Fovismo
Ang Fovismo ay ang istilo ng les Fauves (salitang Pranses para sa "ang mga mababangis na hayop"), isang malayang grupo ng mga modernong pintor noong dekada 1900 na ang mga trabaho at dibuho ay kakikitaan ng mga kalidad na pang dalawang dimensyong dibuho at malalakas at matitingkad na gamit ng kulay na hindi gaya sa mga representasyonal at realistikong karakter na hindi binitawan ng Impresiyonismo. Habang ang Fovismo bilang istilo ay nagsimula nang 1900 at nagpatuloy hanggang 1910, ang mismong kilusan ay tumagal lamang ng ilang taon, 1904-1908, at nagkaroon ng tatlong pagpapakita. Ang mga namuno ng Fovismo ay sina Henri Matisse at Andre Derain.
Mga alagad ng sining at istilo
baguhinBukod kanila Matisse at Derain, may iba ring alagad ng sining na kabilang sa Fauvism. Ito ay sina Albert Marquet, Charles Camoin, Louis Valtat, ang pintor na Belhiko na si Henri Evenepoel, Maurice Marinot, Jean Puy, Maurice de Vlaminck, Henri Manguin, Raoul Dufy, Othon Friesz, Georges Rouault, Jean Metzinger, ang pintor na Olandes na si Kees van Dongen, at si Georges Braque (na kasama rin ni Pablo Picasso sa Cubism).
Ang mga dibuho ng mga Fauves ay kakikitaan ng marahas na brush work at matitingkad na kulay, habang ang tinutukoy ng kanilang mga dibuho ay mayroong mataas na antas ng pagpapayak at pagkabasal. Ang Fovismo ay maaaring ikategorya bilang matinding pagpapaunlad ng Post-Impresiyonismo ni Vincent van Gogh na sinamahan ng pointillism ni Seurat at iba pang Neo-Impresiyonista na pintor, partikular si Paul Signac. Ang iba pang nagbigay ng mga mahahalagang impluwensya ay sina Paul Cezanne at Paul Gauguin, na ang pag tanggap at pag gaya sa mga dibuhong may matitingkad na kulay, lalo na ang mga dibuho galing sa Tahiti, ay malakas na naimpluwensyahan ang dibuho ni Derain sa Collioure noong 1905. Noong 1888 sinabi ni Gauguin kay Paul Serusier: “How do you see the trees? They are yellow. So, put in yellow; this shadow, rather blue, paint it with pure ultramarine; these red leaves? Put in vermillion.” (Paano mo nakikita ang mga puno? Dilaw ba? Kung gayon, maglagay ka ng dilaw; itong anino, imbes na bughaw, pinturahan ito ng purong ultramarino; ito mga pulang dahon? Kulayin ng pulang-pula.)
Ang Fauvism ay puwede ring tingnan bilang tipo ng Expresiyonismo.
Pagsisimula
baguhinSi Gustave Moreau ang gurong nagbigay inspirasyon sa kilusan. Isa siyang kontrobersyal na guro sa École des Beaux-Arts sa Paris at pintor na simbolista. Tinuruan niya sila Matisse, Marquet. Maguin, Rouault, at Camoin noong 1890’s, at binansagan ng mga kritiko bilang lider sa pilosopiya ng grupo hanggang 1904 nang si Matisse na ang kilalanin. Ang pagkamalawak ng isip ni Moreau, pagiging orihinal, at pagtanggap sa daynamikong kapangyarihan ng kulay ay inspirasyon para sa kangyang mga estudyante. Sinabi ni Matisse tungkol sa kanya, “He did not set us on the right roads, but off the roads. He disturbed our complacency.” (Hindi niya tayo dinal sa tamang mga daanan, ngunit sa labas ng mga daanan. Binalisa niya ang ating kasiyahang-loob.) Nang mamatay si Moreau noong 1898, nawala ang sanhi ng ganitong pag-intindi, pero nakahanap ng ibang makasusuporta sa kanilang pag-unlad ang mga alagad ng sining.
Noong 1896, si Matisse, isa pang hindi kilalang estudyante, ay binisita ang pintor na si John Peter Russell sa isla ng Belle Ile. Isang Impressionist na pintor si Russell; hindi pa nakakakita si Matisse ng direktang pintang Impresiyonista at sa sobrang pagkagulat ay umalis pagkatapos ng sampung araw at sinabi, "I couldn't stand it anymore." (Hindi ko na matagalan ito) Nang sumunod na taon bumalik siya sa pulo bilang estudyante ni Russell at iniwan ang kanyang kulay-lupang palate para sa matitingkad na Impresiyonista na kulay, kinalaunan sinabi niya, "Russell was my teacher, and Russell explained color theory to me." (Si Russell ang aking guro, at si Russell ang nagpaliwanag sa akin ng teoriya ng kulay.) Malapit na kaibigan ni Russell si Vincent Van Gogh at binigyan niya si Matisse ng guhit ni Van Gogh.
Noong 1901, nasilayan ni Maurice de Vlaminck ang trabaho ni Van Gogh sa isang eksibisyon sa unang pagkakataon, pagkatapos sinabi niyang mas mahal niya si Van Gogh kaysa sa kanyang ama; sinimulan niyang magtrabaho sa pamamagitan ng pagpisil sa tubo at direktang pagpahid ng pintura sa kambas. Katumbas ng pagtuklas ng mga alagad ng sining sa kontemporaryong eksperimental na sining ay ang pagkahilig sa bago ang Renasimyento na sining ng Pranses, na ipinalabas sa French Primitives, 1904 na pagpapakita. Isa pang impluwensiya sa pormal na kalidad at biswal na kagandahan ay ang mga Aprikanong iskultura, kung saan kolektor sila Vlaminck, Derain, at Matisse.
