Foiano della Chiana

Ang Foiano della Chiana ay isang maliit na agrikultural na bayan komuna (munisipalidad) sa lalawigan ng Arezzo, rehiyong Toscana, sa gitnang Italya, sa pagitan ng mga lungsod ng Sinalunga at Cortona. Kilala ito sa taunang karnabal nito.

Foiano della Chiana
Comune di Foiano della Chiana
Lokasyon ng Foiano della Chiana
Map
Foiano della Chiana is located in Italy
Foiano della Chiana
Foiano della Chiana
Lokasyon ng Foiano della Chiana sa Italya
Foiano della Chiana is located in Tuscany
Foiano della Chiana
Foiano della Chiana
Foiano della Chiana (Tuscany)
Mga koordinado: 43°15′N 11°49′E / 43.250°N 11.817°E / 43.250; 11.817
BansaItalya
RehiyonToscana
LalawiganArezzo (AR)
Mga frazioneCase Nuove, La Pace, Ponte al Ramo, Pozzo della Chiana, Renzino, Santa Luce
Pamahalaan
 • MayorFrancesco Sonnati
Lawak
 • Kabuuan40.77 km2 (15.74 milya kuwadrado)
Taas
318 m (1,043 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan9,470
 • Kapal230/km2 (600/milya kuwadrado)
DemonymFoianesi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
52045
Kodigo sa pagpihit0575
Santong PatronSan Martin
Saint dayNobyembre 11
WebsaytOpisyal na website

Kasaysayan

baguhin
 
Foiano della Chiana

Ang pangalan ng Foiano, ayon sa isang alamat, ay nagmula sa diyos na si Jano na, nang umakyat siya sa Ilog Tiber at nanirahan sa anino ng isang burol, tinawag itong Flos Janus. Gayundin, natagpuan ang isang pergamino na mula noong 842 CE kung saan binanggit ni Lothar I ang Roman Campus Fugianus.

Noong 1383, ang kontrol ng Foiano ay dumaan mula Arezzo tungo sa Florencia at ang mga naninirahan ay nagtayo ng mga pinatibay na pader sa paligid ng bayan. Sa 1387 ang lungsod ay naging isang malayang komuna at ang unang komunal na batas ay ibinalangkas. Matapos ang pagkubkob ng mga Aragones, nahulog muli ang Foiano sa Florentinong kontrol at ang bagong "hugis puso" na mga pader ng bayan ay itinayo noong 1480.

Noong 1789, ang mga hukbo ni Napoleon ay dumaan sa Toscana, ngunit ang Rebolusyong Pranses ay walang naging impluwensiya sa Foiano, na nagtamasa ng kanilang umiiral nang proteksiyon mula sa Florencia. Noong 1862, kinuha ng Foiano ang pangalang Foiano della Chiana at isa ito sa mga unang munisipalidad na naghalal ng konseho ng bayan sa pamamagitan ng popular na mayorya.

Mga pangunahing tanawin

baguhin

Sa loob ng napapaderan na lungsod, may mga sining at arkitektura na gawa ni Andrea della Robbia at iba pang mga kilalang artista ng Renasimyento.

Sa loob ng simbahan ng San Michele Arcangelo, sa ikalawang timog na altar, isang Madonna ng Rosaryo ni Lorenzo Lippi at sa ikatlong hilagang altar, at may ni-enamel na na terracotta ng Pag-aakyat ni della Robbia at anak na si Giovanni noong 1495–1500.

Ang Corso Vittorio Emanuele ay humahantong sa Piazza della Collegiata kung saan, sa loob mismo ng Collegiata, ay ang Madonna della Cintola na ginawa noong 1502 ni Andrea della Robbia, at Koronasyon ng Birhen ng paaralang Luca Signorelli.

Ang simbahan ng Santa Maria della Fraternità ay naglalaman ng apat na pinta ni Giovanni Camillo Sagrestani at ang estatwa ni Madonna at Anak ni Andrea della Robbia (bandang 1460), ay batay sa isang modelo ng kanyang tiyuhin na si Luca.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin