Estasyon ng Biñan
Ang estasyong Biñan (o estasyong Biñang) ay isang estasyon ng Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (na tinatawag ding Linyang Patimog o "Southrail") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, nasa lupa ang estasyong ito. Matatagpuan ang estasyon sa Kalye General Malvar sa Barangay San Vicente, Biñan, Laguna, malapit sa kabayanan ng lungsod.
Biñan | ||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pambansang Daambakal ng Pilipinas | ||||||||||||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | ||||||||||||||||||||
Lokasyon | General Malvar Street San Vicente, Biñan, Laguna | |||||||||||||||||||
Koordinato | 14°19′53.04″N 121°4′52.25″E / 14.3314000°N 121.0811806°E | |||||||||||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Pambansang Daambakal ng Pilipinas | |||||||||||||||||||
Linya | Linyang Patimog ng PNR | |||||||||||||||||||
Plataporma | Platapormang pagilid | |||||||||||||||||||
Riles | 1, 1 siding track ay tinakpan ng isang bagong plataporma | |||||||||||||||||||
Konstruksiyon | ||||||||||||||||||||
Uri ng estruktura | Nasa lupa | |||||||||||||||||||
Akses ng may kapansanan | Oo | |||||||||||||||||||
Ibang impormasyon | ||||||||||||||||||||
Kodigo | ÑA | |||||||||||||||||||
Kasaysayan | ||||||||||||||||||||
Nagbukas | 1908 | |||||||||||||||||||
Muling itinayo | 2013 | |||||||||||||||||||
Serbisyo | ||||||||||||||||||||
|
Ang estasyon na isa sa dalawang mga estasyong daangbakal ng lungsod, ay ang pangunahing estasyon na naglilingkod sa lungsod ng Biñan, at ang kasalukuyang dulo para sa Commuter Express sa pagitan ng Kalakhang Maynila at mga katimugang arabal. Kabilang sa mga pangunahing lugar na malapit sa estasyon ay ang pangunahing kampus ng University of Perpetual Help System Laguna at ang Pampublikong Pamilihan ng Biñan.
Kasaysayan
baguhinAng bahagi ng Pangunahing Linyang Patimog mula San Pedro hanggang Biñan ay binuksan noong Setyembre 2, 1908.
Pagkakaayos ng Estasyon
baguhinL1 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kaliwa | |
Plataporma | PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←) | |
Plataporma | PNR Metro Commuter patungong Mamatid (→) | |
L1 | Lipumpon/ Daanan |
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan |