Peminismo

(Idinirekta mula sa Feminism)

Ang peminismo ay pagtitipon ng mga kilusan at mga kaisipan na layunin ang magtakda, magtatag, at maipagtanggol ang pantay na pampulitika, pangkabuhayan, pangkultural, at panlipunang mga karapatan para sa mga kababaihan. Nabibilang dito ang pagtatatag ng pantay na mga pagkakataon para sa mga kababaihan sa edukasyon at sa paghahanap-buhay. Ang isang peminista ay tumataguyod o sumusuporta sa mga karapatan at sa pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan.

Peminismo
Pagtipun-tipunin sa Dhaka, Bangladesh para sa Internasyunal na Araw ng mga Kababaihan noong 8 Marso 2005.

Ang peministang teorya, na lumitaw mula sa mga peministang kilusan, ay lumalayong maunawaan ang pinagmulan ng hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian sa pamamagitan ng pagsuri sa mga panlipunang tungkulin at natamong karanasan ng isang babae; ito ay mga teorya sa samu’t saring mga sangay upang matugunan ang mga suliranin tulad ng panlipunang konstruksiyon ng kasarian. Ilan sa mga naunang anyo ng peminismo ay pinuna dahil sa pagsasaalang-alang lamang sa mga puti, nakaririwasa, at nakapag-aaral. Humantong ito sa pagkakabuo ng tiyak na pang-etniko o multiculturalist na mga anyo ng peminismo.

Ang mga peministang aktibista ay nagkakampanya para sa mga karapatan ng mga kababaihan – tulad ng sa contract law, sa pag-ari, at sa pagboto – habang itinataguyod din ang mga karapatang pang-integridad, pangpagsasarili, at pang-reproductive para sa mga kababaihan. Nabago ng mga kampanyang peminismo ang mga lipunan, lalo na sa Kanluran, sa pagkakamit ng karapatang bumoto para sa mga kababaihan, pagkakapantay-pantay ng kasarian sa mga tiga-Inglatera, pantay na sahod para sa mga kababaihan, mga karapatang pang-reproductive para sa mga kababaihan (kasama na ang pagkamit ng mga contraceptive at ng pagpapalaglag), at ang karapatang makapagsagawa ng mga kasunduan at makapakaroon ng ari-arian. Ipinagtanggol ng mga peminista ang mga kababaihan mula sa karahasan sa tahanan, sekswal na panggigipit, at paggagahasa. Ipinagtaguyod din nila ang karapatan sa pinagtatrabahuhan, kasama na ang maternity leave, at nilabanan ang mga anyo ng diskriminasyon laban sa mga babae.

Ang peminismo ay nakatutok, higit sa lahat, sa mga suliranin ng mga kababaihan, ngunit hamon naman ng manunulat na si bell hooks, dahil layunin ng peminismo ang pagkakapantay-pantay ng kasarian, kinakailangan na dapat din maisama ang pagpapalaya sa mga kalalakihan sapagkat nasasaktan din sila ng sexism at gender roles.

Mga kahulugan

baguhin

Kaugnay ng mga feminista o makababae (makapangkababaihan), tumutukoy ang feminismo sa simulaing naghahangad ng pantay o parehas na karapatan para sa mga babae.[1] Ito rin ang pagtangkilik o kilusang tumatangkilik ng mga karapatan ng mga kababaihan.[2]

Kasaysayan

baguhin

Hinati ng mga feminista at mga iskolar ang kasaysayan ng kilusan sa tatlo. Ang una ay tumutukoy sa mga kilusan ng mga kababaihan na bumoto noong ikalabinsiyam at unang bahagi ng ikadalawampung siglo. Ang ikalawa ay tumutukoy sa mga ideya at aksiyong may kaugnayan sa kilusan ng mga kababaihanng kalayaan simula noon dekada sisenta (na nagkampanya para sa legal at panlipunang pagkakapantay-pantay para sa mgakababaihan). Ang ikatlo ay tumutukoy sa pagpapatuloy at reaksiyon sa malinaw na pagkabigo ng ikalawang kilusan ng peminismo simula sa dekada nobenta.

Mga Paksang May Kinalaman sa Peminismo

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Feminism, feminismo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Feminism". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 56.