Florencio Abad
Si Florencio "Butch" Barsana Abad ay isang abogado at politiko sa Pilipinas. Sa pagkakaroon ng maraming ranggo sa antas ng gabinete sa nakaraan, siya ay hinirang ni Pangulong Benigno Aquino III bilang Kalihim ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala ng Pilipinas.[1] Si Abad ay humawak ng iba't ibang posisyon sa antas ng gabinete noong nakaraan, partikular bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon at Kalihim ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan.
Florencio Abad | |
---|---|
Kalihim ng Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 2010 – 30 Hunyo 2016 | |
Pangulo | Benigno Aquino III |
Nakaraang sinundan | Rolando Andaya, Jr. |
Sinundan ni | Benjamin Diokno |
Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon | |
Nasa puwesto Hulyo 2004 – 15 Hulyo 2005 | |
Pangulo | Gloria Macapagal-Arroyo |
Nakaraang sinundan | Edilberto de Jesus |
Sinundan ni | Ramon Bacani |
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula sa Nag-Iisang Distrito ng Batanes | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 1995 – 30 Hunyo 2004 | |
Nakaraang sinundan | Enrique C. Lizardo |
Sinundan ni | Henedina Razon-Abad |
Nasa puwesto 30 Hunyo 1987 – Disyembre, 1989 | |
Nakaraang sinundan | Fernando C. Faberes |
Sinundan ni | Enrique C. Lizardo |
Kalihim ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan | |
Nasa puwesto 2 Disyembre 1989 – 5 Abril 1990 | |
Pangulo | Corazon Aquino |
Nakaraang sinundan | Miriam Defensor-Santiago |
Sinundan ni | Benjamin T. Leong |
Personal na detalye | |
Isinilang | Sampaloc, Maynila | 13 Hulyo 1954
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika | Liberal |
Asawa | Henedina Razon |
Anak | Julia Andrea Abad Pio Emmanuel Abad Luis Andres Abad Cecilia Paz Abad |
Biograpiya
baguhinIpinanganak si Abad noong 13 Hulyo 1954 sa Sampaloc, Maynila, na mula sa isang mag-anak na politiko sa Batanes. Ang kanyang mga magulang ay sina Jorge Abad, at Aurora Abad, dating gobernador at kongresista ng Batanes.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Noynoy names Cabinet execs, senior government officials Naka-arkibo July 29, 2010, sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.