Ang etnolingguwistika (Kastila: Etnolingüística) ay isang larangan sa antropolohiyang lingguwistika na nag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at kalinangan, at ang paraan kung paano tinatanaw at dinarama ng mga pangkat etniko ang mundo. Isa itong kombinasyon sa pagitan ng etnolohiya at ng lingguwistika. Ang etnolohiya ay tumutukoy sa paraan ng buhay ng isang buong pamayanan, o iyong lahat ng mga katangian kung bakit naiiba ang isang pamayanan mula sa isa pa. Ang mga katangiang ito ang gumagawa ng mga aspetong pangkultura ng isang pamayanan o ng isang lipunan. Ang isang kilalang-kilala (ngunit kontrobersiyal) na paksang etnolingguwistiko ay ang Hipotesis na Sapir-Whorf, na nagsasaad na ang persepsiyon ay hinahangganan o nililimitahan ng kung ano ang mailalarawan sa sariling wika ng isang tao.

Pinag-aaralan ng mga etnolingguwista ang paraan kung paano naiimpluwensiyahan ng persepyon at konseptuwalisasyon ang wika, ang nagpapakita kung paano ito may kaugnay sa iba't ibang mga kultura at mga lipunan. Isang halimbawa nito ay ang paraan kung paano isinasaad ng samu't saring mga kultura ang oryentasyong pang-espasyo (Bernd Heine 1997, Yi-Fu Tuan 1974). Sa maraming mga lipunan, ang mga salita para sa mga direksiyong kardinal na Silangan at Kanluran ay hinango mula sa mga kataga para sa pagsikat/paglubog ng araw, subalit ang nomenklatura para sa mga direksiyong kardinal ng mga tagapagsalitang Eskimo ng Grinland ay batay sa mga palatandaang-pook na katulad ng sitema ng ilog at ng posisyon ng isang tao sa dalampasigan. Gayun din, ang wikang Yurok ay walang ideya ng mga direksiyong kardinal; inaalam nila ang kanilang kinalalagyan o kinaroroonan ayon sa kanilang pangunahing tampok na pook na pangheograpiya, ang Ilog Klamath.

Mga sanggunian

baguhin
  • Heine, Bernd (1997) Cognitive Foundations of Grammar. Oxford/New York: Imprenta ng Unibersidad ng Oxford.
  • Tuan, Yi-Fu (1974) Topophilia: A study of environmental perception, attitudes, and values. Englewood Cliffs, N.J.: Prentice Hall.
  • Wierzbicka, Anna (1992) Semantics, Culture, and Cognition: Universal human concepts in culture-specific configuration. New York: Imprenta ng Unibersidad ng Oxford.