Pusa

(Idinirekta mula sa Felis catus)

Ang Pusa, Felis catus, o Felis silvestris catus (Ingles: Cat; kuting kapag bata) ay isang hayop na inaalagan ng tao. Kadalasang hinuhuli nito ang mga bubuwit at ibon.[3] Isang karniboro ang mga pusa o mga mamalyang kumakain ng karne na kabilang sa pamilyang Felidae. Naging alagang domestikado ang mga pusa na may higit na sa 3,000 mga taon, at tanyag sila bilang mga alagang hayop sa bahay. Una silang naging domestikado o "pusang-bahay" at inalagaan dahil kumakain sila ng mga peste, subalit nang lumaon inalagaan sila dahil sa pagiging palakaibigan at mabuting kasama sa buhay.

Pusa
Iba't ibang pusa
Katayuan ng pagpapanatili
Domesticated
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Carnivora
Suborden: Feliformia
Pamilya: Felidae
Subpamilya: Felinae
Sari: Felis
Espesye:
F. catus
Pangalang binomial
Felis catus
Kasingkahulugan
  • Catus domesticus Erxleben, 1777[2]
  • F. angorensis Gmelin, 1788
  • F. vulgaris Fischer, 1829
20 taong gulang pusa
Pagpatay ng pusa sa isang daga

Ginagamit din ang salitang "pusa" para sa ibang mga kasapi ng Felidae: ang mga malalaking pusang tulad ng liyon, tigre, at iba pa; at maging para sa mga pusang-gubat na lynx, puma, at iba pa. Maiilap ang mga pusang ito at maaaring maging labis na mapanganib. Maraming mga uri ng ganitong mga pusa.

Batay sa katawagang Ingles, tinatawag na Reyna ang babaeng pusa, samantalang Tom naman ang lalaking pusa.

Pinagmulan at ebolusyon

baguhin
 
Linyang panahong ebolusyonaryo ng Feliform.

Ang lahat ng mga modernong carnivora kabilang ang mga pusa ay nag-ebolb mula sa hayop na Miacoidea na lumitaw mga 65 hanggang 33 milyong taon ang nakalilipas. Ang espesyeng Miacoid ay nagpalitaw sa espesyng Proailurus (na nangangahulugang "unang pusa" at tinatawag ring "Leman's Dawn Cat") na lumitaw mga 30 milyong taon ang nakalilipas at pangkalahatang itinuturing na ang unang "tunay na pusa".[4] Mayroon ibang mga tulad ng pusang espesya bago ang Proailurus ngunit hindi sa loob ng pamilya ng order na Carnivora. Ang pagtaas ng disparidad hanggang sa panahong Simulang Mioseno ay nangyari sa panahon nang ang ilang mga fossil na feliform ay natagpuan sa Hilagang Amerika. Ang mga hypercarnivorous nimravid feliform ay ekstinkt sa Hilagang Amerika pagkatapos ng 26 milyong taon ang nakalilipas at ang mga felid ay hindi dumating sa Hilagang Amerika hanggang sa panahong Gitnang Mioseno sa paglitaw ng Pseudaelurus. Ang Pseudaelurus ay tumawid sa Hilagang Amerika sa daan ng Lupaing Tulay ng Bering strait mula sa nakapagpatuloy na mga populasyon sa Asya 18.5 milyong taon ang nakalilipas. Ang lahat ng mga modernong pusa ay nagmula sa Pseudaelurus. Ang mga Nimravid ay mga hayop na may ngiping saber na tulad ng pusa ng pamilyang Nimravidae. Bagaman hindi mga "tunay na pusa" sa pamilyang Felidae, ang mga Nimravidae ay itinuturing na kapatid na taxon ng mga felid. Ang mga ito ay mga basal feliform ngunit ang eksaktong paglalagay ng mga ito sa loob ng pangkat na Carnivora ay hindi pa rin matiyak. Sa pisikal, ang Nimravidae ay kamukha ng Smilodon na kalaunang nag-ebolb ng maraming milyong taon. Ang Nimravidae ay naging ekstinkt rin sa Hilagang Panahon sa panahon ng "puwang ng pusa".[5]

 
Ang Aprikanong pusang ligaw (Felis silvestris lybica) ang ninuno ng mga domestikadong pusa.

