Ang Ezo (蝦夷) (binabaybay din bilang Yezo o Yeso)[1] ay isang lumang katawagan sa Hapones na tumutukoy sa mga lupaing nasa hilagang bahagi ng isla ng Honshu sa bansang Hapon.[2] Kabilang dito ang hilagang isla ng Hokkaido, na nagpalit ng pangalan mula "Ezo" bilang "Hokkaidō" noong 1869,[3] at minsan ay tinatawag pang Sakhalin[4] at ang mga Isla ng Kuril.

Ang parehong kanji na ginamit bilang isulat ang salitang "Ezo" , na literal na nangangahulugang " mga barbarong hipon " sa Tsino, ay maaari ring mabasa sa wikang Hapon bilang "Emishi" , isang pangalang ibinigay sa mga katutubo ng mga lupaing ito, na kadalasang maituturing bilang mga desendiyente ng mga taong Ainu .

Etimolohiya

baguhin

Ang "Ezo" ay isang salitang Hapones na nangangahulugang "dayuhan" na tumutukoy sa mga Isla ng Ainu sa hilaga, na pinangalanan ng mga Hapones bilang "Ezo-chi".[4] Ang baybay na "Yezo" ay sumasalamin sa pagbigkas nito noong mga 1600, kung kailan nakipag-ugnayan ang mga Europeo sa kanila. Ang makasaysayang pagbabaybay na ito ay sumasalamin sa terminong Latin na yezoensis, tulad ng Fragaria yezoensis at Porphyra yezoensis. Gayunpaman, may ilan na gumagamit ng kasalukuyang baybay nito tulad ng kabibeng Hapones na kilala bilang hotategai (帆立貝): Mizuhopecten yessoensis.

Kasaysayan

baguhin

Ang unang nailathalang paglalarawan ng Ezo sa Kanluran ay dinala sa Europa ni Isaac Titsingh noong 1796. Kasama sa kanyang maliit na silid-aklatan ng mga librong Hapon kasama ang Sangoku Tsūran Zusetsu (三国通覧図説, Isang Deskripsyong Paglalarawan ng Tatlong mga Bansa) ni Hayashi Shihei . [5] Ang librong ito, na nailathala sa Hapon noong 1785, ay naglarawan sa rehiyong Ezo at ang mga tao. [6]

Noong 1832, suportado ng Oriental Translation Fund ng Great Britain at Ireland ang posthumous na pinaikling paglalathala ng Tankingh's French translation of Sankoku Tsūran Zusetsu . Si Julius Klaproth ang patnugot, kinumpleto ang gawain na naiwang hindi kumpleto sa pagkamatay ng paunang editor ng libro na si Jean-Pierre Abel-Rémusat .

Mga Paghahati

baguhin

Ang Ezo (蝦夷) o Ezogashima (蝦夷ヶ島) (lit., "Isla ng Ezo") ay nahahati sa ilang mga distrito. Ang una ay ang "Wajinchi", o mga lupaing Hapones, na sakop ang ilang mga paninirahang Hapones sa Tangway ng Oshima. Ang natitira naman sa mga Ezo ay kilala bilang Ezochi (蝦夷地) (lit., "Ezo-lupa" o "lupang Ezo"), o mga Lupaing Ainu. Ang Ezochi naman ay nahahati sa tatlong bahagi: ang Hilagang Ezochi na sakop ang timog ng Sakhalin; Kanlurang Ezochi na sakop ang kalahati ng hilagang Hokkaidō; at Silangang Ezochi na sakop ang mataong katimugang Hokkaidō at Kapuluang Kuril.[7]

Tingnan din

baguhin

Mga tala

baguhin
  1. Batchelor, John. (1902). Sea-Girt Yezo: Glimpses at Missionary Work in North Japan, pp. 2-8.
  2. Harrison, John A., "Notes on the discovery of Ezo", Annals of the Association of American Geographers Vol. 40, No. 3 (Sep., 1950), pp. 254-266
  3. Nussbaum, Louis-Frédéric. (2005). "Ezo" in Japan Encyclopedia, p. 184.
  4. 4.0 4.1 Editors: David N. Livingstone and Charles W. J. Withers (1999) "Geography and Enlightenment", University of Chicago Press, page 206
  5. WorldCat, Sangoku Tsūran Zusetsu; alternate romaji Sankoku Tsūran Zusetsu
  6. Cullen, Louis M. (2003). A History of Japan, 1582-1941: Internal and External Worlds, p. 137. sa Google Books
  7. Frey, Christopher J. (2007) Ainu Schools and Education Policy in Nineteenth-century Hokkaido, Japan p.5 sa Google Books

Mga sanggunian

baguhin

Mga kawingang panlabas

baguhin