Estasyong daangbakal ng Guadalupe

Ang estasyong daangbakal ng Guadalupe ay isang dating estasyon sa Linyang Guadalupe (Guadalupe Line o "PNR East Line") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR). Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, ang estasyon na ito ay nasa lupa (at grade). Matatagpuan ang estasyon sa Barangka Ilaya, Mandaluyong malapit sa EDSA sa tabi ng Ilog Pasig ay nakakonekta sa Pasig Ferry.

 Guadalupe 
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
Estadistika ng estasyon
DireksiyonBrgy. Barangka Ilaya, Mandaluyong
Pilipinas
Linya     Linyang Guadalupe (dating bahagi ng Linyang Antipolo)
KoneksiyonBSicon BOOT.svg Maria Clara Ferryboat
EstrukturaNasa Lupa
Plataporma1
Riles1
Iba pang impormasyon
BinuksanAbril 28, 1927 (flag stop)
Isinara1982
Itinayo muli1974
KodigoUPE
Pagmamay-ari ngPambansang Daambakal ng Pilipinas (dating Kompanyang Daambakal ng Maynila)
Dating pangalanBarangka
Serbisyo
Huling station   PNR   Susunod station
  Dating Serbisyo  
patungong Tutuban
Metro Manila Commuter
Guadalupe Line
Hangganan
  Dating Serbisyo (bilang Barangka)  
patungong Tutuban
Taytay Line
(Flag Stop)
patungong Taytay

KasaysayanBaguhin

Ang estasyon ay binuksan noong Abril 28, 1927 bilang Barangka na isang flag stop na naglilingkod sa bahagi ng Maynila-Taytay sa Linyang Antipolo, gayundin sa Linyang Montalban. Ang mga serbisyo ng pasahero ay tumigil noong 1941 matapos ang linya ay ginamit bilang isang dumpsite para sa mga tren na nawasak.

Nang magsimula ang linya ng operasyon noong 1949, ang mga serbisyo ay hindi nakarating sa Guadalupe hanggang 1974, ang operasyon na ito ay ipinagpatuloy hanggang sa pagbagsak ng tulay sa ilog ng San Juan noong 1982. Sa panahon ni General Manager Pete Nicomedes Prado, may isang panukala ng muling pagbabalik at pagpapalawak ng linyang ito hanggang sa Pasig ngunit hindi ito pinatuloy.

Kasalukyang kalagayanBaguhin

Sa mga maraming taon ng nakalipas, ang estasyon ay naging isang basketball court kung saan na ito ay isang palatandaan na nakatayo parin na wala na ang riles.

Tignan dinBaguhin