Estasyon ng San Andres

Ang estasyong San Andres ay isang estasyon sa Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (na tinatawag ding "Linyang Patimog" o "Southrail") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, nasa lupa ang estasyong ito. Matatagpuan ito sa sangandaan ng Kalye Aviadores, Kalye San Andres at South Luzon Expressway sa San Andres, Maynila.

San Andres
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
Trackbed at lugar ng plataporma ng estasyong San Andres
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonSouth Luzon Expressway pgt. San Andres Street
San Andres, Maynila
Koordinato14°34′22.60″N 120°59′58.65″E / 14.5729444°N 120.9996250°E / 14.5729444; 120.9996250
Pagmamayari ni/ngPambansang Daambakal ng Pilipinas
Linya     Linyang Patimog ng PNR
PlatapormaMga platapormang pagilid
Riles2
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNasa lupa
Akses ng may kapansananYes
Ibang impormasyon
KodigoSAN
Kasaysayan
NagbukasMarso 24, 2010
Serbisyo
Huling station   PNR   Susunod station
patungong Tutuban
Metro Commuter
patungong Alabang o Calamba

Ang estasyong San Andres ay ang ikapitong estasyon patimog mula sa Tutuban.

Kasaysayan

baguhin

Unang estasyong San Andres (1929-1936)

baguhin

Ang orihinal na estasyong San Andres, na kilala bilang estasyong Calle San Andres o sa payak estasyong San Andres, ay binuksan noong mga 1929 bilang flagstop sa dating Linyang Naic (na patungong Kabite). Ipinatatakbo ito ng Kompanyang Daambakal ng Maynila. Ito ay isang istrakturang kahoy. Isinara ang estasyon kasama na ang linyang daambakal noong Oktubre 20, 1936.

Kasalukuyang estasyong San Andres (mula noong 2010)

baguhin

Isang bagong estasyong San Andres sa Pangunahing Linyang Patimog ay binuksan noong Marso 24, 2010 para sa mga serbisyong pangmananakay o komyuter.

Mga kalapit na pook-palatandaan

baguhin

Malapit ang estasyon sa sub-distrito ng Singalong ng San Andres, ang Pampublikong Pamilihan ng Dagonoy at ang St. Anthony's School, Maynila. Di-kalayuan mula sa estasyon ay ang Bulwagan ni Br. Andrew Gonzalez ng Pamantasang De La Salle Maynila, ang Kawanihan ng Paghahalaman sa Ermita, Puregold (sa SLEx) at ang Manila Zoo.

Mga kawing pantransportasyon

baguhin

Mapupuntahan ang estasyong San Andres gamit ang mga dyipning dumadaan sa ruta ng San Andres, gayundin ang mga bus na dumadaan sa mga ruta sa South Luzon Expressway. Ang estasyong Abenida Quirino, isang estasyon ng Unang Linya ng LRT, ay matatagpuan may-kalayuan sa sangandaan ng Kalye San Andres at Abenida Taft.

Pagkakaayos ng Estasyon

baguhin
L1
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←)
Plataporma B PNR Metro Commuter patungong Alabang (→)
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L1 Lipumpon/
Daanan
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan, Pampublikong Pamilihan ng Dagonoy, St. Anthony's School-Manila

Tingnan din

baguhin