Ang Farmville ay isang larong ginagaya (o nag-si-simulate) ang pagsasaka at ito rin ay larong social network na ginawa ng kompanyang Zynga noong 2009. Katulad nito ang larong Happy Farm, Farm Town at Harvest Moon kung saan, bilang may-ari ng farm o bukid, aalagaan mo ang sarili mong bukid. Katulad ng karaniwang ginagawa sa bukid, sa larong ito kinakailangan mo ring mag-araro ng lupa, magtanim ng buto, alagaan ang mga tanim, anihin ang mga halaman, mag-alaga ng mga hayop at iba pang gawaing pangbukid.

FarmVille
NaglathalaZynga
Nag-imprenta
  • Zynga Edit this on Wikidata
EngineFlare3D
PlatapormaAndroid[1]
iOS[2]
Adobe Flash
HTML5
ReleaseFacebook (Biyernes 19 Hunyo 2009)[3]
HTML5 (Huwebes 13 Oktubre 2011)
DyanraSimulation, RPG
ModeSingle-player na may multiplayer interaction

Ito ay malalaro sa pamamagitan ng aplikasyong Adobe Flash sa mga websayt na social networking katulad ng Facebook at MSN Games ng Microsoft. Malalaro din ito bilang mga application para sa iPhone, iPod Touch at iPad. Ang larong ito ay isang larong freemium kung saan libre itong malalaro ng mga tao pero may option silang bilhin ang mga nilalamang premium nito. Ang FarmVille ay lubusang sumikat sa Facebook ngunit di naglaon ay bumaba din ang popularidad nito. Sa tala noong Setyembre 2011, ang Farmville ay pangatlo na lamang sa pinakapopular na laro sa Facebook. Nangunguna naman ang CityVille at The Sims Social rito.

Paraan ng paglaro

baguhin

Bago magsimulang sa bukid, ang manlalaro ay kinakailangan munang gumawa ng sariling avatar na maari niyang palitan ano mang oras niya gustuhin. Katulad ng lahat ng magsasaka, ang manlalaro ay magsisimula sa isang tipak ng lupa bitbit ang kakaunting pera o farm coins na siyang gagamitin bilang kapital sa pagpapalago ng bukid. Ang manlalaro ay nakakakuha naman ng XP o experience points sa bawat aksiyong kanyang gagawin katulad ng pag-aararo at pagbili ng mga gamit. Habang dumarami ang XP na nakukuha sa laro, ang manlalaro ay umaangat din ang level o antas sa laro. Habang ang manlalaro naman ay nakakakuha ng mga kagamitan at tumataas ang antas sa laro, ang mga halaman at mga hayop na hindi mo pa maaring bilhin noon ay unti-unting nagkakaroon sa tindahan at maari mo itong bilhin ng iyong farm coins o farm cash.

Halaman

baguhin

Ang pinaka-paraan para makatubo ka ng maraming salapi sa larong ito ay ang pagtatanim at pag-aani ng mga halamang tanim. Para makapagpatubo at makapagpalaki ng halaman, kailangan munang bumili ng manlalaro ng mga buto sa tindahan at saka itanim ito at alagaan. Maari mo lamang anihin ang itinanim na halaman sa takdang oras at depende ito halaman kung gaano katagal ito lalaki. Ngunit kapag hindi mo naman ito naani kaagad ay maari itong malanta at maaring ikalugi ito ng iyong bukid. Ngunit sa larong ito maari kang bumili ng mga bagay na kayang tanggalin ang pakalanta sa nalanta mong halaman. Maari ka din makabili ng mga bagay na kayang pabilisin ang pagtubo ng iyong mga tanim. Ngunit mabibili mo lang ito sa karampatang farm coins at farm cash. Habang ang antas ng manlalaro ay tumataas, nagkakaroon din sa tindahan ang mga halamanag mas may kalidad at mas mabebenta sa mas mataas na presyo.

Livestock

baguhin

Ang manlalaro ay maaari ding bumili ng mga livestock o domestikadong hayop (katulad ng baka, kambing, manok) at puno (katulad ng puno ng cherry) sa FarmVille. Ang mga puno at livestock ay hindi namamamatay sa laro kaya isa rin itong magandang pagkunan ng pera sa laro.

Interaksiyon at pagreregalo

baguhin

Katulad ng ibang laro ng Zynga, maari kang makipag-interaksiyon sa iyong mga kaibigan sa Facebook na naglalaro din ng FarmVille. Maaring imbitahan ng players ang kanilang mga "kapitbahay" o kaibigan sa kanilang mga bukid. Maari rin kayong magbigayan ng regalo sa isa't isa at magkumpleto ng mga gawain para makakuha ng mga gantimpala at mas mapalaki kaagad ang kita ng bukid.

Dekorasyon

baguhin

Upang mas mapaganda ang itsura ng iyong bukid, may mabibili din sa laro na mga iba't ibang palamuti na maari mong ilagay sa bukid. Maari kang maglagay ng mga gusali, bakod, gnomes, banderitas at iba pa. May mga dekorasyon ding may tema katulad ng mga temang Halloween, temang tag-niyebe, temang Pasko at iba pa.

Gantimpala

baguhin

Ang FarmVille ay pinangaralang Best New Social/Online Game o Pinakamagaling na Bagong Larong Online/Sosyal ng Game Developer’s Conference noong 2010.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Zynga. "FarmVille 2: Country Escape - Android Apps on Google Play". google.com.
  2. Zynga Inc. (17 Abril 2014). "FarmVille 2: Country Escape". App Store.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Zynga's FarmVille Becomes Largest and Fastest Growing Social Game Ever" (Nilabas sa mamamahayag). Market Watch. 27 Agosto 2009. Nakuha noong 11 Oktubre 2009.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)