Felix Resurreccion Hidalgo
Si Félix Resurrección Hidalgo y Padilla (21 Pebrero 1855 – 13 Marso 1913) ay isang Pilipinong artistang biswal. Siya ay kinilala bilang isa sa mga pinakabantog na Pilipinong pintor sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon, at may kabuluhan sa kasaysayan ng Pilinas para sa pagiging isang kakilala at inspirasyon para sa mga kasapi ng kilusang pagbabago ng Pilipinas na kabilang sina José Rizal, Marcelo del Pilar, Mariano Ponce and Graciano López Jaena, bagaman hindi niya isinama ang kanyang sarili nang tuluyan sa kilusang iyon, ni sa paglaon ay makisama sa Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo.
Félix Resurrección Hidalgo | |
---|---|
Kapanganakan | Félix Resurrección Hidalgo y Padilla 21 Pebrero 1855 |
Kamatayan | 13 Marso 1913 | (edad 58)
Libingan | Hilagang Libingan ng Maynila |
Nasyonalidad | Pilipino |
Kilala sa | Pagpipinta, Pagguhit |
Kilalang gawa | Las vírgenes Cristianas expuestas al populacho, 1884,
La barca de Aqueronte (Ang Bangka ng Aqueronte), 1887 in museums: |
Kilusan | Impresyonismo |
Ang kanyang pagkapanalo ng pilak na medalya sa Pagtatanghal ng mga Pinong Sining ng Madrid 1884, kasama ang gintong panalo ng kapwa Pilipinong pintor Juan Luna, pinaudyokan ng pagdiriwang bilang pangunahing takda ng kaganapan sa mga alaala ng mga kasapi ng Pilipinong kilusang pagbabago, kasama ang pagtutugay ni Rizal sa mabuting kalusugan ng dalawang pintor at binabanggit ang kanilang pagkapanalo bilang katibayan na ang mga Pilipino at mga Kastila ay pantay lamang.[1]
Talambuhay at edukasyon
baguhinIpinanganak si Hidalgo sa Binondo, Maynila noong 21 Pebrero 1855. Pangatlo siya sa mga pitong anak ni Eduardo Resurrección Hidalgo at María Bárbara Padilla. Siya ay nag-aral ng abogasya sa Pamantasan ng Santo Tomas nguni't hindi niya tinapos. Nakatanggap siya ng katibayang Batsilyer sa Pilosopiya noong Marso 1871. Siya ay kumuha nang kasabay sa Escuela de Dibujo y Pintura (Paaralan ng Pagguhit at Pagpipinta). Noong 1876, nasilip ang kanyang mga likhang La barca (Ang Katutubong Bangka), Vendedora de lanzones (Tindera ng Lansones) at iba pang mga larawang-pinta sa Teatro Circo de Bilibid bago dalhin sa Pagtatanghal Sentenyal sa in Philadelphia, Pennsylvania ng taong iyon. Noong 1878, nagpinta siya ng masigid at mahusay na pagkakagawang Los mendigos (Mga Pulubi).
Buhay sa ibang bansa
baguhinNoong 1877, ginawaran si Resurrección Hidalgo sa ikalawang puwesto sa patimpalak para sa pinakamagandang disenyo ng pabalat para edisyong de luxe ng Flora de Filipinas ("Halamanan ng Pilipinas") ni Fr. Manuel Blanco. Noong 1879, umalis si Hidlago tungong Espanya bilang isang pensyonado sa pinong sining ng Ayuntamiento ng Maynila.
Nagawaran ang kanyang Las Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho (Ang mga Kristiyanong birhen na Nilantad sa mga Tao), bilang ang ika-siyam na medalyang pilak sa Exposición General de Bellas Artes noong 1844 sa Madrid.[2][3][4] Ipinapakita dito ang isang pangkat ng mga mukhang bastos na mga lalaki na nanunuya ng mga bahagiang-hubad na babaeng Kristiyano, isa dito ang nakaupo sa harapan, na nakayuko ang ulo sa pagdurusa. Sa kaparehong eksposisyon, nagawaran ang Spoliarium ni Luna ng gintong medalya.
Mga aklat at mga paglalathala
baguhin- Si Félix Resurrección Hidalgo & ang Salinlahi ng 1872 ni Alfredo R. Roces, Pundasyong Eugenio López, 1998.
- Isang Gabay sa mga Larawang-Pinta nina Luna at Hidalgo sa Museong Pang-Alaala kay Lopez ng Museo Lopez, Pundasyong Eugenio López, 1979.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Guerrero, Leon Ma. (1974). Ang Unang Pilipino: Ang Talambuhay ni Jose Rizal. Pambansang Komisyong Pangkasaysayan: Maynila
- ↑ Ocampo, Ambeth R. (2001, Feb 14). Appreciating Luna and Hidalgo's Paintings. Philippine Daily Inquirer. p. A9 (sa Ingles)
- ↑ Ocampo, Ambeth R. (2000, March 15). Interiors of Hidalgo's Paris Studio. Philippine Daily Inquirer. p. 9 (sa Ingles)
- ↑ Tingnan din: Gaceta de Madrid, no. 164, 12/06/1884, p. 694 (sa Ingles)
Mga pinagkunan
baguhin- Ocampo, Ambeth (3 Oktubre 2008), "Looking Back: A gifted painter now almost forgotten", Philippine Daily Inquirer, inarkibo mula sa orihinal noong 31 Hulyo 2013, nakuha noong 3 Oktubre 2008
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)