Ang dalublahian o etnolohiya (mula sa Griyegong ἔθνος, ethnos nangangahulugang "tao, bansa, lahi") ay isang sangay ng antropolohiya na naghahambing at nagsusuri sa mga pinagmulan, pamamahagi, teknolohiya, relihiyon, wika, at kayariang panlipunan ng etniko, panlahi, at/o pambansang mga kahatian ng sangkatauhan.[1]

Makaagham na disiplina

baguhin

Kapag inihambing sa etnograpiya, ang pag-aaral ng isahang mga pangkat sa pamamagitan ng tuwirang ugnayan sa kultura, kinukuha ng etnolohiya ang pananaliksik na tinipon ng mga etnograpo at pinaghahambing at pinagkakaiba pagkaraan ang iba't ibang mga kalinangan. Idinidikit ang salitang etnolohiya kay Adam Franz Kollár na ginamit at binigyang kahulugan ito sa kanyang Historiae ivrisqve pvblici Regni Vngariae amoenitates na nalathala sa Vienna noong 1783.[2] Ang pagtuon ng pansin ni Kollár sa lingguwistiko at pangkulturang dibersidad ay napukaw ng sitwasyon sa kanyang katutubo at may maramihang wikang Kaharian ng Unggarya at ng kanyang pinag-ugatan sa piling ng mga Islobak, at ng mga pagbabagong nagsimulang lumitaw pagkaraan ng unti-unting pag-atras ng Imperyong Otomano sa mas malayong mga Balkan.[3]

Kasama sa mga layunin ng etnolohiya ang muling pagbubuo ng kasaysayang pantao, at pormulasyon ng pangkulturang mga bagay na hindi nagbabago, katulad ng pagbabawal ng pag-aasawa o pagtatalik ng napakalapit na mga kamag-anak (halimbawa: magulang sa anak, kapatid sa kapatid), at pagbabago sa kultura, at ang paggawa ng mga panlalahat ukol sa "kalikasan ng tao", isang diwang sinusuri magmula pa noong ika-19 daang taon ng mga pilosopo (Goerge Friedrich Wilhelm Hegel, Karl Marx, istrukturalismo, atbp.). Sa ilang mga bahagi ng mundo, umunlad ang etnolohiya na kasama ng nagsasariling mga landas ng imbestigasyon at doktrinang pedagohikal, kung saan naging nangingibabaw ang antropolohiyang pangkultura partikular na sa Estados Unidos, at ng antropolohiyang panlipunan sa Dakilang Britanya. Lalong lumalabo ang pagkakaiba sa pagitan ng tatlong mga kataga. Itinuring ang etnolohiya bilang isang larangan pang-akademya magmula noong huling panahon ng ika-18 daang taon lalo na sa Europa at paminsan-minsang iniisip bilang isa sa anumang pag-aaral na naghahambing ng mga pangkat ng tao.

Nagkaroon ng mahalagang gampanin ang ika-15 daang taon na panggagalugad ng Amerika ng mga Europeong manggagalugad sa paggawa ng bagong mga kaisipan ng kanluraning mundo, katulad ng konsepto ng ang "Iba". Ang salitang ito na ginagamit na kasama ang "mga mabangis", na maaaring tinatanaw bilang mararahas na mga barbaro, o kaya, bilang "maringal na mabangis". Kaya't taliwas sa kabihasnan ang dalawahang gawi sa berberya (kaugnay ng Dalampasigan ng Berberya), isang klasikong pagsalungat na binubuo ng mas marami pang pangkaraniwang pinagsasaluhang etnosentrismo. Ang pagsulong ng etnolohiya, katulad ng antropolohiyang istruktural ni Claude Lévi-Strauss, ang humantong sa pagtuya sa mga diwa ng isang tuwid na pagsulong na pangkasaysayan, o hindi tunay na pagsalungat sa pagitan ng "mga lipunang may mga kasaysayan" at "mga lipunang walang mga kasaysayan", na hinusgahang labis na nakasandig sa may hangganang pagtanaw ng kasaysayan na ibinunsod ng pinagsama-samang paglago.

Kadalasng tinutukoy ni Lévi-Strauss ang mga sanaysay ni Montaigne hinggil sa kanibalismo bilang isang maagang halimbawa ng etnolohiya. Nilayon ni Lévi-Strauss, sa pamamagitan ng isang metodong pangkayarian, para sa pagtuklas ng pandaigdigang hindi nagbabagong mga bagay sa lipunan ng tao, kung saan pangunahin, sa kanyang paniniwala, ang pagbabawal ng pag-aasawa at pakikipagtalik sa kamag-anak. Subalit ang mga paniniwala sa ganyang pagiging pambuong daigdig ay tinuligsa ng sari-saring mga tagapag-isip na makalipunan noong ika-19 at ika-20 daang taon, kasama sina Karl Marx, Nietzsche, Michel Foucault, Louis Althusser, at Gilles Deleuze.

Ang paaralang Pranses ng etnolohiya ay partikular na may kahalagan para sa pagpapaunlad ng disiplina magmula pa noong kaagahan ng dekada ng 1950 kaugnay nina Marcel Griaule, Germaine Dieterlen, Claude Lévi-Strauss, at Jean Rouch.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Newman, Garfield, atbp. (2001). Echoes from the past: world history to the 16th century. Toronto: McGraw-Hill Ryerson Ltd. ISBN 0-07-088739-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. Zmago Šmitek and Božidar Jezernik, "The anthropological tradition in Slovenia." Sa: Han F. Vermeulen at Arturo Alvarez Roldán, mga patnugot. Fieldwork and Footnotes: Studies in the History of European Anthropology. 1995.
  3. Gheorghiţă Geană, "Discovering the whole of humankind: the genesis of anthropology through the Hegelian looking-glass." Nasa: Han F. Vermeulen and Arturo Alvarez Roldán, mga patnugot. Fieldwork and Footnotes: Studies in the History of European Anthropology. 1995.