Erich Ludendorff
Si Erich Friedrich Wilhelm Ludendorff[1] (minsan din nasusulat ng may von, bagaman hindi tama, katulad ng von Ludendorff) (Abril 9, 1865 – Disyembre 20, 1937) ay isang Alemang opisyal - isang Generalquartiermeister [ sa Aleman ] o Quartermaster general [ sa Ingles ], isang kasaping-opisyal na namamahala sa mga probisyon ng hukbong katihan - noong Unang Digmaang Pandaigdig, na nagwagi sa Digmaan ng Liège, at, kasama si Paul von Hindenburg, naging isa mga nagtagumpay sa Digmaan ng Tannenberg (1914). Makaraan ang digmaan, panandalian niyang tinangkilik si Adolf Hitler at ang Partidong Nazi. Napawalang-sala siya sa mga kriminal na paratang dahil sa gampanin niya sa di-matagumpay na Beer Hall Putsch (o Munich Putsch, isang bigong coup d'etat) ng mga Nazi noong 1923. Naging disilusyonado siya sa larangan ng politiko at nagretiro mula sa buhay-publiko noon ding taong iyon.
Erich Friedrich Wilhelm Ludendorff | |
---|---|
Abril 9, 1865–Disyembre 20, 1937 | |
Pook ng kapanganakan | Kruszewnia malapit sa Posen, Lalawigan ng Posen |
Pook ng kamatayan | Tutzing, Bavaria |
Pinapanigan | Imperyong Aleman |
Palingkuran/sangay | Hukbong-katihan |
Taon ng paglilingkod | 1883-1918 |
Hanay | Generalquartiermeister |
Labanan/digmaan | Ika-1 Digmaang Pandaigdig |
Gantimpala | Pour le Mérite ("para sa kahalagahan"), Krus na Bakal Unang Klase |
Talambuhay
baguhinIsinilang siya sa Kruszewnia (binabaybay ding Kruszewina), Poland.[1]
Larangan
baguhinBilang heneral at istratehista (tagaplanong militar) ng Alemanya, tumulong si Ludendorff sa pagwawagi laban sa mga Ruso noong Unang Digmaang Pandaigdig and nagiisang sanhi ng pagtatagumpay ng Alemanya laban sa Rumania at Italya noong 1917. Nilisan niya ang Alemanya patungong Sweden makalipas ang pagkalupig ng mga Aleman subalit muling nagbalik sa Alemanya noong 1919 at nakiisa sa Kapp Putsch noong 1920 at sa Beer Hall Putsch ni Hitler noong 1923.[1]
Bilang kasapi ng Reichstag mula 1924 hanggang 1928, sumulat siya ng mga anti-Semitiko, anti-Katoliko, at anti-Masonikong mga sulatin.[1]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Erich Friedrich Wilhelm Ludendorff, isinilang sa "Kruszewina", ganito ang baybay ng kapanganakan sa sangguniang ito.". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)