Federico B. Sarabia, Sr.
Si Dr. Federico Borja Sarabia Sr. ang kauna-unahang optometrista sa bansa ng Pilipinas. Ipinanganak siya noong 18 Hulyo 1886, ang bugtong na anak ni Benigno Sarabia at Inocenta Jimenez. Nakapagtapos siya ng paham (doctorate) sa Kolehiyo ng Hilagang Illinois sa Optometrista. Sa edad na 21 taong gulang, bumalik si Sarabia sa Pilipinas noong 1906 at nagtayo ng sariling klinika sa Lungsod ng Iloilo.
Naisabatas ang unang Batas sa Optometrista noong 1917. Si Dr. Sarabia ang nakakuha ng Propesyonal na Lisensiya sa larangan ng optometriya bilang numero uno. Nilipat niya ang kaniyang klinika sa Escolta noong 1918. Kabilang sa mga tanyag niyang pasyente ay si Saturnina Rizal, kapatid ni Dr. Jose Rizal at ang dating presidenting Manuel L. Quezon.[1] Nagtayo din ng mga klinika si Dr. Sarabia sa Lungsod ng Bacolod, Cebu, Davao at Lungsod ng Roxas.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "'Pamahiin,' a different challenge for Dennis Trillo". Manila Bulletin. 2006-04-06. Nakuha noong 2008-01-24.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Celebria, Limuel S. (2006-07-14). "Sarabia Optical celebrates 100 years of service". Sun.Star Iloilo. Nakuha noong 2008-01-24.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.