Sanghalamanan
Ang sanghalamanan (Ingles: flora) ay ang nabubuhay na mga halaman sa isang partikular na rehiyon o panahon, na pangkalahatang ang likas na lumilitaw o taal at katutubong nabubuhay na halaman.
Etimolohiya
baguhinAng katagang flora ay nagmula sa salitang Latin na Flora, ang diyosa ng mga halaman, mga bulaklak, at pagkamayabong (pertilidad) sa mitolohiyang Romano. Ang katugmang kataga nito sa mga hayop ay ang sanghayupan o sangkahayupan (ang fauna). Ang sanghalamanan, sanghayupan at iba pang mga anyo ng buhay na katulad ng mga halamang-singaw ay magkakatipong tinatawag bilang biota.
Pag-uuri ng sanghalamanan
baguhinAng mga halaman ay nakapangkat sa mga sanghalaman batay sa rehiyon, kapanahunan, natatanging kapaligiran, o klima. Ang mga rehiyon ay maaaring maging kakaiba ang heograpiya ng mga habitat, katulad ng bundok laban sa kapatagan. Ang sanghalamanan ay maaaring maging may ibig sabihing halamang nabubuhay sa isang makasaysayang panahon na katulad ng kusilbang sanghalamanan. Bilang panghuli, ang mga sanghalamanan ay maaaring paghati-hatiin sa pamamagitan ng natatanging mga kapaligiran:
- Sanghalamanang katutubo. Ang katutubo at indihenang sanghalaman ng isang pook.
- Sanghalamanang pang-agrikultura at panghortikultura (sanghalamanang panghardin o panghalamanan). Ang mga halaman na sinasadyang pinalalaki at inaalagaan ng mga tao.
- Sanghalamanang damo o sanghalamanang masukal, nakikilala sa Ingles bilang weed flora. Sa nakaugalian, ang klasipikasyong ito ay inilalapat sa mga halamang itinuturing na hindi kanais-nais, at pinag-aaralan upang matabanan o malipol ang mga ito. Sa kasalukuyan, ang katawagang ito ay hindi na gaanong ginagamit bilang isang kaurian ng mga halaman, dahil kinabibilangan ito ng tatlong iba't ibang mga uri ng mga halaman: ang mga espesyeng madamo (espesyeng masukal), espesyeng mapangsalakay (na maaaring hindi madamo o masukal), at ang mga espesyeng katutubo at mga dayo na hindi madamo na hindi kanais-nais sa agrikultura. Maraming katutubong mga halaman ang dating itinuturing na madamo ang nakapagpamalas ng kapaki-pakinabang o talagang kinakailangan sa sari-saring mga ekosistema.
Ang mga organismong bakteryal ay paminsan-minsang isinasama sa isang sanghalamanan,[1][2] at kung minsan ang mga katagang sanghalamanang pambakterya (bacterial flora) at "sanghalamanan ng (mga) halaman" (plant flora) ay ginagamit nang magkahiwalay.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.