Marami sa mga karakter ng Fovismo ay unang ginamit sa dibuho ni Matisse na Luxe, Calme et Volupté (“Luxury, Calm and Pleasure”), na ginawa niya ng summer ng 1904 habang nasa Saint-Tropez kasama sila Paul Signac at Henri-Edmond Cross.
Salon d'Automne 1905
baguhinPagkatapos obserbahan ang may matatapang na kulay na mga kambas nila Henri Matisse, André Derain, Albert Marquet, Maurice de Vlaminck, Kees van Dongen, Charles Camoin, at Jean Puy sa Salon d'Automne ng 1905, kinutyang “fauves” ng kritikong si Louis Vauxcelles ang mga pintor. Dito hango ang pangalang Fovism,o inilarawan ni Vauxcelles ang kanilang mga trabaho sa pariralang “Donatello chez les fauves” (“Donatello among the wild beasts”), pagkumpara ng kanilang orgie of tones sa isang iskulturang may istilong Renasimyento na kahati nila sa silid ng kanilang pagpapakita. Hindi Fauve si Henri Rousseau, pero ang kanyang malaking eksena sa gubat The Hungry Lion Throws Itself on the Antelope ay nakalagay malapit sa trabaho ni Matisse at maaaring may impluwensya sa kritisismo at kutyang ginamit. Ang komentaryong iyon ni Vauxcelles ay naka-imprinta sa Oktubre 17, 1905 Gil Blas, isang dyaryo, at naging popular na gamit. Ang mga trabaho ay nakatanggap ng marami-raming pagtanggi- “A pot of paint has been flung in the face of the public”, sulat ng kritikong si Camille Mauclair (1872-1945)- pero mayroon ding positibong atensyon. Ang trabahong nakatanggap ng pinakamaraming pagkutya ay ang Woman with a Hat ni Matisse. Ang pagbili dito nila Gertrude at Leo Stein ay nagbigay ng positibong epekto kay Matisse, na dumaranas ng malalang depresyon dahil sa negatibong pagtanggap ng kanyang mga trabaho. Ang Neo-Impressionist landscape ni Matisse, Luxe,Calme et Volupté, ay naka-eksibit na sa Salon des Independendants ng tagsibol ng 1905.
Mga artista at istilo
baguhinBesides Matisse and Derain, other Kasama sa mga artista sina Robert Deborne, Albert Marquet, Charles Camoin, Bela Czobel, Louis Valtat, Jean Puy, Maurice de Vlaminck, Henri Manguin, Raoul Dufy, Othon Friesz, Georges Rouault, Jean Metzinger, Kees van Dongen, Émilie Charmy at Georges Braque (pagkatapos ay kasosyo ni Picasso sa Kubismo).[1]
Ang mga pagpipinta ng mga Fauves ay nailalarawan sa pamamagitan ng tila ligaw na gawa ng brush at strident na kulay, habang ang kanilang paksa ay may mataas na antas ng pagpapasimple at abstrakto.[2] Ang Fauvism ay maaaring uriin bilang isang matinding pag-unlad ng Post-Impresyonismo ni Van Gogh na pinagsama sa pointillism ng Seurat[2] at iba pang Neo-Impresyonistang pintor, lalo na si Paul Signac. Ang iba pang pangunahing impluwensya ay si Paul Cézanne[3] at si Paul Gauguin, na ang pagtatrabaho sa mga lugar na may puspos na kulay—lalo na sa mga pintura mula sa Tahiti—ay malakas na nakaimpluwensya sa trabaho ni Derain sa Collioure noong 1905.[4] Noong 1888, sinabi ni Gauguin kay Paul Sérusier:[5] "Paano mo nakikita ang mga punong ito? Sila ay dilaw. Kaya, ilagay sa dilaw; ang anino na ito, sa halip asul, pintura ito ng purong ultramarine; itong pulang dahon? Ilagay sa vermilion."↵Ang Fauvism ay inihambing sa Expressionism, kapwa sa paggamit nito ng purong kulay at walang limitasyong brushwork.[2] Ang ilan sa mga Fauves ay kabilang sa mga unang avant-garde artist na nangongolekta at nag-aral ng African at Oceanic na sining, kasama ng iba pang anyo ng hindi Kanluranin at katutubong sining, na humahantong sa ilang Fauves patungo sa pag-unlad ng Kubismo.[6]
Tingnan din
baguhinMga sangunnian
baguhin- ↑ John Elderfield, The "Wild Beasts" Fauvism and Its Affinities, 1976, Museum of Modern Art, p.13, ISBN 0-87070-638-1
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Tate (2007). Glossary: Fauvism. Retrieved on 2007-12-19, Fauvism, Tate Naka-arkibo 2020-07-31 sa Wayback Machine.
- ↑ Freeman, 1990, p. 15.
- ↑ Teitel, Alexandra J. (2005). "History: How did the Fauves come to be?". "Fauvism: Expression, Perception, and the Use of Color", Brown University. Retrieved on 2009-06-28, Brown courses Naka-arkibo 2010-11-16 sa Wayback Machine.
- ↑ Collins, Bradley, Van Gogh and Gauguin: Electric Arguments and Utopian Dreams, 2003, Westview Press, p. 159, ISBN 0-8133-4157-4.
- ↑ Joshua I. Cohen, "Fauve Masks: Rethinking Modern 'Primitivist' Uses of African and Oceanic Art, 1905-8." The Art Bulletin 99, no. 2 (June 2017): 136-65.