Ang kuhaw[3] (Eudynamys scolopaceus)[4][5] ay kasapi ng orden na kuku ng mga ibon, ang Cuculiformes. Matatagpuan ito sa Subkontinenteng Indiyo, Tsina at Timog-silangang Asya. Binubuo ito ng isang superespesye na malapit na kamag-anak ng mga kuhaw na may itim na tuka (o black-billed koel) o mga kuhaw sa Pasipiko na kadalasang tinuturing bilang subespesye. Ang kuhaw tulad ng maraming magkakamag-anak na kuku ay isang parasitong mang-aakay na nangingitlog sa mga pugad ng mga uwak at ibang host (o biktima), na pinapalaki ang kanilang inakay. Sila ay hindi pangkaraniwan sa mga kuku sa karamihan na prugiboro bilang adulto.[6]

Kuhaw
Lalalki (lahing nominado)
Babae (lahing nominado)
Mga patawag (naitala sa Singapore)

Awit ng lalaki, Maldivas

Kuhaw (naitala sa Kochi, Indya)

Lalaking kuhaw (naitala sa Chon Buri, Taylandiya)
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Aves
Orden: Cuculiformes
Pamilya: Cuculidae
Sari: Eudynamys
Espesye:
E. scolopaceus
Pangalang binomial
Eudynamys scolopaceus
(Linnaeus, 1758)
Ang distribusyon ng kuhaw sa itim[2]
Kasingkahulugan
  • Cuculus scolopaceus Linnaeus, 1758
  • Cuculus honoratus Linnaeus, 1766

Taksonomiya

baguhin

Noong 1747, sinama ang naturalistang Ingles na si George Edwards ang ilustrasyon at isang deskripsyon ng kuhaw sa ikalawang bolyum ng kanyang A Natural History of Uncommon Birds. Ginamit niyang salitang Ingles na "The Brown and Spotted Indian Cuckow". Binatay ni Edwards ang kanyang ukit na kanyang kinulayan gamit ang kamay sa isang ispesimen mula sa Bengal na mula sa nagdidisenyo ng huwarang-seda at naturalistang si Joseph Dandridge na mula Londres.[7] Nang binago ng naturalisatang Suweko na si Carl Linnaeus noong 1758 ang kanyang Systema Naturae para sa ikasampung edisyon, nilagay niya ang kuhaw kasama ang iba pang kuku sa genus na Cuculus. Sinama ni Linnaeus ang maikling paglalarawan, binansagan ang pangalang dalawahan na Cuculus scolopaceus at binanggit ang gawa ni Edwards.[8] Nakalagay na ngayon ang kuhaw sa genus na Eudynamys na ipinakilala noong 1827 ng mga naturalistang Ingles na sina Nicholas Vigors at Thomas Horsfield.[9][10] Pinagsama-sama ng pangalang genus na Eudynamys ang Sinaunang Griyego na eu na nangangahulugang "mahusay" na kasama ang dunamis na nangangahulugang "kapangyarihan" o "lakas". Ang partikular na epiteto na scolopaceus ay ang Makabagong Latin na nangangahulugang "mala-labuyo" na mula sa Latin na scolopax na nangangahulugang "labuyo" o "woodcock" (tandang kahoy).[11]

Mayroon ang ilang mga anyong heograpiko ang kuhaw na mayroong napakahusay na plumahe na pagkakaiba o nahiwalay sa heograpiya na may maliit na daloy ng hene. Ang sumusunod ay isang tala na pinangalang subespesye kasama ang kanilang distribusyon at kasingkahulugan sa pagbibigay ni Payne:[12]

  • E. s. scolopaceus (Linnaeus, 1758) – Pakistan, Indya, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Laccadives and Maldibas
  • E. s. chinensis Cabanis at Heine, 1863 – Katimugang Tsina at Indotsina, maliban sa Tangway ng Thai-Malay
  • E. s. harterti Ingram, C. 1912 – Hainan
  • E. s. malayana Cabanis at Heine, 1863 – Tangway ng Thai-Malay, Mas Maliit na Sundas at Mas Malaking Sundas, maliban sa Sulawesi. Maaring kabilang ang lahing dolosa na sinasalarawan mula sa Kapuluang Andaman at Nicobar[13]
  • E. s. mindanensis (Linnaeus, 1766) – (kabilang ang E. s. paraguena) (Hachisuka, 1934) mula sa Palawan, at E. s. corvina (Stresemann, 1931) mula sa Halmahera, ang Pilipinas (kabilang ang Palawan at Kapuluang Babuyan), mga kapuluang sa pagitan ng Mindanao at Sulawesi, at Hilagang Maluku, maliban sa Kapuluang Sula

Mga sanggunian

baguhin
  1. BirdLife International (2016). "Eudynamys scolopaceus". IUCN Red List of Threatened Species (sa wikang Ingles). 2016: e.T22684049A93012559. doi:10.2305/IUCN.UK.2016-3.RLTS.T22684049A93012559.en. Nakuha noong 11 Nobyembre 2021.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Johnsgard, PA (1997). The avian brood parasites: deception at the nest (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 259. ISBN 0-19-511042-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The Asian Koel: All You Need to Know About THAT Noisy Bird". FTLOScience (sa wikang Ingles). 2023-01-22. Nakuha noong 2024-10-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. David, N & Gosselin, M (2002). "The grammatical gender of avian genera". Bull. B.O.C. (sa wikang Ingles). 122: 257–282.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Penard, TE (1919). "The name of the black cuckoo" (PDF). Auk (sa wikang Ingles). 36 (4): 569–570. doi:10.2307/4073368. JSTOR 4073368.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Corlett, RT & IKW Ping (1995). "Frugivory by Koels in Hong Kong" (PDF). Mem. Hong Kong Nat. Hist. Soc. (sa wikang Ingles). 20: 221–222. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-12-03. Nakuha noong 2008-11-04.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Edwards, George (1747). A Natural History of Uncommon Birds. Bol. Part II. London: Printed for the author at the College of Physicians. p. 59, Plate 59.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Linnaeus, Carl (1758). Systema Naturae per regna tria naturae, secundum classes, ordines, genera, species, cum characteribus, differentiis, synonymis, locis (sa wikang Latin). Bol. 1 (ika-10th (na) edisyon). Holmiae (Stockholm): Laurentii Salvii. p. 111.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Vigors, Nicholas Aylward; Horsfield, Thomas (1827). "Australian birds in the collection of the Linnean Society; with an attempt at arranging them according to their natural affinities". Transactions of the Linnean Society of London (sa wikang Ingles at Latin). 15 (1): 170–334 [303]. doi:10.1111/j.1095-8339.1826.tb00115.x.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Nakapetsa ang pahinang pamagat noong 1826 subalit na hindi nailathala ang artikulo hanggang 1827.
  10. Gill, Frank; Donsker, David; Rasmussen, Pamela, mga pat. (Hulyo 2021). "Turacos, bustards, cuckoos, mesites, sandgrouse". IOC World Bird List Version 11.2 (sa wikang Ingles). International Ornithologists' Union. Nakuha noong 7 Oktubre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Jobling, James A. (2010). The Helm Dictionary of Scientific Bird Names (sa wikang Ingles). London: Christopher Helm. pp. 152, 351. ISBN 978-1-4081-2501-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Payne, RB (2005). The Cuckoos (sa wikang Ingles). Oxford University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Ripley, SD (1946). "The Koels of the Bay of Bengal" (PDF). The Auk (sa wikang Ingles). 63 (2): 240–241. doi:10.2307/4080015. JSTOR 4080015.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)