Pagbuburo

(Idinirekta mula sa Fermentation)

Ang permentasyon, pagpapahilab,[1] o pagbuburo[2] ay ang proseso ng paggamit ng isang selula (sihay) ng asukal para sa enerhiya na hindi gumagamit ng oksiheno sa loob ng iisang panahon. Ang pampaalsa (lebadura) ay isang organismong nakapagbuburo. Kapag binuburo ng lebadura ang asukal, kinakain ng pampaalsa ang asukal at nakakalikha ng alkohol. Ang ibang mga selula ay nakakalikha ng suka o asidong laktiko kapag binuburo nila ang asukal. Ang permentasyon ay ginagamit sa paggawa ng serbesa, ng ilang mga uri ng panggatong, at ginagamit din upang umalsa ang tinapay, pati na sa paggawa ng mga pagkaing binuro katulad ng mga atsara.

Ang nagaganap na pagbuburo o permentasyon: ang mga linab ay nabuo dahil sa mga bula ng "hangin" o gas ng CO2 at ng mga materyal na binuburo.

Mga uri ng permentasyon

baguhin

Kapag nagbuburo ang lebadura, binubuwag nito ang glukosa (C6H12O6) upang maging ethanol (CH3CH2OH) at karbong dioksido (CO2).

  • Ang permentasyon ng ethanol ay palaging nakakagawa ng ethanol at ng carbon dioxide. Mahalaga ito sa paggawa ng tinapay, paggawa ng serbesa, paggawa ng alak.
  • Ang permentasyon ng asidong laktiko ay nakakagawa ng asidong laktiko. Nagaganap ito sa mga kalamnan ng mga hayop kapag mabilisan ang pangangailangan nila ng maraming enerhiya o lakas.

Mga sanggunian

baguhin
  1. fermentation Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., paghilab, bansa.org
  2. fermentation, pagbuburo, lingvozone.com

Mga kawing na panlabas

baguhin