Ang ebidensiyang henetiko, morpolohikal at arkeolohikal ay nagmumungkahing ang domestikadong pusa(house cat) ay dinomestika mula sa Aprikanong pusang ligaw (African wild cat) mga 10,000 hanggang 8,000 taon ang nakalilipas sa Fertile Cresecent.[6][7][8]

Ang mga pusa ay naipangalang siyentipikong pangalan na Felis catus ni Carl Linnaeus sa ika-10 edisyon ng Systema Naturae na nailathala noong 1758.[1][9]

Katangian

baguhin

Haba at bigat

baguhin

Ang karaniwang haba ng isang pusa ay 46 cm mula ulo hanggang pwet at 23 cm mula paa hanggang ulo.[10] Mas malaki ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Ang karaniwang timbang ay 4 o 5 kg.

Ang kuko ng mga pusa ay nailalabas-pasok.[11] Kapag nakatago ang kuko ng pusa, mas napapanatili ang pagkatulis nito. Mas matulis ang kuko ng pusa sa harap na paa kaysa sa likurang paa.[12]

Balanse

baguhin

Tuwing nahuhulog ang isang pusa mula sa mataas na lugar, naiikot nito ang katawan at nailalapag ang paa. Nagagawa nila ito kapag ang taas ng lugar ay lagpas 90 cm.[13]

Pag-uugali

baguhin

Ang mga pusa ay isang superpredator at espesyeng mananakop. Kabilang sa mga kinakain nito ang mga daga at ibon. Sa Australia, ang pusa ay responsable sa ekstinksiyon ng hindi bababa sa 20 katutubong mamalya sa bansang ito.

Sa kultura ng tao at Mitolohiya

baguhin

Ayon sa ilang mga historyan at mga arkeologo, ang mga pusa ay unang inalagaan sa sinaunang Ehipto. Sa sinaunang Ehipto, ang mga pusa ay itinuturing at sinasamba bilang mga diyos at diyosa at mayroong isang diyos na nagngangalang Bastet sa Ehipto na mukhang pusa o isang babaeng leon. Ang mga Romano ang nagdala ng mga pusa sa Ehipto papuntang Europa. Dinala naman ng mga taga-Europa ang mga pusa sa paglalayag nila sa mga barko at nung dumating sila sa iba't ibang parte ng mundo, kasama nila ang kanilang mga alagang pusa at sila o ang mga taga-Europa ang nagdala ng mga pusa sa iba't ibang parte ng mundo.

Papa Gregorio IX

baguhin

Noong 1233, itinatag ni Papa Gregorio IX ang inkisisyon at nagpadala ng mga decretal kung saan inituos na sunugin ang mga erehe. Sa pamamagitan ng pagpapahirap at inkisisyon ni Konrad von Marburg, natuklasan ang isang kultong Luciferiano na sumasamba kay Satanas sa anyo ng isang itim na pusa. Inilarawan sa vox in Rama ni Papa Gregorio IX ang inisiasyon ng mga kasapi sa kultong ito. Dahil dito, nagkaroon ng pamahiin sa Europa kung saan ang itim na pusa ay inuugnay kay Satanas at pagsusunog ng mga pusa sa Europa at Pransiya ay naging libangan ng mga mamamayan na pinaniniwalaang ng ilang historyan na nag-ambag sa pagkalat ng salot na Itim na Kamatayan na pumatay ng hanggang 200 milyong tao noong ika-14 siglo.

Mga pista ng pusa

baguhin
 
Minneke Poes, isa sa higanteng pusa ng paradang Kattenstoet.

