Estratigrapiya
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Ang stratigrapiya (sa Ingles: stratigraphy) ay isang sangay ng heolohiya na nag-aaral sa pagkapatong patong ng mga bato. Ito ay primaryang ginagamit sa pag-aaral ng sedimentaryo na mga bato at mga bato na binuga ng mga bulkan. Ito ay sinasaklaw sa dalawa pang paksa; ang lithostratigrapiya, at biyostratigrapiya.
Si Nicholas Steno ang nagtatag ng teorya na batayan para sa stratigrapiya nang ipinakilala niya ang batas ng superposition, prinsipyo ng original horizontality, at prinsipyo ng lateral continuity, sa isang gawa niya na tungkol sa mga naiwan na labi ng mga hayop sa mga bato, noong 1669.
Ang unang praktikal na malawakang paggamit ng stratigrapiya ay nagmula kay William Smith. Si Smith, kilala bilang Ama ng Heolohiyang Ingles, ay gumawa ng unang mapang pang-heolohiya sa Inglatera, at una ring napansin ang kabuluhan ng pagkapatong patong ng mga bato at importansya ng mga labi ng hayop sa paghahambing ng mga strata. Ang isa pang maimpluwensyang gamit ng stratigrapiya noong dekada 1800 ay ang pag-aaral nina Georges Cuvier at Alexandre Brongniart sa heolohiya ng lugar sa paligid ng Paris.