Euarchonta
Ang Euarchonta ay isang grandorder ng mga mamalya na naglalaman ng apat na mga order: ang Dermoptera o colugo, ang Scandentia o treeshrews, ang ekstinkst na Plesiadapiformes at ang mga Primado. Ang terminong "Euarchonta" (na nangangahulugang "mga tunay na ninuno") ay unang lumitaw sa pangkalahatang panitikang siyentipiko noong 1999 nang ang ebidensiyang molekular ay nagmungkahing ang batay sa morpolohiyang Archonta ay dapat bawasan upang hindi isama ang Chrioptera. Ang karamihang mga analisis ng sekwensiyang DNA (Murphy et al., 2001) ay sumusuporta sa hipotesis na Euarchonta samantalang ang isang pangunahing pag-aaral na nag-iimbestiga ng mga sekwensiyang mitokondriyal ay sumusuporta sa ibang topolohiya(Arnason et al., 2002). Ang isang pag-aaral na nag-iimbestiga ng retrotransposon presence/absence data ay nag-angkin ng malakas na suporta para sa Euarchonta(Kriegs et al., 2007). Ang ilang mga interpratasyo ng datos molekular ay nag-uugnay ng mga Primado at Dermoptera sa isang klado(mirorder)na kilala bilang Primatomorpha na kapatid ng Scandentia. Sa ilan, ang Dermoptera ay isang kasapi ng mga primado kesa isang kapatid. Ang ibang mga interpretasyon ay nag-uugnay ng Dermoptera at Scandentia ng magkasama sa isang pangkat na tinatawag na Sundatheria bilang kapatid na pangkat ng mga primado. Ang magkakasamang tatlong ito ay tinatawag na Euarchonta na "mga tunay na tagapagtatag".
Euarchontans Temporal na saklaw: Huling Kretaseyoso-Kamakailan
| |
---|---|
Euarchonts: upper left: Plesiadapis, upper right: Northern Treeshrew, lower left: Sunda Flying Lemur and lower right: Yellow Baboon | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Superorden: | Euarchontoglires |
Grandorden: | Euarchonta |
Orders | |
Ang magkasamang Euarchonta at mga Glire ay bumubuo ng Euarchontoglires, na isa sa apat na mga kladong Eutheria.
Euarchontoglires |
| |||||||||||||||||||||||||||
Mga sanggunian
baguhin- Murphy W. J., E. Eizirik, W. E. Johnson, Y. P. Zhang, O. A. Ryder, S. J. O'Brien, 2001a. Molecular phylogenetics and the origins of placental mammals Nature 409:614-618. [1]
- Ulfur Arnason, et al. Mammalian mitogenomic relationships and the root of the eutherian tree. Proceedings of the National Academy of Science 99: 8151-8156. [2] Naka-arkibo 2008-05-17 sa Wayback Machine.
- Jan Ole Kriegs, Gennady Churakov, Jerzy Jurka, Jürgen Brosius, and Jürgen Schmitz (2007) Evolutionary history of 7SL RNA-derived SINEs in Supraprimates. Trends in Genetics 23 (4): 158-161 doi:10.1016/j.tig.2007.02.002 (PDF version [3] Naka-arkibo 2007-08-03 sa Wayback Machine.)