Estasyon ng Alabang

Ang estasyong Alabang ay isang estasyon sa Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (na tinatawag ding "Linyang Patimog" o "Southrail") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, nasa lupa ang estasyong ito. Matatagpuan ito sa Kalye T. Molina sa Alabang, Muntinlupa, malapit sa Biyadukto ng Alabang ng South Luzon Expressway.

Alabang
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
Estasyong Alabang, walang riles sa gilid noong 2011.
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonKalye T. Molina
Alabang, Muntinlupa
Koordinato14°25′10.46″N 121°2′51.63″E / 14.4195722°N 121.0476750°E / 14.4195722; 121.0476750
Pagmamayari ni/ngPambansang Daambakal ng Pilipinas
Linya     Linyang Patimog ng PNR
PlatapormaPlatapormang pagilid
Riles2, dagdag ang 1 siding track
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNasa lupa
Pasilidad sa bisikletaHindi
Akses ng may kapansananOo (2016)
Ibang impormasyon
KodigoAA
Kasaysayan
Nagbukas1908
Muling itinayoAbril 19, 2010
Serbisyo
Huling station   PNR   Susunod station
patungong Tutuban
Metro CommuterHangganan
patungong Calamba
patungong Tutuban
Bicol Express
patungong Legazpi
Isarog Limited
patungong Naga

Ang estasyon ay ang ikalabing-anim na estasyon patimog mula sa Tutuban at isa sa tatlong mga estasyon ng PNR na naglilingkod sa lungsod, ang iba pa ay Sucat at Muntinlupa.

Ang estasyong Alabang ay ang tanging estasyon ng PNR na itinayo muli nang buo sa ibang lokasyon. Nailipat ito mula sa unang lokasyon nito sa Kalye Montillano papunta sa likod ng Metropolis Starmall Alabang sa Kalye T. Molina. Binuksan ang bagong estasyon noong Abril 19, 2010.

Mga kalapit na pook-palatandaan

baguhin

Malapit ang estasyon sa ilang mga institusyong pangkalusugan tulad ng Asian Hospital and Medical Center, ang Research Institute for Tropical Medicine, at ang Ospital ng Muntinlupa; mga institusyong pangedukasyon tulad ng Saint Bernadette College of Alabang, Saint Francis of Assisi College Alabang, Mababang Paaralan ng Alabang, at Mataas na Paaralan ng Pedro E. Diaz; mga gusaling pamilihan tulad ng Metropolis Starmall Alabang at Festival Alabang; at mga tanggapan ng mga kompanya o korporasyon sa loob ng Filinvest Corporate City tulad ng mga punong-tanggapan ng Insular Life. Di-kalayuan mula sa estasyon ay mga punong-tanggapan ng Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot (FDA, dating Kawanihan ng Pagkain at Gamot o BFAD), Kolehiyo ng San Beda Alabang, Alabang Town Center, Madrigal Business Park, at Ayala Alabang Village.

Mga kawing pantransportasyon

baguhin

Mapupuntahan ang estasyon gamit ang mga dyipni na dumadaan sa mga ruta ng South Luzon Expressway at Daang Alabang–Zapote. Isang terminal ng bus ay matatagpuan sa harap ng Metropolis Starmall Alabang, habang ang terminal ng dyipni na South Station ay matatagpuan sa tapat ng gusaling pamilihan sa kabilang gilid ng South Luzon Expressway.

Pagkakaayos ng Estasyon

baguhin
L1
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kaliwa
Plataporma PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←)
Plataporma PNR Metro Commuter patungong Mamatid (→)
L1 Lipumpon/
Daanan
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan, Asian Hospital and Medical Center, Research Institute for Tropical Medicine, Ospital ng Muntinlupa, Saint Bernadette College of Alabang, Saint Francis of Assisi College Alabang, Mababang Paaralan ng Alabang, Mataas na Paaralan ng Pedro E. Diaz, Metropolis Starmall Alabang, Festival Alabang, Filinvest City, Insular Life, Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot, Kolehiyo ng San Beda Alabang, Alabang Town Center, Liwasang Pangnegosyo ng Madrigal, Ayala Alabang Village

Tingnan din

baguhin