distrito ng Neftchala
- Subistasyong "Garagashli" na may 110/35/10 kV sa distrito ng Salyan
- Shamkir Automated Management and Control Center ng "Azerishig" OJSC.[27]
Mga plantang hidroelektriko
baguhin- Plantang Panunubig ng Mingechevir - 402 MW
- Plantang Panunubig ng Sarsang - 50 MW
- Plantang Panunubig ng Shamkir - 380 MW
- Plantang Panunubig ng Yenikend - 150 MW
Mga padalisayan
baguhinBatayan ang mga likas-yamang petrolyo at natural gas para sa isang malawak na sistema ng mga padalisayan, na gumagawa ng gasolina, pamatay-halmandamo, pataba, keroseno, sintetikong goma, at plastik.
Kumpetisyon ng dayuhang pamumuhunan sa mga di-enerhiyang sektor
baguhinNoong Enero 2015, inihayag ng pangulo ng Azerbaijan, Ilham Aliyev na iaatas niya ang kanyang pamahalaan na lumikha ng mga programa upang umakit ng mga pamumuhunang dolyar sa mga industriya maliban sa langis. Sa partikular, binanggit ni Pangulong Aliyev ang industriya at agrikultura bilang mga halimbawa.[28]
Binanggit ni Aliyev ang ekonomiya ng Aserbayan sa pagsasabing, "Iyon ang dahilan kung bakit mas madaling maakit ang mga pamumuhunan sa mga matatag na bansa na may sosyopolitikal na katatagan at paglago ng impormasyon." Sinabi niya na magiging mas nakatutulong ang industriya ng pagbabangko sa pagbubuo ng mga di-enerhiyang industriya ng bansa.[29]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "ROLE OF ENERGY IN AZERBAIJAN'S FOREIGN POLICY DURING ILHAM ALIYEV ERA" (PDF).
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Official webpage of Azerbaijan National library. "Azerbaijan has an independent energy system" (sa wikang Azerbaijani). Nakuha noong 2018-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "EBRD Annual Report 1995" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "INTERNATIONAL BANK OF AZERBAIJAN-annual report" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-04-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "STATE PROGRAM FOR DEVELOPMENT OF FUEL AND ENERGY SECTOR IN AZERBAIJAN (2005-2015)" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-04-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Azerbaijan - Support for the Functioning of the Energy Regulatory Agency" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-04-25. Nakuha noong 2018-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "World Energy Trilemma Index | 2017" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2019-05-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Global Energy Architecture Performance Index Report 2017" (PDF).
- ↑ "Global Energy Architecture Performance Index Report 2016" (PDF).
- ↑ Reuters (2019-04-19). "BP, SOCAR Sign Deal to Build New Azeri Oil Exploration Platform". Nakuha noong 2019-04-24.
{{cite news}}
:|last=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BP, SOCAR sign deal to build new Azeri oil exploration platform". 2019-04-19. Nakuha noong 2019-04-24.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Subscribe to read". Nakuha noong 2019-04-24.
{{cite web}}
: Cite uses generic title (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BP and SOCAR sign new Azeri oil deal". 2019-04-19. Nakuha noong 2019-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 "ENERGY SECURITY AND ENERGY UNION PERSPECTIVES FOR AZERBAIJAN" (PDF).
- ↑ "Project timeline | Shah Deniz | Operations and projects | BP Caspian" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Baku-Tbilisi-Ceyhan pipeline | Pipelines | Operations and projects | BP Caspian" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Southern Gas Corridor | Shah Deniz | Operations and projects | BP Caspian" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Azerbaijan's economic priorities for 2017". Nakuha noong 2018-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Shah Denize gas field development" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-04-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ New Report Highlights Lack Of Transparency In Azerbaijan's Oil Industry. RFE/RL Dec. 10, 2013
- ↑ 21.0 21.1 Azerbaijan Anonymous Global Witness
- ↑ "News.Az - Minister: Azerbaijan's gas reserves enough to fill Southern Gas Corridor". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-10. Nakuha noong 2016-03-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Report on Fuel and Energy Complex Activity" (PDF) (sa wikang Azerbaijani).
- ↑ "Allocations directed to fixed assets" (sa wikang Azerbaijani). Nakuha noong 2018-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Official web-site of President of Azerbaijan Republic. "Ilham Aliyev inaugurated Sarijalar substation in Saatli district" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Samuxda "Yenikənd" yarımstansiyası istifadəyə verilib VİDEO" (sa wikang Azerbaijani). Nakuha noong 2018-04-24.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Official web-site of President of Azerbaijan Republic. "Ilham Aliyev attended opening of Shamkir Automated Management and Control Center of "Azerishig" OJSC" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ CISTran Finance Reports (16 Enero 2015). "Azerbaijan seeks foreign investment for non-oil sector". CISTran Finance. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Enero 2015. Nakuha noong 16 Enero 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Azerbaijan Seeks to Attract Foreign Investors to its Non-Oil Sector". Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2016. Nakuha noong 16 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)