Fauna
Ang fauna[* 1] ay ang lahat ng mga nabubuhay na hayop sa anumang partikular na rehiyon o kapanahunan. Ang katugmang kataga nito para sa mga halaman ay ang sanghalamanan. Ginagamit ng mga soologo at mga paleontologo ang katawagang ito upang tukuyin ang isang tipikal na kalipunan ng mga hayop na natatagpuan sa isang espesipikong panahon o lugar, halimbawa na ang "sanghayupan sa Disyertong Sonorano o ang "sanghayupan ng namuong putik na Burgesa". Maaari rin itong tumukoy sa isang ibinigay na kabahaging pangkat ng sanghayupan ng isang ibinigay na rehiyon, katulad ng "... ang lunas ng Amasona ay mayroong isang mayamang sanghayupan..."
Ang mga paleontologo ay paminsan-minsang tumutukoy sa isang sunuran ng mga hakbang ng sanghayupan, na isang serye ng mga bato na ang lahat ay naglalaman ng magkakahalintulad na mga kusilba.
Ang katawagan ay nagmula buhat sa Fauna, isang diyosa ng kayabungan (pertilidad) at lupa ng mitolohiyang Romano; o mula sa diyos na Romanong si Faunus, at ang kaugnay na mga espiritung panggubat na tinatawag na mga Faun. Lahat ng tatlong mga salita ay mga may kaugnayan sa Griyegong diyos na si Pan, at ang panis ay ang katumbas na salitang Griyego ng fauna. Ang Fauna ay siya ring salita para sa isang aklat na nagkakatalogo ng mga hayop sa ganitong kaparaanan. Ang kataga ay unang ginamit ni Carolus Linnaeus sa pamagat ng kanyang akdang Fauna Suecica noong 1747.
Mga kabahaging kahatian ng sanghayupan
baguhinInfauna
baguhinAng infauna ang katawagan para sa mga hayop na pantubig na nabubuhay sa substrata ng isang katawan ng tubig, natatangi na sa loob ng isang malambot na kailaliman ng dagat.
Epifauna
baguhinAng epifauna, na tinatawag ding epibenthos, ay mga hayop na akwatiko na naninirahan sa pang-ilalim na substratum, hindi sa loob nito, iyong sanghayupang bentiko na namumuhay sa ibabaw ng kapatagan ng sedimento sa sahig ng dagat.
Macrofauna
baguhinAng macrofauna ay ang mga organismong bentiko o ng lupa na namamalagi sa ibabaw ng isang nasala o nabithay na 0.5 mm ang kapal. Ang mga pag-aaral sa loob ng kailaliman ng dagat ay nagbibigay ng kahulugan sa macrofauna bilang mga hayop na nananatili sa ibabaw ng isang bithay na may kapal na 0.3 mm upang maisaalang-alang ang maliliit na mga sukat ng marami sa taxa.
Megafauna
baguhinAng megafauna ay ang malalaking mga hayop ng anumang partikular na rehiyon o kapanahunan. Halimbawa, ang megafauna ng Australia.
Meiofauna
baguhinAng meiofauna mga hayop na bentiko na hindi naguguluguran (walang gulugod) na kapwa namumuhay sa mga kapaligiran ng karagatan at tubig-tabang. Ang katagang meiofauna ay may kaluwagang nagbibigay ng kahulugan o naglalarawan sa isang pangkat ng mga organismo ayon sa kanilang mga sukat, na mas malaki kaysa sa microfauna subalit mas maliit kaysa sa macrofauna, sa halip na isang pagpapangkat na pangtaksonomiya. Ang isang kapaligiran para sa meiofauna ay sa pagitan ng mga grano ng malagihay na buhangin (tingnan ang Mystacocarida).
Sa nakasanayan, ito ay mga hayop na metasoano na maaaring makalagos na hindi napipinsala sa loob ng isang mata o butas na may diyametrong 0.5 mm hanggang 1 mm subalit masasala ng butas na 30 – 45 μm ang diyametro,[1] ngunit ang tumpak na mga dimensiyon ay magiging magkakaiba ayon sa kung sino ang nananaliksik. Nakabatay rin ang kung nakalalagos ang organismo sa isang 1 mm na butas sa kung buhay ba ang hayop o hindi.
Mesofauna
baguhinAng mesofauna ay mga imbertebrado hayop na namumuhay sa lupang makroskopiko katulad ng mga artropoda, bulating-lupa, at mga nematoda.
Microfauna
baguhinAng microfauna ang mga hayop na mikroskopiko o napakaliliit na mga hayop (na karaniwang kinabibilangan ng mga protosoano at napaka maliliit na mga hayop na katulad ng mga mga rotipero).
Iba pa
baguhinKabilang sa iba pang mga kataga ang avifauna, na may kahulugang "sanghayupan ng ibon" at piscifauna (o ichthyofauna), na nangangahulugang "sanghayupan ng isda".
Iba pa
baguhinAng salitang fauna ay isang katagang ginamit ng may-akdang si Aldo Leopold sa paglalarawan ng maselang kapaligiran sa kahabaan ng "Round River" (Bilog na Ilog) mula sa A Sand County Alamanac.
Mga tratado ng sanghayupan
baguhinMga sanghayupang klasiko
baguhin- Linnaeus, Carolus. Fauna Suecica. 1746
Tingnan din
baguhin- Hayop
- Biodibersidad
- Bioma
- Agham Panlupa
- Ekolohiya
- Ekosistema
- Galaw na pangkapaligiran
- Sanghalamanan
- Sanawan ng hene
- Erosyong henetiko
- Polusyong henetiko
- Likas na kapaligiran
- Kapaligiran
- Sustenibilidad (kakayahang makapagpatuloy o makagtuluy-tuloy)
Talababa
baguhin- ↑ maari ring tawagin na sanghayupan, sangkahayupan, o palahayupan
Mga sanggunian
baguhinMga kawing panlabas
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Soolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.