Sa Ypres, Belgium, isang kustombre ng paghahagis ng mga pusa mula sa belfry ng mga simbahan at pagkatapos ay susunugin ang mga pusang ito ay dinadaos tuwing pista ng mga pusa na Kattenstoet na nagpatuloy hanggang 1817 bagaman patuloy pa rin itong dinadaos hanggang sa kasalakuyan gamit ang pinalamanang pusa. Sa Denmark, sa Fastelavn,ang mga pusa ay binubugbog hanggang mamatay upang palayasin ang masasamang espirito tuwing Semana santa.[14]

Mga pamahiin tungkol sa pusa

baguhin

Mayroong kasabihan na nagsasabi na kapag may nakita kang itim na pusa na dumadaan malapit sa tao, ang tao ay mamalasin. Ang Maneki-neko ay usang pigurang pusa na karaniwang nilalagay sa harap ng mga tindahan bilang pampasuwerte. Ayon din sa mga ibang kasabihan, may siyam na buhay ang mga pusa.

Mga sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 Wozencraft, W.C. (2005). "Species Felis catus". Sa Wilson, D.E.; Reeder, D.M (mga pat.). Mammal Species of the World: A Taxonomic and Geographic Reference (ika-3rd (na) edisyon). Johns Hopkins University Press. pp. 534–535. ISBN 978-0-8018-8221-0. OCLC 62265494. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Erxleben, J. C. P. (1777). "Felis Catus domesticus". Systema regni animalis per classes, ordines, genera, species, varietates cvm synonymia et historia animalivm. Classis I. Mammalia. Lipsiae: Weygandt. pp. 520–521.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  4. Hunter, Luke; Hinde, Gerald (2005). Cats of Africa: Behaviour, Ecology, and Conservation. Cape Town: Struik. pp. 40–42. ISBN 1-77007-063-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. R. M. Joeckel; Stephane Peigneb; Robert M. Hunt; Robert I. Skolnick (2002). "The Auditory Region and Nasal Cavity of Oligocene Nimravidae". Journal of Vertebrate Paleontology. 22 (4): 131–135. doi:10.1671/0272-4634(2002)022[0830:TARANC]2.0.CO;2. Nakuha noong 2008-11-28.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Driscoll, C. A.; Menotti-Raymond, M.; Roca, A. L.; Hupe, K.; Johnson, W. E.; Geffen, E.; Harley, E. H.; Delibes, M.; Pontier, D.; Kitchener, A. C.; Yamaguchi, N.; O’Brien, S. J.; Macdonald, D. W. (2007). "The Near Eastern Origin of Cat Domestication" (PDF). Science. 317 (5837): 519–523. doi:10.1126/science.1139518. PMID 17600185.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Wade, N. (2007). "Study Traces Cat's Ancestry to Middle East". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Abril 2009. Nakuha noong 2 Abril 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Oldest Known Pet Cat? 9500-year-old Burial Found on Cyprus". National Geographic News. National Geographic Society. Abril 8, 2004. Nakuha noong Marso 6, 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Linnaeus, C. (1758). Systema naturae (sa wikang Latin). Bol. 1 (ika-10th (na) edisyon). Stockholm: Lars Salvius. p. 42. Nakuha noong 4 Setyembre 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Domestic cat". 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  11. "Felid form and Function". 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  12. "Outline of Cat Lessons". 1900. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  13. "The labyrinthine posture reflex (righting reflex) in the cat during weightlessness" (PDF). 1957. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2020. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  14. https://www.kbh-sprogcenter.dk/en/blog/danish-fastelavn/

Bibliyograpiya

baguhin
  1. Catscans.com Naka-arkibo 2008-08-31 sa Wayback Machine.
  2. namesz.org Naka-arkibo 2019-01-20 sa Wayback Machine.
  3. Facts About Cats.com Naka-arkibo 2008-09-03 sa Wayback Machine.
  4. Vetmedicine.About.com
  5. PurinaOne.com Naka-arkibo 2012-02-10 sa Wayback Machine.
baguhin
 
Ordinaryo na pusa